PROLOGUE

22 0 0
                                    


DISCLAIMER:

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story contains of matured scenes. Please be matured don't report this story. Read at your own risk...

Flordeliz Series #1: I Need You

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

—PROLOGUE—

"May klase ka bukas?" Tanong ni Mohair, habang isinasarado ang pinto ng resto. Sa ngayon ay pauwi narin kami.

Tumango ako, "oo."

"Bakit hindi ka na lang tumigil? Magtrabaho ka na lang, at para mas maalagaan mo ang anak mo. Ako nahihirapan para sa'yo."

Umiling ako. "Sinabi ko naman sa'yo na huwag ka nang mag-alala sa akin. Naisip ko na 'yon pero ayoko. Mas mahihirapan ako kapag tumigil ako. Gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko kahit nahihirapan na ako. Magtatapos ako, 'yon ang goal ko."

"I admire you, bakla. Napakabrave mo! Kahit kailan ay hindi ka sumusuko. Kahit siguro may afam pang mag-propose sa'yo hindi mo pa rin tatanggapin kesyo goal is goal." Tumawa pa siya.

Ngumiti ako, "kailangan. Kailangan kong magpatatag para sa anak ko."

"Akala ko kailangan mo ng afam!" Napahalakhak pa siya na ikinatawa ko rin.

"Hindi lang naman para sa akin ang pangarap ko dahil para na rin sa anak ko. Gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay kahit na nahihirapan ako. Hangga't kaya ko pang tiisin ang lahat ay titiisin ko para mabigyan ko siya ng magandang kinabukasan."

She smiled, ginulo pa niya ang buhok ko. "You're such a good mother. Sana ganyan din kabait mother ko." He smiled a little.

Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Alam ko ang mga pinagdaanan niya sa nanay niya kaya iniiwasan ko na ring pag-usapan ang tungkol dito. "Pano, mauuna na ako sa'yo." Paalam ko na.

"Sa Cavite po," wika ko sa tricycle driver.

Tumunog ang phone ko na nasa bulsa ko, kaagad ko itong dinukot at saka sinagot ang tawag. Hainie is calling.

"Hoy mamshi nasaan ka na ba?" Iyon ang bungad niya sa akin, dinig ko na ang ingay na iyak ng bata sa linya, it was probably Irah. "Kanina pa umiiyak baby mo! Hindi ko na alam ang gagawin! Umiiyak pa si Mongmong."

"Niii, parating na ako. Wait lang, on the way na ako." Nagpapanic na rin ako. I feel so bad for her, sobrang laki ng utang na loob ko sa kaniya. Balang araw... balang araw ay maibabalik ko rin ang lahat ng kabutiang ibinigay niya sa amin ni Irah.

"Naloloka ako sa mga batang 'to, nagsasabay-sabay umiyak!" Tumawa pa siya, bakas ang pagka-stress.

"Basta! Parating na ako, sige bye na!" I hung up.

Malaki ang pasasalamat ko sa kaibigan kong si Hainie dahil palagi niya akong tinutulungan sa pag-aalaga sa baby ko. Halos wala na nga akong oras sa anak ko at siya na lang din ang nag-aalaga nito. Hindi din naman siya nagrereklamo sa pag-aalaga kay baby Irah. Siya pa nga ang may gustong sa kaniya ko iwan ang anak ko kapag wala ako.

Dumating na rin ang asawa niya, sobrang saya nilang pamilya. Nakikita ko naman ang pagmamahal ng lalaki kay Hainie. They both lucky to have each other. Mabait silang dalawa at bagay sa isa't isa. Kaya hindi ko maiwasang mainggit.

I Need You (Flordeliz Series 1)Where stories live. Discover now