VANADEY
'BOLTAOREUNE.... EH EH OH EH OH SSAK DA BULTAEWORA BOW WOW W--ping!
*Yawn*
"Hay! Good Morning Seoul!!"
Agad kong inalis ang aking kumot at bumangon. Nag inat inat at dinadamdam ang sariwang hangin mula sa bintana.
Waaait?! The window is open?
Lumapit ako sa nakabukas na bintana at huminga nang napagtanto kong nakalimutan ko palang isara ito kagabi. I looked down hmmm... Wala naman sigurong magtatangkang akyatin ang building na ito at pasukin ang condo ko.
But I still need to close the window before I sleep. Ayoko namang hintayin ko pang may makaakyat at pasukin ang condo ko. At kung sino mang magtatankang pasukin ang condo ko, kung lalaki man ito, mababakla siya.
Dahil puro posters ng pitong koreano ang nakadikit sa wall ng kwarto ko. Ngumiti ako ng malawak at tumayo sa kama ko. Tinitigan ko sila isa isa.
"Annyeong haseyo!" Bati ko sa kanila.
Hep! Don't get me wrong ha! Hindi ako baliw, I'm just inlove with these boys.
"Kim Namjoon, good morning sayo! I hope you'll have a good day!"
Inuulit ko po ha! Hindi talaga ako baliw. I swear. I'm just a fan girl
"Kim Seok Jin, good morning. Min Yoongi, hey magandang umaga! Jung Ho Seok! Sunshine morning to you! Park Jimin, gooood morning! Kim Taehyung, good morning morning good haha. Jeon Jungkook go~od morning!!!"
I sighed.
"Sana makita ko na kayo" I smiled at the posters. Kahit sa posters ko lang sila nakikita, masaya na ako. How much more na lang kaya pag nakita ko na sila ng personal. Hayys baka mabaliw na ako ng tuluyan.
Tahimik ko silang tinititigan then suddenly a big loud pop sound appeared and I almost fell from bed. Titignan ko sana ng masama yung bigla na lang pumasok sa kwarto ko.
But I realized it was just my appa, holding a purple cake. At may nakasulat pa doon na BTS? Seriously?!
"Happy Birthday dear Vana!" he shouted as if I'm far away from him.
Teka nga lang?
Birthday ko ba?
Jinja?!
Tumingin agad ako sa calendaryo and oh my gosh!!! I bite my fingers! It's my 18th birthday na pala hahah. I almost forgot it, kung hindi lang siguro ako sinurprise ni appa, nakalimutan ko na siguro ng tuluyan.
Agad kong nilapitan si appa at niyakap siya.
"Thank you for this, Appa!" Huhuhu I want to cry now! Pero ayoko, nakakahiya kay Appa.
"Anything for my dear Vana" he said and I smiled widely. Tinitigan ko ang purple na cake na may nakasulat na BTS.
My Appa has a good taste for surprising me huh.
"Sige, make a wish"
Pumikit ako at nagwish.
I wish this day would be full of hapiness and I wish my family always have a good health.
After that I blew the candle. Pumunta kami ni Appa sa kusina at nagpaalam siyang bumili ng groceries para daw lutuin niya lahat ng favorite dishes ko. Sinuot pa niya yung rainbow na bonet na ineregalo ko.
Hindi po LGBT ang tatay ko ha.
I'm so really lucky to have Appa, he's always supporting me and giving my wants, not that spoiled ako ha. Alam ko naman ang limitasyon ko kaso nga lang si Appa, sobra sobra siya pag magbigay. For him prices doesn't matter, wala siyang pakialam kung maubos ang pera niya basta mabigay niya lang ang gusto ko.
Pagkaalis ni Appa, I immediately went to my room para magbihis. Since my cake is purple, nagsuot ako ng purple na dress,it's also my favorite one. Sumayaw sayaw ako habang pumupunta sa kusina while humming a BTS' song.
Nagbrowse muna ako sa social media para hindi ako maboring sa paghihintay kay Appa. I recieved simple greetings from my former bestfriends, yung mga kakilala ko sa Pilipinas at yung mga bestfriends ko ngayon.
I smiled sweetly. Nakakataba ng puso na kahit hindi nila ako nakikita or malayo sila sa akin, nagagawa pa rin nila akong pasayahin. I'm so grateful that I met these people.
But I sighed again. There's one thing I want on my 18th birthday. Nagpost ako sa weverse at sana makita iyon ng BTS o kahit isa sa kanila at igrigreet ako ng 'happy birthday'. I'm still hoping that one day, they will notice my posts on weverse.
It would be the best 18th birthday for me kung may mag-gigreet sa kanilang pito.
Okay..
Okay...
Okay....
Let's just say na masyado akong ilusyonada or obsessed but I'm not ARMY for nothing. What else could an ARMY wish for? Bawat fan girl ay may ganito ring wish as mine.
Sana nga makita na nila! Ang tagal tagal ko nang nagpopost dito sa weverse pero ni isa sa kanila wala pang nagcocomment sa post ko. Tumitig ako sa phone pero binitiwan ko rin lang agad.
Tumingin ako sa orasan.
"Ang tagal naman ni Appa" sabi ko sa sarili ko at napagtanto kong mahigit tatlong oras na pala akong naghihintay.
Hindi naman matagal mamalengke si Appa. Marami kaya siyang lulutuhin ngayon? Tatlo nga lang yung paborito kong pagkain eh. Yung carbonara, yung sushi at kimbap.
Tinawagan ko si Appa kasi kahit ganito nag aalala ako. His phone cannot be reached and I'm totally worried now.
Lumabas ako ng condo at every mini market na nadadaanan ko ay sinisilip ko. Hindi kami bias ni Appa pagdating sa pamimili ng groceries. Napasukan nga namin lahat ng mini mart dito sa amin. Walang problema kasi pare-pareho sila ng price.
I tried to call him again but cannot be reached pa rin. Natetense na ako at para akong hinahabol ng pulis kung makaasta. Suddenly a thing caught my attention, nakita kong nakakalat ang kaninang suot ni Appa na bonet.
Mabilis kong pinulot iyun. Bumilis ang tibok ng puso ko at naiiyak na rin ako. I think my wish was not fulfilled. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Appa" singhal ko and my voice was hopeless. Nag ring ang phone ko at nakita ko sa flash screen ng phone ko ang pangalan niya. Agad ko itong sinagot.
"Appa! Where are you?!" agad kong bungad sa kaniya.
Kinabahan ako nang iba ang narinig kong boses. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.
Agad akong nagpara ng taxi.
I hope okay lang si Appa. I can't live without him. Siya na nga lang ang nag iisang magulang na nagtataguyod sa akin. Ayokong mawala siya.