VANADEYNatataranta akong tumatakbo sa hallway ng hospital . Oo nasa hospital ako kasi may nangyaring masama kay Appa, yun ang sabi ng tumawag sa akin. As far as I know, walang sinasabing sakit sa akin si Appa and he's completely healthy.
Nagtanong ako sa isang nurse kung nasaan ang kwarto ng aking tatay
"Kamsahamnida" agad kong sabi nung sinabi na niya kung nasaan si Appa. Agad rin akong tumakbo sa pwesto ng tatay ko.
Hingal na hingal na ako at pinagpapawisan, pinagtitignan rin ako ng mga taong nasasalubong ko. Maya maya pa ay may nakabungguan akong isang lalaking matangkad na nakamask.
"Ah, I'm sorry" paumanhin niya at napansin ko ring may mga kasama siya.
"Sorry din" I said as I bowed at agad na ring tumakbo papunta kay Appa. I badly need to see him.
"Appa!" sigaw ko nang hinawi ko ang puting kurtina. "Appa~" I almost cried.
Nakita ko siyang nakaupo sa kama, suot pa rin niya yung damit niya kanina. May nagbago lang sa mukha niya. May mga bandages na nakadikit at pasa pasa.
Tumabi ako sa kanya.
"Vana" mahina niyang sabi
"Appa, anong nangyari?!" hinawakan ko ang braso niya at malapit na akong lumuha.
Tumitig siya sa akin at umiwas ng tingin. Ang ikinataka ko, tumawa pa siya ng malakas.
Nagsalubong ang mga kilay ko. How can he laugh at this situation? Pasa pasa na nga ang mukha niya nagawa pa niyang tumawa. Haist pareho sila ng ugali ni Taehyung. Abnoy!
"Appa, hindi ako nagbibiro ha!" niinis kong sabi at napacross arms na lang ako.
"Vana, you're so overacting. Okay lang ang Appa mo at malayo 'to sa bituka" he said at niyakap ko siya.
"Appa, ano ba talagang nangyari? Ba't pasa pasa ka?" Lumapit pa ako sa kaniya ng konti at pinagmasdan ng mabuti ang mukha niya "May bumugbog ba sayo?"
He just smiled. Nalungkot ako at niyakap siya, hinimas naman niya ang likod ko.
"Sorry nak if I won't able to cook your favorite dishes, kinuha kasi ng mga bumugbog sa akin yung pera"
Tinitigan ko siya at nagbuntong hininga.
"It's okay Appa, meron naman yung cake diba, yun na lang kainin natin" pinatong niya ang kamay sa ulo ko and he kissed me in the forehead.
Sino kaya yung mga bumugbog kay Appa? They don't have a right na bugbugin siya. Binugbog na nga ninakawan pa.
"Eh, Appa sino naman po yung tumawag sa akin kanina?" tanong ko sa kaniya nang naalala ko yung tumawag sa akin.
"May tumulong sa akin na mga lalaki, I didn't recognize them kasi nakasuot sila ng mask"
Nakasuot ng mask? Parang may nakita ako kaninang lalaking nakasuot ng mask.
"Ah, I'm sorry"
Naalala ko na, yung nakabungguan ko kanina. Hay If I only knew na sila ang tumulong sa Appa ko, I would thank them in a first place. Hinawi ko ang kurtina at tumingin sa labas, baka sakaling hindi pa sila nakalayo, maabutan ko sila at magpapasalamat.