Si Carlo

6 2 1
                                    

(The image of Wonder Woman is owned by DC and used in this instance as a representation of the narrator's imagination only. Maraming typos etcetera ito kasi ito na rin rough draft ko, if OK lang sa inyo, go!)

Ipinanganak na mahirap si Carlo. Carlito talaga ang pangalan niya. Balong ang kinalakihan niyang tawag sa kanya, at pagdating ng time na pwede na siyang mamili ng itatawag sa kanya, naging Carlo na.

Pero matagal pa yon sa kwento ng totoong buhay niya.

Kasi, walo silang magkakapatid, pang-eleven yata siya!

Di niya kasi malubos maisip paanong nag-anak ng ganun karami ang mga magulang niya samantalang halos pang-isahan lang ang laki ng salaping kinikita ng mga magulang niya! Aba, tricycle driver ang ama niya! At ipinapasada lang niya ang sasakyan ng kumpare niya, kaya, nag-e-entrega siya kada-araw ng two hundred pesos, e may ka-relyebo siya, kaya pang-dose oras ang shift nila!

O, gulat kayo, pati mga tricycle driver pala me shift?

Akala niyo mga taga call-center lang at mga nurses at mga pampublikong guro ang me shift sa trabaho? Kahit laspag na ang motor at side-car, sige kayud, hangga't aandar at gugulong!

Ganun ang kinalakhang buhay ni Balong.

Maitim,  kaso tumangkad, pangit naman daw ang lahi nila, pero siya, pino ang mukha kompara sa malalapad o di-mai-drowing na mukha ng mga kapamilya niya, kasama na dun ang dalawang ate niya at bunso nilang si Gelay. So, tatlo ang kapatid niyang babae, at lima silang lalake. Pasensiya na kung nilito ko kayo nung una, lito rin si Balong e. Di ba nga?

At eto ang isa pa, hindi malapad ang ilong niya, kaya kahit di katangusan, 'kala sa biglang tingin at titig talaga, matangos. In other words, me itsura si Carlo. O Balong. So what? Wala naman siyang pera. Kaya wala ring kwenta. Saka pag maitim ka at mahirap, walang guwapo-guwapo sa mundo ng mga taga-Project  8, sa me tabi ng creek. Wag niyo nang alamin, tama nang malaman niyong nasusunog ang lugar nila kada me malaman silang pondong ipamumudmod ng N.G.O., o nababaha naman kada tag-ulan, mga sampu o labing-dalawang beses lang naman. Kada taon.

Mga apat na metro kuwadrado siguro ang laki ng bahay nila, na yari sa pinagtagpi-tagping plywood, yerong butas-butas at kinakalawang na napulot ng isa sa mga kuya niya nung minsang magbaha, at kung ano-ano pang uri ng trapal at kurtina ang bumubuo ng pader, bubong, kusina, at tulugan ng bahay nila. Ganun naman halos lahat ng mga bahay sa Gillage na yon. Me ilan-ilan lang na sementado at maayos na yero... 

Wag ko nang ikwento ang pang-araw-araw nila ha? Baka kasi maiyak kayo, o mandiri, wag na di ba?

Di na siya marunong mainggit by the time na nagkaisip siya. Ang alam niya, namasukan siya sa isang pizza parlor. Bakit kaya parlor ang tawag sa pizzeria? Di rin niya inalam. Pero masarap ang pizza nila doon kaya dun siya nagtrabaho. Namasukan siya doon nung matapos siya mula sa Sergio Osmena High School. Kelangan niyang kumayod kasi magko kolehiyo na siya.

Malamang, sa PUP, kasi, dun ang mga iskolar ng bayan. Kelangan niyang pumasa doon. Sabi ng isang tita niya, mag-physical therapist daw siya... Kasi, kukunin daw siya sa abroad. Kaso, nasa third year siya nung namatay ang tita niya. Goodbye abroad!

Wala nang kukuha sa kanya, nabawasan pa ang maliit na tulong na minsan ay dumarating sa kanila.

Saklap. Ganun talaga ang buhay ng mga mahihirap. Keri niyo?

Puwes, na-keri naman ni Carlo, aka Balong. Nag-shift siya ng kurso. Marketing. Matapos ang ilang taon na maya't-maya'y nauudlot na pag-aaral niya, grumadweyt na rin siya.

Mga bata, kung inaakala niyong maganda na ang buhay pagka-graduate, wait lang kayo. Hindi pa.

Hanap na siya ngayon ng maayos-ayos na trabaho. Di kahirapan ang pagapasok ni Balong sa trabaho, kasi nga, pag nadamitan ng me collar, marami siyang napag-iiwanan, pwera delos buenos. Lalo pag babae ang mga mag-i-interview sa kanya. Kahit lalake pa. Problema lang niya madalas paano pagkasyahin ang pamasahe niya araw-araw, pambili sa karinderia ni aling Sepang sa mga pangalawang kanto, sa nirerentahan niyang kuwarto sa me malapit sa  Araneta Avenue. Don siya naka-condo. Di ko na rin ide-describe itsura, kasi, madi-dis-ilusyon kayo.

Kung saan-saan siya napasok, kadalasan, sa sales. Nagbenta siya ng mga bakal, yero, at kung anu-ano pa. At unti-unti, nabayaran niya ang isang piranggot ng lupain na urban housing project sa may Novaliches. Dun lumipat mga Tatay, Nanay at mga kapatid niya. Siya, paikot-ikot ng renta sa malapit sa Cubao, Pasig, Makati, kung saan padparin ng trabaho.

Hanggang sa minsan, habang papasok siya sa trabaho niyang medyo nagtagal naman siya ng - aba- mag-i-isang dekada na pala - me nakasalubong siyang tisay sa main office nila. Nagre-report kasi siya roon kada unang Lunes ng buwan, kasama ang mga store managers at top-salesmen na tulad niya sa opisina ng me-ari ng Italian Furniture na pinagta-trabahuhan niya. Noon lang niya nakita iyon. Dinala na rin siya sa Italia nung mga me-ari bilang incentive, pero hindi naman kasi Italian ang mga me-ari, Chinese as usual. Chinoy kasi, nag citizen na siempre.

Sabi nga ng matandang nakakakwentuhan niya sa karinderia ni aling Sepang, si Mang Isko, mga sindikato raw ang mga insik na nagtatayo ng mga negosyo sa bansa natin, panay padala ng komunismong Tsina.

"Kasi nga naman, tingnan mo, ang hirap ng buhay, pero aasenso-at biglang aasenso lahat ng simulan nila, halata masyado na me financer!" palahaw nito minsang magka-kwentuhan sila.

Anyway, back to Tisay. Yon nga, di lang halos kasin-tangkad na niya ito, kundi akala mo si Wonder Woman, Miss Universe, at lahat na ng maganda. Ganun yata talaga ang pagtingin natin sa mga mapinong mukha at naggagandahang mga puti o Caucasian.

Sa buong buhay ni Carlo, noon lamang siya nakaramdam ng ganun na apekto ng isang babae sa kanya. Napagkakamalan na nga siyang bakla e, kasi, dahil sa di naman alam ng mga nakapaligid sa kanya kung ano ang mga pinagdadaanan niya (tulad ng kahapon lang ay tumawag na naman ang ate niya at kelangan daw pambili ng mga uniform ng mga anak niyang players sa school intrams, at bago niyo makalimutan, pito ang kapatid niya, at isa lang yong tumawag, kahapon, iba siempre ang tawag sa gabi, at sa madaling araw. Minsan, hatinggabi, meron pa! Wag niyo nang itanong kung ano ang mga sinasabi nila, sapat na ang ipaalam kong apat na ang anak nung isang ate niya na iyon! Hindi rin ako galit, ipinapakita ko lang kung paanong nawalan yata ng panahon mapansin ni Balong ang mga naggagandahang mga  dalagang Pilipina, yeah.) kaya naman akala tuloy nila, ate, sister, at kauri nila si Balong.

Let's just say, nagkataon lang sigurong me katinuan din si Balong pagdating sa pagiging anak niya at kapatid, tito na rin. Sana'y wag muna siyang mamroblema sa apo, di ba?

Hindi mapakali si Carlo sa pagpasok sa conference room nila, dahil agad pumaikot ang paningin niya, hanap ang mistisang naenkwentro sa head office nila. At sa unang pagkakataon sa buong buhay niya ulit, saglit na nanlisik ang mga mata niya nang makita na may kausap si Tisay, ang malasadong anak ng boss niya - si Dexter Tan. Ito ang kanang-kamay ng boss niyang si Peter Tan. Mas bata sa kanya ito ng dalawang taon, sa 33 anyos niya. Ganun na siya ka-tanda. At FYI, di na po siya virgin. Wala rin siyang balak ikwento paano siya nagkaroon ng pisikal na eksperiensya. Hindi na raw mahalaga sa kwentong ito. Actually, at this time, there's no relevance. Malay natin sa mga susunod na eksena, magkaroon, so mauungkat din siguro.

Sa matalimna pagtitig niyang 'yon, tila naman naramdaman yata ni Tisay na may nakatingin sa kanya, at napalingon ito sa kinaruruonan niya, at datapawa't marami nang mga empleyadong naroon para sa meeting na iyon, nagsalubong ang mga paningin nila. Nag-init pa nga ang buong katawan ni Carlo nang sumilay ang ngiti sa labi at mga mata ni Tisay. Bagkus na tugunin ang ngiti ng babae, nagtagis ang mga bagang ni Carlo, sa dahilang hindi rin niya maipaliwanag. Galit siya sa pakikipag-usap nito kay Tikoy!

(mag-aalas singko na pala, uwian na! hahahaha! abangan na lang po ang kasunod. Sa mga nakabasa na ng mga sinulat ko sa mga pahinang ito, send me good vibes & energy na sana matapos ko ito at di ako abutan ng katam!)



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bitch & The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon