Prologue
Maraming tao ang nagsasabing masayang magkaroon ng kaibigan.
Kasi may taong poprotekta sayo kung sakaling hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mo.
Sila yung taong makakaramay mo sa iyong problema, nandiyan sila nakabukas ang mga tenga para pakinggan ka.
Maituturing mo siya bilang isang pamilya at isang totoong kaibigan. Dahil ipaparamdam niya sayo ang tunay na pagmamahal nang isang kaibigan at pamilya. At sa lahat ng bagay ay mapagkakatiwalaan mo siya.
Siya ang unang sasagip sa bawat paghulog mo, iaabot niya ang kanyang kamay upang tulungan ka para bumangon ulit. Magiging ilaw mo sa bawat madilim na daan na tinatahak mo.
Siya din ang unang taong magpapasaya, magiging inspirasyon, magiging dahilan ng ngiti mo sa iyong labi at pupuno sa bawat araw na magkasama kayo.
Paano...
Kung yung kinakatakutan mo ay mangyari sa hindi mo inaasahan.
Kung yung taong nagbigay sayo nang masayang ala-ala ay isa na lang kahapon.
Dahil paggising mo wala na siya sa kinabukasan.
Hindi mo na siya mahahawakan at makakasama lahat ay mawawala na parang bula, mawawasak na parang basag na salamin at mapupunit na parang papel. Hindi mo na maibabalik ang nakaraang lumipas na.
Ngunit mag-iiwan siya ng isang magandang ala-ala na hindi mo makakalimutan.
At iyon yung mga araw na pinagsamahan niyo.
BINABASA MO ANG
Memories With My Bestfriend
Teen FictionEvery memories leaves a painful mark that everyone can't forget. It includes happiness and sadness. Everytime we notice, it'll start to heal. Half of the people leave and forget what had happened but most of the time people choose to embrace and sta...