Changes

112 4 0
                                    

Kira's Pov

Psh! Paano naman nalaman ng mga 'to na nandito ako? Hindi ko na nga sinabi sa kanila kung saan ako pupunta. Tss. Yung totoo, paano nila ako nasunduan? Alam ko namang trouble lang ang mga dala nitong mga taong to eh.

"Queen! Pakain naman oh! Kanina pa ako nagugutom eh." Akea. Pinaka-bata, pinaka-makulit,pinaka-childish,pinaka-maingay. Lahat na ata ng pinaka na sa kanya na. Pinakabata sa lahat ng member ng gang ko.

"Psh! Puro lamon talaga ang nasa utak mo Akea." Hyacinth. Pangalawa sa pinaka-malakas sa buong grupo. Siya ang tinuturing kong bestfriend. Isa sa mga pinagkaka-tiwalaan ko sa lahat. Mabait, friendly,campus chick pa nga yan. Pero wag kang magpapadala sa ganda niyan dahil hindi mo pa kilala kung sino siya.

"Awat na yan. Baka gusto niyong masampolan ni Queen."Verena. Good in computer hacking. Siya ang gumagawa ng lahat ng paraan para magkaroon kami ng access sa target. Pinaka-misteryosa sa lahat yan. Ewan ko ba kung anong tumatakbo sa utak niyan eh.

"So, yan lang ba talaga ang pakay niyo? Ang guluhin ako? Kung wala na kayong ibang gagawin pa, pwede na kayong umalis."  I said and turn my back on them.

"Teka lang naman, Queen. We heard na meron kang bagong target. Eh wala naman kaming gagawin at bored na din kami dun sa Japan. So we decided na sundan ka nalang namin dito." napatigil ako sa pag-akyat ng marinig ang paliwanag niya. Tss. 

"Oo nga. Papayag ka naman diba? Diba? Tsaka, ayaw mo ba nun Queen? The more, the merrier." Psh! Kahit kailan talaga, isip bata tong si Akea.

Pero, siguro naman, may maitutulong sila sa akin. Siguro nagtataka kayo kung paano nabuo yung gang namin. Well, it all started when we are in elementary. Co-members ko sila sa Martial Arts Club. Then later on, we decided to make our own gang. Sa LiDe kami lahat nagka-kilala. Sa LiDe kung saan nabuo ang gang namin...na nagpabago ng takbo ng buhay namin.

Hinarap ko muna sila bago sinagot.

"May magagawa pa ba ko?" and their smiles widened after hearing what I said. Tss. Planado talaga lahat to eh.

"Yehey! Sabi ko na nga ba hindi mo kami matitiis eh!" sagot ni Akea. Psh! Ang ingay talaga -_-. 

"Kung wala na kayong kailangan, pwede na kayong umalis. Iniistorbo niyo yung pagtulog ko eh." patulog na sana eh. Naudlot lang. Tsk! Mga istorbo.

"Sige! Kita nalang tayo bukas! Tsaka nga pala..." tumakbo muna silang lahat dun sa may pintuan bago nagsalita muli.

"....DUNDINNGAPALAKAMISASCHOOLMOMAGAARAL"at isa-isa ng nagsi-alisan ang mga ito. Halos hindi ko na maintindihan ang sinabi ni Akea, pero parang unti-unting nagsink-in yung sinabi niya.

Shit! Siguradong gulo na naman to. Haizzt! Ano po nga bang magagawa ko? Basta maghahanda nalang ako bukas. Maghahanda sa mg posibleng mangyari..

Kumuha muna ako ng tubig sa kusina at umakyat na sa kwarto ko. Humiga na ako sa kama at pinikit ang mga mata ko. Alam kong bukas magiiba na ang lahat. Hindi na magiging normal ang lahat.

++++++++++++++++++++++

Nandito na ako sa loob ng school. Malaki na din ang pinagbago nito. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may maka-bangga ako. Shit! Kapal ng mukha neto ah.

"Ano ba?!? Nananadya ka ba? Di mo ba ako kilala, ha? Member ako ng Royalties! Baka gusto mong mapa-tanggal sa school na to!" at siya pa talaga ang nagalit. Kapal talaga ng mukha! Sarap sapakin eh!

"I'm QUEEN." sinadya ko talagang i-emphasize yung word na 'queen'. Minsan aalamin lang din niya kung sino ang kinakalaban niya.

"G-gan-nun p-po b-ba? P-pasensya n-na p-po." at dali-daling tumakbo sa kung saan man. Tss, pakielam ko ba sa kanya. Dapat kasi, kinikilala niya kung sino yung kinakalaban niya. Royals? Tss. Pinagpatuloy pa din pala nila.

Black Hearted Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon