Then and Now

86 4 0
                                    

Tumunog na ang bell hudyat na break-time na. Tumayo ako at nagsimula ng maglakad palabas ng ng room. Hindi ko ata nakikita sila Akea. Siguro naman hindi ko kaklase yung mga yun.

"KIRAAAAAAAA!"napatigil ako ng may tumawag sa pangalan ko. Tss. Ang lakas talaga ng boses ng babaeng to.

Lumingon ako at nakita ko si Akea na papunta sa direksiyon ko. Sabi ko na nga ba eh. Kaklase ko sila -_-. Tss.

"Bakit? Anong problema mo?" tanong ko ng maka-punta siya sa harap ko.

"Wala naman. Yayain ka sana naming mag-canteen. Niyaya kana agad namin kasi baka maunahan kami ng iba diyan." at tumingin siya sa direksiyon ni Shin. The hell is her problem.

"Tss. Sige, hintayin ko nalang kayo sa labas." at lumabas na ako ng classroom.

Naalala ko na naman si Shin. Akala ko nakalimutan ko na yung taong yun. Hindi pa din pala. Si Shin, siya yung childhood bestfriend ko. We are the best buddies since then. Hindi mo talaga kami mapag-hihiwalay. Masayahin talaga si Shin. Mabait,thoughtful,sweet,matalino. Lahat nasa kanya na.

7 years ago, we are just simple bestfriends. But then, that incident change our life, our relationship. Kung wala lang sanang nangyari....walang magbabago.

***************Flashback**************

Nakaupo lang ako sa swing sa may park. Hinihintay ko kasi si Shin. Ang tagal talaga ng lalaking yun. Pumunta nalang ako sa bahay, naiinip na kasi ako ng sobra kakahintay sa kanya . Tsk! Lagi nalang niya kasi akong pinag-hihintay. Kahit kelan talaga siya.

Pumasok na ako sa kotse at sinabi sa driver na dumiretso nalang ng bahay. Ano kayang nangyari dun? Tsk! Bihira lang talaga siya hindi tumupad sa usapan. 

Pagdating namin sa bahay, nakita ko si Shin sa may tree house. Ha? May problema ba talaga siya? The last time kasi na pumunta siya eh yung namatay yung paboritong pusa niya.Tsk. Kailangan ko siyang maka-usap.

Pagbaba namin ng kotse, tumakbo siya palapit sa akin. He smiled as if nothing happened. I know his smiles, his fake smiles.

"Kimi, dun tayo sa tree house." nakangiti niyang saad sa akin. Kung hindi mo talaga siya kilala, aakalain mong wala siyang problema.

"Tawagin natin si YanYan. Isama natin siya sa tree house." I pretend as if I saw nothing. Malalaman ko din naman kung ano yung problema niya.

Nakita ko kung paano nagbago yung expression niya sa sinabi ko. Ano ba talagang nangyari? May nangyari bang masama? Tsk! Ang hirap maging clueless sa mga nangyayari.

Pero mas lalo akong naguluhan sa nangyari ng makita kong isa isang nagtuluan yung mga luha niya. Bakit ba talaga siya umiyak.?

"Kimi, wala na siya. Wala na si YanYan. Iniwan niya na tayo. May mga lalaking pumasok ng bahay nila at pinatay lahat ng katulong. Pinatay din nila si YanYan! Tas kinuha nila din yung bangkay niya. Patay na siya. Patay na si YanYan." at isa isa na ding tumulo ang luha ko. Bakit? Anong nangyari? Ang daming tanong na pumasok sa isipan ko.

***********************

The next thing I knew is nagkulong ako ng bahay. Hindi ako kumakain ng maayos. Hindi din ako maka-usap. I even stop school for that. Nagpa-schedule nalang yung Mom ko ng home classes. Lagi kasi akong wala sa sarili.

May karapatan din naman akong maging ganito. Namatayan ako ng kapatid. Maski si Mom and Dad nag-aalala na sila sa akin. Hindi di nila mahanap yung pumatay sa kapatid ko. Hindi pwedeng wala akong gawin para dito.

Black Hearted Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon