Chapter 40: Wasted

121 7 7
                                    

Rose

And I will make sure to keep my distance,

Say I love you when you're not listening

And how long can we keep this up?

Hindi ko maawat ang mga luhang nagbabagsakan habang pinapanuod ko siyang kumakanta sa stage.

Ang gaga ko naman kasi talaga, ako itong nagdesisyon na lumayo sa kanya, pero heto ako, umaarteng obsessed fan.

"Satisfied?" sabi sa akin ni Blake sa Bluetooth earpiece na naka connect dito.

Hndi ako sumagot, sa halip ay patuloy kong tinitigan ang stage sa malayo kung saan mag-isang nakatayo si Loey. Bigla akong nataranta nang tumingin siya sa gawi ng kinatatayuan ko at pilit pinapagsino ang mukha ko. Confident naman akong hindi niya ako makikilala dahil sobrang layo ko pero inunahan parin ako ng takot at umalis ako sa pwesto ko at nagtago sa kumpol ng mga tao.

I am sorry if I can't show myself to you.

Sorry if I'm not brave enough to be with you.

"Hey Rosie, what's up?" nakangiting bati ni Blake sa akin nang magkita kami. It was already 8P.M.

Mas late na sa napag-usapan naming oras. Nasa isang café kami ngayon kung saan ay kami lang dalawa ang customer. Well, it's a PeterPan thing and I'm used to it.

"Nakipagkita ka muna siguro sa mga chicks mo 'no?" bungad ko sa kanya pagka-upo niya.

He smirked. "Are you jealous babe?"

"Ang cringey mo Blake," tugon ko na naka-irap. Nasanay na rin ako sa way ng pananalita nito dahil likas talagang mabulaklak ang wordings na ginagamit nito. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit marami itong nabibngwit na babae. Pero alam ko naman na hindi siya pumapatos ng babae na konektado sa mga kaibigan niya kaya alam kong safe ako sa kanya. After all, he is a trusted friend.

How our secret friendship started?

Well, nabisto lang naman ako nito n'ong accidentally ay nagkita kami sa isang private membership island, 6 months ago.

I was having a long weekend vacation and Peter pan had theirs too that time at nagkataon na sa island na iyon napili ni Blake na pumunta.

Hindi rin umubra ang pagkukunwari kong hindi ako si Rose dahil nakita niya talaga ang mukha ko at wala na akong chance na makapagtago pa ng mga oras na iyon at hindi ko rin talaga nagawang maloko ang isang tulad niya.

So I had no choice but to bribe him all this time and make sure na hindi niya sasabihin kay Loey na buhay ako.

"Hanggang kalian mo ba balak maging ganito? Bakit kasi hindi ka na lang magpakita pa sa kanya?" sabi nito habang nainom ng tea na inorder niya.

Hindi ako kumibo. Hanggang kalian nga ba?

Hanggang kalian ng aba ako magpapaka tanga?

Hanggang kalian ba ako magiging duwag na humakbang palayo?

Paano ko naman magagawang lumayo kung ang puso ko ay gusto namang tumakbo palapit sa kanya?

At ang masaklap pa, hindi ko alam kung ako ba o si Zoey ang may gustong manatili sa piling niya.

Takot akong sumugal dahil baka masaktan lang ako.

Baka kasi mahalin niya lang ako dahil sa puso ni Zoey na nasa akin.

The thought that she had chosen Zoey over me back then makes me hold back from showing myself to him.

Ayokong piliin niya ako dahil lang sa nasa akin ang puso ng babaeng tunay niyang minahal. Ayokong piliin niya ako ngayon dahil lang saw ala na niya.

"What the heck!" nagulat ako sa biglaang bulalas ni Blake habang nakatingin sa phone niya.

"What happened?" I asked.

He showed me his phone.

It was on Instagram where Loey and Sean was on live.

And they were drunk.

Napahawak ako sa bibig at tila nadismaya dahil parang wasted na ang dalawa at kung anu-ano na ang sinasabi.

"Shout out SDM Entertainment!" ani ni Loey.

"Shout out Studio YEOL..."

"Shout out Rosie..."

At nabanggit pa talaga ako!

Umiling-iling naman si Blake. "Lagot 'tong mga 'to kay Kuys Jayem at sa SDM. Ini-spoil pa nila 'yong unreleased song namin." He was referring to the background music na pinapatugtog nila habang nagla live.

"See you next time baby..."

Paalam pa ni Loey bago tuluyang i-end ni Sean 'yong live.

Luh, ba't ganoon? Bakit ang sexy niya pag lasing?

Maraming naging views 'yong live nila kaya napagpasyahan ni Blake tumayo at puntahan ito.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko.

"I have to go to them at pigilan sila bago pa malaman ni Kuya Jayem pinag gagawa nila.

"Sama ako."

Napatingin si Blake sa'kin na nagtataka.

"Hindi naman ako magpapakita," tugon ko naman.

Sumang-ayon na lang ito at sumakay na kami ng kotse niya at nagmaneho siya patungo sa bar kung saan naroon si Loey at Sean. Sa bar kung saan kaibigan nila ang may-ari.

Sumama ako sa loob pero hindi ako lumapit, nakatingin lang ako mula sa malayong table pero sakto lang para marinig ang mga boses nila, habang nakasuot ng black cap at face mask.

"Roseeee...." Usal ni Loey habang umiiyak. Gosh he is so wasted at hindi na ma control ni Blake.

Si Sean naman ay tumatawa. Para talaga silang mga bata.

"Herson, bakit mo naman pinabayaang magwalwal ang mga 'to?"

"Why Rose? Why?" he continued while he was smiling insanely na animo'y nasisiraan na ng bait.

Tumingin naman si Blake sa akin at umiling iling sabay nag kibit-balikat. Parang nagpapahiwatig na hindi niya ma control ito.

Hindi na ako nakatiis. Lumapit na ako sa kanila.

Nakakakaba. Ito ang unang beses na malalapitan ko siya ulit, at hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ako nagsalita sa halip ay nilapitan ko siya at sinapo ang noo niya I sat beside him at tried to calm him form uneasiness.

Napasulyap siya at nag angat ng tingin sa mukha ko habang nakatihayang nakasandal sa couch.

It was the moment that everything turned slowmo as soon as our gaze had met.

As soon as he saw my face, his tears started to flow from his eyes.

"Rose, is it really you?"

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon