Chapter 19: She did

110 6 2
                                    

Loey

"Saan pala si Papa?" Tanong ko.

"Nasa bahay sumakit raw 'yong likod kaya nagpahinga muna."

"Ayos lang ba siya? Biglang pag aalala kong tanong."

"Eh. Oo kaunting pananakit lang naman ng kasukasuan, alam mo na. Tumatanda na ang Papsi mo."

I just nodded and smiled.
And I just felt so good to be home.

Masaya kaming kumain at magkwentuhan. Medyo kakaunti lang ang tao ngayon dahil weekdays.

Naabisuhan ko rin naman muna sina Mama at Papa na pupunta kami rito para magshoot ng MV kaya alam na rin namin na hindi gaanong matao ngayon.

"Hi Mama Park!" Bati ng isang boses na bagong dating.

"Oh, Hi Izzi," kaswal na bati ni Mama.

Izzi? She mean, si Izzi na kababata ko na anak ni Ninang Trudis?

Medyo nagulat ako nang makita siya. Hindi ko nakilala 'yong mukha niya, tumangos bigla 'yong ilong tapos pumuti, saka bilugan na 'yong mata.

I must be mistaken, marahil ibang Izzi iyon.

"Nabalitaan ko kasing pupunta rito si Loey, saan po ba siya?" Anito at tinuro naman ni Mama yung gawi namin.

I cant believe, 'yong bilugan niyang mukha ay heart shaped na ngayon. Humaba 'yong baba niya. Overall gumanda nga siya.

"Loey!" Kaway nito saka lumapit sa table namin.

Kunwaring nagtatago pa ako kaso huli na dahil nakita na niya ako.

Isa sa dahilan kung bakit minsan ayaw ko rin talagang umuuwi.

Dahil kay Izzi na sobrang obssessed sa akin. She is claiming sa buong Rosario na boyfriend niya ako at kuntodo pasipsip rin ito Kina Mama at Papa.

"Ang tagal mong hindi nagpakita rito Beb." Pumulupot agad ito sa akin sa oras na makalapit. May kaunting space panaman sa long chair kaya nakaupo 'yong kalahating pwet nito. Katabi ko si Rose sa right side ko at napaurong ako palapit sa kanya dahil sa kagustuhan kong mapalayo kay Izzi.

Bakit ayaw na ayaw ko sa kanya? Unang una napaka possesive niya kahit hindi ko naman siya talaga girlfriend. Sa tuwing nandito nga si Zoey sa resort noon ay para siyang baliw na nagwawalwal dahil hindi niya matanggap na may girlfriend na ako.

Balak niya nga akong sundan sa Maynila kaya lang hindi niya matunton ang Dorm ng Peterpan. Ang ginagawa niya ay lagi siyang present sa concerts at fan meeting namin, laging nasa VIP seats. Ganoon siya ka baliw sa akin.

Hindi ko nga alam kung natuwa ba siya n'ong mabalitaan niyang nawala si Zoey.

"Na miss kita Beb, tagal mong hindi pumunta rito ah."

For the sake of our parents' friendship kaya nakikisama parin ng maayos sina Mama sa kanya.

Umuusok na yata ang tainga ko sa inis dahil mas lalo niya akong sinisiksik.

"Eherm!"

Dinig ko ang pagtikhim ni Rose, dahil sobrang nasisiksik ko na siya sa kakaurong ko palayo kay Izzi.

"Miss, tanghaling tapat pa naman oh, ang aga mo naman yatang managinip?" Mataray na ani ni Rose na nagpagulat sa aming lahat.

"What? Did you say?" Sagot naman ni Izzi.

Nakataas ang kilay at nakahalukipkip na nakatitig si Rose kay Izzi.

Ito ang unang beses na nakita kong ganoon ang mukha ni Rose. She looks like a bitch just right now.

"I said you're dreaming," She repeated and gave her an evil grin.

"I am Loey's girlfriend, not you!"

Nanlaki ang mga mata namin nina Seam at Yeri sa sinabi ni Rose.

"You know," sabi muli nito habang pinapatunog ang mga kamao. Tumayo si Izzi at nakiraan naman si Rose sa harapan ko para lapitan si Izzi.

"I am very skilled in tae kwon do. In fact, I am a black belter."

Nagpantay na silang dalawa at nakipagtagisan ng titig si Rose.

"You better go, kung ayaw mong mawasak 'yang peke mong ilong."

Nanginginig na napa atras si Izzi saka umalis nalang ng kusa.

"Wow." Mangha ang reaction ni Sean at Yeri.

"Ang astig mo Ate Rose," kumento ni Yeri.

Lumingon naman siya sa amin at ngumisi. "Charoot lang syempre! Hindi nga ako marunong sumuntok," aniyang natatawa.

Bumalik siya sa pag-upo at kumain ulit.

"P'ano mo nalaman na hindi totoo ang ilong niya?" Usyuso ni Sean.

"Halata naman eh, medyo baluktot sa gitna."

Hindi ko mapigilang mapangiti ng palihim. Did she just save me?

Yes she did.

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon