Chapter 8: The search for weird girl

168 6 0
                                    

Loey.

Kinabukasan, pag gising ko. Lumabas ako ng kwarto para mag almusal.

Di pa ako nakakababa ng hagdan ay dinig ko na ang boses ng maiingay na members.

Pagkababa ko ay nadatnan ko silang nag-aalmusal sa bar table lahat habang si Dio naman at Minx ang nagluluto.
Nandoon din sina Jaydee at Jayem.

Yung kaninang maiingay ay biglang nanahimik nang makita ako.

"Ang aga pa ah nandito na kayong dalawa? 'di ba kayo hahanapin ng mga asawa niyo?" Tanong ko kay Jayem at Jaydee. Tapos bumaling ako kay Sean. "Yung ironman mo nasa kwarto kunin mo na lang."

Tango lang yung sinagot ni Sean dahil puno ng pagkain yung bibig niya.

"May meeting daw tayo ngayon sa company para sa comeback album kaya nandito sila," sagot ni Blake.

"Comeback? Akala ko ba matagal pa 'yon?" Takang tanong ko.

Ako lang ba ang nakakahalata at medyo nakakaramdam na parang nang iintriga ang mga tingin nila sa'kin?

"Mag coconcept planning pa lang naman daw," sagot naman ni Minx.

Tumayo si Jayem at lumapit sa'kin. Hinawakan ako sa braso at giniya pa-upo. "Bro, mag-almusal ka muna at pag-usapan natin yung naging bakasyon mo sa cruise ship."

Clueless akong sumunod at umupo sa bakanteng high chair sa pagitan nila ni Jaydee.

Why on earth are they curious about what happened to me in the cruise ship?

Napatingin ako kay Dio na biglang nag-iwas ng tingin. At parang alam ko na nga ang dahilan.

"Dionne Mark Cuesta! Anong pinagkakalat mo sa kanilang tsismis ha?" Sigaw ko kay Dio.

Nanlaki ang mga mata nito. "Huh? Wala sabi ko lang may nakilala kang babae sa cruise ship," Anito na napatakip pa ng bibig.

Nagtinginan silang lahat sa'kin. Yung klase ng tingin na parang gigisahin ako sa pangungulit.

I rolled my eyes. "Guys, it's not what you think Okay? Ganito yun..."

Nag compress silang lahat para makinig sa kwento ko. At pinaliwanang ko sa kanila yung nangyari.

"Hala ka kuys pano kung na teggy yun dahil na stress sa'yo?" Tanong ni Sean.
Hinampas naman siya ni Kyle.

"Di ka nakakatulong."

"I just want to find her and ask for an apology. Hindi ako makatulog sa sobrang guilt."

"Alam mo kasi Loey, meron ngang kasabihang be nice to everyone you met because we don't know what battle they are facing," Sabi naman ni Jayem.

I sighed. "Akala ko naman kasi stalker siya. Nainis lang ako kasi ininvade niya yung privacy ko, alam niyo yun? Kaya nga ako umalis para mapag-isa tapos mangungulit siya."

"Mali mo parin bro," kumento ni Blake.

"So anong plano mo ngayon? Paano mo hahanapin yung girl?" Tanong ni Jaydee.

"Help me guys. Use your means," Sabi ko sa kanila. Napatingin ako kay Kuys Jayem na namgalumbaba sa lamesa.
"Give me the name at ipapahanap ko sa Private Investigator ko." Tapos ang usapan ng si Dirty old man na ang nagsalita.

"Rose Marie Parque," I said.

"Parque?" Napakunot ang noo ni Jayem nang marinig yung apelyido niya.

"Teka, pamilyar yung pangalan niya."
Kinuha nito 'yong phone at nagsearch.
"Gotcha!" Anito saka pinakita yung picture na na search niya.

Rose Marie Parque, the only Daughter of the CEO of ICHISAN Group of Companies.
24 years old.
Born in Philppines but raised in Australia.

Australia? Kaya pala di ako kilala nito dahil sa Australia siya lumaki?

"Business partner pala ni Dad ang Daddy niya," Sabi ni Jayem.

"So matutulungan mo ba akong mahanap siya?" Tanong ko.
"Definitely," Sagot naman ni Jayem.

Bigla namang sumingit si Blake. "Bro what if she doesn't need your apology?"
He has a point may be. Pero at least I want to try.

"I just have to try and ask her. Just to ease this guilt I have," Tugon ko.

"Ikaw bahala bro."

"Susubukan kong itanong kay Dad," sabi ulit ni Jayem.
"Thank you Kuys."

I felt relieved and continued eating breakfast. "I hope I'm not yet late Weird girl."

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon