So may quiz kami bukas, pero mas trip kong magtype muna hahaha. Wala rin akong ganang magreview eh ewan ko ba.
Hindi ba dapat kapag college ka medyo enjoy enjoy ang buhay, kase slight na malaya ka na eh.
Kapag hindi mo pinasukan yung subject mo, walang paki yung prof.
Pag walang prof, walang sub, walang klase.
Gimik gimik minsan.
Pero bakit ganun. Everytime nalang na papasok ako ng school feeling ko ang bigat bigat ng dinadala ko.
Second sem palang kami. Or second sem "na" kami.
Saka ko lang narealize na ayaw ko pala yung course ko.
Alam ko hindi na dapat ako magpakachoosy, mabuti nga nakakapag aral ako eh. Mabuti napapag-aral ako.Pero ewan ko ba, itlog nanaman yung midterm ko sa analytic geometry kanina. Sawang sawa na ako sa boiled eggs.
Yung programming ko bukas na exam, kahit hindi ko na itake, sure pass na ako dun eh. Pano, may incentive kasi kami na 50%. Pag umattend kami ng seminar, sure pass na kami.
Bayad yung grade namin noh?
Yung mga nangyari kanina yung nagparealize sakin na ayoko pala tong ginagawa ko.
Never ko namang pinangarap ang IT, Information Technology.Ang mga gusto ko talagang kunin ay culinary, psychology, tapos teacher, yung hindi lang basta teacher, yung nagtuturo ng english sa mga hindi marunong na taga ibang bansa ganern hahaha.
So ayun, yun talaga ang top three ko. Yung IT ewan ko, mga pang top 6 ewan.
Yung mama ko lang naman yung may gusto, ako naman si tanga, pumayag.Gusto niya ko mag IT kasi lagi niya akong nakikitang babad sa computer. Mahilig akong mag-experiment kaya minsan yung mga sirang gadgets sa bahay nagagawa ko. Kaya ayun, dun niya ata ako nakitaan ng potential para i-take ang IT.
Nung sinabi ko kasi sakanya na gusto ko noon na mag culinary. Sabi niya ano naman daw mangyayarisaakin eh hindi naman ako marunong magluto.
Kaya nga ako mag aaral eh, kasi hindi ako marunong magluto.Nung sinabi kong gusto ko mag psychology. Ang sabi niya, guidance counselor lang naman ang bagsak ko.
Nung sinabi kong gusto kong mag teacher ng english. Mahirap daw maghanap ng trabaho.
Kaya ayun, sobrang nagulo yung plano ko dahil sa mga sinabi niya. Kaya wala akong nagawa kundi pumayag nalang na i-take yung IT.Which is pinagsisisihan ko ngayon. It feels like hell everyday. Sobrang hindi ako masaya sa ginagawa ko.
Sinusubukan kong magfocus sa pag aaral. Pero yung katamaran ko sobra akong hinihila. Tinatamad ako kasi ayoko yung ginagawa ko.
Ayoko rin sa school ko.
Sa school ko kasi. Lagi nalang kaming asa sa plus points, sa incentives. Sa sure pass grades na binibigay basta umattend ng seminar, sumali sa extra curricular activities, etc.
Ayoko naman ng ganun. Bayad yung grade. Plus the fact na minsan hindi pa sila maayos na nagtuturo. Tapos marami saamin ang hindi deserving na pumasa sa isang subject (including me) , ay pumapasa. Kahit wala kaming natutunan, kahit itlog ang mga exams, hala sige ipapasa nila basta lang sumali sa mga extra curricular activities.
Alam kong malaking tulong yung sure pass na yon. Parang ang arte pa ng dating ko noh eh pasado na nga? Pero isipin niyo naman, kami ang mahihirapan pagtapos namin mag aral. Kung habang buhay kaming aasa sa ganyan, kung lagi kaming sure pass sa ganyan kahit wala kaming natutunan. Paano kapag nagtrabaho kami diba?
Hala sige nga-nga nalang. Hindi naman ako masu-sure pass kapag nagtrabaho ako. Hindi ako maisasalba nyan.College ang magde-decide sa future ko, kung patuloy akong magkakaganito ewanko nalang.
Ayoko imention yung school ko eh pero naiinis ako. Kung alam niyo please wag niyo sasabihin hahaha.Parang ang dating kasi ng school namin. It's not about learning, it's about getting high grades.
Like yeah, mataas ako sa ibang subjects, sure pass ako. But i don't have the skills.
Dito na ako nag rant, wala kasi akong makwentuhan, i dont have that much friends in my school.
And hindi ko to kayang i-open sa family ko dahil baka magbreak down lang ako na ewan sa sobrang bigat ng dinadala ko.Sa tingin ko matutunan ko rin mahalin yun course ko. May nagsabi saakin na baka daw nagkakaganito ako dahil sa school ko at sa mga taong nakapaligid sakin. I think magta-transfer nalang ako ng ibang school.
So ayun, thankful parin ako sa parents ko dahil napapag-aral nila ako. May konting problema lang talaga.
Kaya kayo, pag isipan niyong mabuti yung kukunin niyo.
Siguro after ng TRB. Tatry kong mag-hiatus muna. Well sana magtagumpay ako. Magpapakalayo layo muna ako aa facebook at kpop, tatry kong mag focus muna. Well sana talaga magawa ko hays.
Wish ko nga mabalian ako ng buto para hindi ako makapasok bukas.
Sobrang wala akong mapaglabasan. Naiiyak na ako habang tinatype ko tong part na to. Kanina kumakain ako mag isa sa mcdo, nakakakita ako ng mga grupo ng mga estudyanteng magkakasamang kumain, while ako nasa gilid kumakain mag isa. I dont know kung anong mali sakin. I feel like everyone's against me. Ano bang mali sakin. Siguro sobrang namimiss ko lang yung mga kaibigan ko nung highschool kaya ako nagkakaganito. Hindi ko na kasi sila gaanong nakakausap.
Pero sobrang OA ko alam nyo ba binalak kong magpa-bundol nalang kanina, seryoso ako. Ewan ko kung anong problema ko kung bakit ako nagkakaganito eh. Hindi naman ako na-depress ng ganito dati. Siguro kung hindi ko nakilala yung mga kaibigan ko ngayon sa internet baka kung saan na ako pupulutin. Kahit sa internet ko lang kayo nakakusap masaya ako sobra, atleast may nakakausap pa ako kahit papaano nakakalimutan ko yung problema ko .
Di ko na talaga alam gagawin ko sana mag christmas break na para makapag isip isip ako kung anong diskarte ko sa buhay .