Nandito nanaman ako watdapaaakk
Alam kong marami nang gustong katayin ako dahil post ako ng post dito sa jiminism pero hindi ko maupdate yung iba kong stories. Kaya ieexplain ko kung bakit hindi ako makapagupdate. Tapos sobrang drama nitong chapter na to omg d ko alam feeling ko kalagitnaan ng pagtatype ko maiiyak ako.
Sa totoo lang kasi talaga mahilig ako magsulat sa diary. Well since hindi na yung uso ngayon, ang uso na yung online diary parang ganito, tas marami nakakabasa ganon ahahhaa pero ok lang. So ayun, mahilig akong magdiary kasi yun lang yung kausap ko ganun. Ang loner ko ba ahahaha.
Naiiyak na ata ako wala pa ako sa kalagitnaan. Walang nakikinig sa problema ko ngayon, malayo yung mga kaibigan ko.
Pero okay lang, kampante na akong may nakakabasa nito, atleast feeling ko kahit ngayon lang may kasama ako at may nakikinig saakin.
Napapansin niyo ba na parang araw araw nalang ang ingay ingay ko sa twitter at facebook, may iba na ngang naiirita saakin. Pero ganun kasi ako. Binubuhos ko sa pag iingay kung saan saan yung lungkot ko ganun. Sa totoo lang talaga feeling ko gabi gabi nalang umiiyak ako. Yung tuwing naglalog out ako sa twitter at facebook, bigla nalang magsisink in saakin yung mga problema ko tapos maiiyak nalang ako tas kung sino sino kukwestyunin ko kung bakit nangyayari sakin to,
Baka isipin niyo suicide note to, ahahah hindi, marami pa akong misyon sa mundo.
Pagpasensiyahan niyo na kung umasta ako ngayon parang may malubhang sakit ako tas may taning na buhay ko, sa totoo lang okay lang ako. Okay lang yung tuhod ko, kailangan lang operahan. And malapit na akong operahan, yun yung good news ahahahAng sakin lang kaya ako nadadrama ngayon kasi nahihirapan na yung mama ko saakin. Kami lang dalawa kasi yung magkasama since nasa trabaho yung tatay ko, tapos ayun na, feeling ko masiyado na akong pabigat ganun.
Hindi kasi ako makakilos ng maayos, parang ang limited ng mga galaw ko. Naawa na ako sa mama ko kasi araw araw nalang inaalagaaan ako ganun. Alam ko namang napapagod na siya, maski naman ako napapagod narin akong alagaan yung sarili ko.
Ako kasi okay lang na ako yung mapagod, wag lang si mama ganun.
Wala lang, feeling ko kasi sa mga oras na to napakawalang kwenta ko. Ni hindi ako makaligo mag-isa, kailangan pa akong tulungan ng nanay ko. Lagi siyang naka-alalay ganun. Basta feeling ko ang burden ko masiyado.
Dagdag gastos pa ako. Tapos sa totoo lang gusto ko nang maoperahan agad kasi nahihirapan na ako, nahihirapan rin si mama. Gusto ko lang makakilos ng maayos para makabawi ako tapos tulungan siya dito sa bahay. Kaso hindi ko sila pwedeng madaliin. Hindi naman ganun kadali humanap ng malaking pera.
Kanina kasi feeling ko nagalit saakin si mama, kasi parang hindi ko tinutulungan yung sarili ko. Lagi lang ako nakaupo ganun, tapos ayaw ko ipagalaw or tanggalin yung immobilizer sa tuhod ko.
Kaya ayun, nakaupo or nakahiga lang ako maghapon kasi nga natatakot ako. Natatakot akong baka sumunod naman tong kanan kong tuhod. Nagagalit pa ata siya kasi maghapon lang akong nanonood ng kung ano anong variety shows ahahaha.
Hindi niya alam kaya ko ginagawa yun kasi kahit papano gusto ko medyo makalimot sa nangyayari saakin. Binabaling ko yung atensyon ko sa ibang bagay kasi ayokong magbreak down sa harap niya, kasi sobrang pabigat ko pala talaga.
Lalo akong nanghihina tuwing sinisisi ni mama yung sarili niya kung bakit nangyari sakin to, kung tutuusin kasalanan k otalaga kasi ang tanga at bobo ko ganon ahahaha.
Pero wala talagang may kasalanan. Siguro counted as aksidente tong nangyari saakin.
Never kong sinisi si God dahil alam kong may reason siya kung bakit nangyari 'to. Although tinatanong ko siya kung bakit to nangyari, pero hindi ko siya sinisisi. Alam kong may magandang mangyayari after nito.
Sana hindi galit si mama. Natatakot kasi ako na baka magsawa siyang alagaan ako ganun.
Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa parents ko, doble yung hirap nila ngayon dahil sakin.
Hindi ko rin alam kung bakit nangyayari to. Pero kung ibaback read niyo ung ibang chapters dito, nakalagay dun na hiniling ko na sana mabalian ako ng buto para hindi na ako makapasok.
Guess what, natupad yung wish. Pero masaya ba ako, malamang hindi, next time I will really be careful on what I wish for.
Yun lang naman. Ang whole point lang naman nito ay gusto ko lang ilabas na sobrang pabigat ko sa parents ko at natatakot ako na baka magsawa sila saakin. Ahaha mahal na mahal ko parents ko hindi ko lang sinasabi sakanila.
Hahaha bat ko ba tinatype to sana d mabasa ni mama. Well as if naman mapapadpad siya sa wattpad tas makikita yung stories ko.
Kahit naman puro kagaguhan at mura yung stories ko proud parin ako na gawa ko yan. Pinaghirapan ko yan, at may napasaya ako dahil diyan. Minsan gusto ko ipakita kay mama yung Daddy Kookie. Tapos gusto kong sabihin sakanyang may napapala akong maganda sa pagwawattpad ko maghapon. Kaso alam ko namang wala siyang pake at hindi nya rin yun maappreciate ahahaha. Saka ko nalang ipapakita yung Daddy Kookie if ever na mapublish, chos, asa ka pa ahahahaha.
Yun lang naman ahahah, kung may nagbasa man nito ang drama ko ba. Nakakapanibago ganun, kasi parang ang saya saya ko lagi tas ang tapang tapang ko umasta. Pero sa totoo lang malungkot ako tas mag isa.
Kaya hindi ako makapagupdate eh. Kasi hindi ako masaya. Paano ko mapapasaya yung ibang tao kung ako mismo hindi masaya.
Ayun ahaha putol putol tong pagtatype ko kasi umiiyak ako. Kumuha pa ako ng tissue sa may sala. Natatakot pa ako kasi baka may tao sa likod ko tas hindi ako makatakbo.
Wag kayo magalala kasi buhay pa ako, masamang damo ako ahahaha.
Ayun lang, kung may nagbasa man, thank you, sobrang laking bagay nun. Kasi parang may nakinig rin saakin.
Sige na, 1 am na oh. Matutulog na ako baka mahuli pa ako ng nanay ko na umiiyak. Omg sht tbh tumutulo na yung sipon ko tas konti nalang tong tissue natatakot na akong lumabas .
Ayun ahahh pipilitin kong magupdate para sainyo.
Thank you <3