Hello sa nagbabasa nito kung babasamo man 'to merry christmas! hahaha
Dapat kasi maga-update ako sa daddy kookie ngayon. Kaso wala akong maisip, tapos ang lamig pa, ano konek ahaha, pero ayun since malamig eh walang pumapasok sa isip ko kaya bukas ko nalang itutuloy.
Kaya dito muna ako sa diary kuno na to magtatype lol. Happy 36k nga pala dito sa jiminism ahaha dafuq.
May narealize lang kasi talaga ako. Pero bago yon, merry christmas muna ulit!
Tbh ang sakit ng binti ko, tapos ang sakit pa ng puson ko nadadamay buong katawan ko okay walang may pake ahahaha.
Narealize ko lang na patapos na yung year,
ANG DAMI PARING JEJEMON.
De joke lang, wala naman akong pake sakanila, since wala na tayong magagawa paramapuksa ang mga jejemon sa mundo.
So eto yung sudden realization ko. Narealize ko na napakarami ko palang natanggap ngayong 2014.
Wag na nating isama yung pagkadislocate ng buto ko.
Ayun nga, 2014 became good to me chos. I continued to write stories, I met friends, I met Bangtan <3.
Una sa lahat yung stories ko. Kanina kasi merong nagchat saakin. Nagulat ako.
Reader ko siya last year, mga april 2013, nung mga panahong yung username ko ay hindi pa Kristelletubbies at Jiminism. CookieznCream pa yung username ko non ahaha. May stories ako dati pero deleted na ngayon.
Noong mga time na yon, siya lang talaga yung kaisa-isang reader na nagmessage saakin na sabihing ang ganda ng story ko at nangungulit ng update. Tuwang tuwa na ako, siya lang talaga ang bukod tanging reader ko noon na nagcocomment, nagvo-vote at nagmemessage saakin hahaha.
Pero ngayon nadelete ko na yung story kong yun, yung first ever story ko which is di ko na ipapaalam yung title dahil kumbaga jeje days pa yon hahaha. Mga nakaka-150 reads lang ako noon, pero napakalaking bagay na saakin yun dahil may nagbabasa.
So ayun, nawalan na ako ng contact sa kaisa-isang masugid na reader ko na yon.
"Ate kelan niyo po itutuloy yung *toot* at *toot*?"
she's talking aboout my stories back then.
ayan ang huli niyang message saakin nung 2013.
Pero kanina, minessage niya ako.
"Ate, kelan niyo po itutuloy yung *toot* at *toot*"
Same as nung message niya saakin nung 2013.
Hahaha ewan ko kung bakit suddenly sobrang saya ko. Hindi ko ineexpect na naalala pa ako ng reader kong yon. At ngayon kinukulit niya akong ibalik yung stories kong binura.
Hanggang ngayon daw nakasave parin daw sa library nya yun. So I told her na itago niya nalang sa library niya dahil siya nalang ang tanging nakakaalala ng stories kong yun. My first ever stories.
Wala lang, sobrang saya ko lang. Kasi dati nga siya lang talaga ang reader ko, pnung mga april 2013 kasi nakatanggap ako ng bad comments at panlalait mula sa classmates ko regarding writing stories, so I stopped writing. Binura ko lahat, kinahiya ko lahat ng gawa ko.
Pero narealize ko eh, bakit ko naman ikakahiya. Gawa ko yun eh, pinaghirapan ko yun eh. And since bata ako nagsusulat na ako ng stories. May mga notebooks ako na may mga english stories na gawa ko, haha I feel so proud dahil ang ganda ng grammar ko. charot ahaha pero pure english yung nagagawa kong stories dati, ngayon d ko na kaya ahahaha,