Kabanata 13
Tila ibang lalaki ang nasa harap ko ngayon. Ibang-iba ang Zhel na kausap ko sa Zhel na nakasanayan ko. Ang kilala kong Zhel ay mapanakit, abusado, arogante, at walang puso.
Pero ngayon, itong Zhel na nasa harap ko ay may puso at pagtitiyaga. Noon, mistulang ihampas na niya ako sa pader o kaya nama'y patayin sa sobrang inis at gigil. Ngayon, anong nangyari?
We stayed for hours in the hospital, inalagaan ako ni Zhel. Pati sa bahay ay umuuwi ito para lamang makasabay ako sa pagkain ng tanghalian, pati pagtawag oras-oras ay hindi na niya nakakaligtaan. I'm not sure if I should be grateful for he already saw my worth or disappointed that in almost five years of marriage, ngayon lang niya na-appreciate ang relasyon naming dalawa.
"Hello," sagot ko sa linya ng telepono.
"Sis!" malakas na sigaw ng babae mula sa linya. Huli na noong napagtanto ko na si Alexa ang nasa kabilang linya.
"Alexa!" masayang bati ko rin.
"Girl, huwag mo akong tawagin na Alexa kapag nasa phone call tayo, mukha akong artificial assistant," maarteng sabi niya, we'll, that's her normal. "Well anyway, I didn't know your husband is this sweet!" malakas na bulalas nito.
"Why?" tanong ko.
"Gosh, I don't want to spoil you pero he bought an 18K white gold ring with diamond on top, and a golden necklace here in our shop!" she exlaimed. "Nagpagawa pa nga siya ng personalized letter na ang nakasulat ay let's start over again."
Namula ako dahil sa tinuran ng kaibigan. "Sure ka bang asawa ko 'yan? Baka ibang tao," sabi ko dahil sa kakaibang kilig at saya na namumuo sa puso ko.
"Oo nga! Wait, I'm gonna send the picture of the ring to you!" masayang wika niya saka pinatay ang linya.
Kinagat ko pa ang kuko ko dahil sa kilig pero inalis ko din saka tinawanan ang sarili dahil sa kakornihan. Ilang minuto lamang ay pumasok na sa messenger ko ang larawan na ipinadala ni Alexa sa akin. Well, she's right.
"It was so damn expensive! It was a contemporary ring, it's a beautiful art deco revival, milgrain filigree ring, made of 18K white gold, with an emerald cut blue diamond on top, designed with heated 1.24 carat sapphire," wika ni Alexa sa chat.
Maging ako ay namangha sa tekstura at larawan nito. It was as fantastic as fuck, kahit sinong babae ay hahangarin ang ganitong klaseng singsing. Wala pa man ay tila naiiyak na ako at nakikita na ang sarili na suot ang singsing na iyon.
"May I know how much is this?" tanong ko.
"Murang-mura lang, girl. 3,200 United State Dollars approximately 166,400 pesos. Ang galante naman pala ng asawa mo, girl!" sabi nito. I know she's being sarcastic about the price but compared to how much money does Zhel have, mura nga ito.
Pinatay ko na ang cellphone ko saka nilinis na rin ang bahay para pag-punta namin sa annual anniversary ng school mamaya.
Yes, it is 24th of December yet my husband is busy doing his work. Mag-isa lamang ako ngayon sa bahay, kasama si Cathy. Umuwi naman dito si Zhel kaninang tanghali para kumain ng lunch pero kulang iyon sa akin. Ang akala ko ay maghapon kong makakasama ko ang asawa ko mula umaga hanggang gabi.
Iginugol ko na muna ang oras ko sa pagbabasa ng libro at pagsusulat ng ilang bahagi ng nobela na ililimbag ko sa susunod na taon. It was my story, my own story. Pero dito, ginawa kong masaya ang buhay ni Pam. Kahit dito man lang, maayos ang pamumuhay ko sa piling ng aking asawa.
Inihanda ko na ang susuotin kong pulang dress na binili ni Zhel para sa akin. Maging ang black heels at ang gold na kuwintas na unang beses ko pa lamang gagamitin ay inilatag ko na sa kama. Sunod kong inasikaso ay ang polo, trouser, tuxedo, belt, at ang sapatos ng asawa ko.
BINABASA MO ANG
Touch Of Evil
Romance"It was such a disgrace for me and my family that you are bearing our family name!" Pam Venice Lopez-Espiritu, a martyr wife. She is a loving, understanding, abused, and maltreated wife. She lost a son on her womb which ignites her husband's anger...