Kabanata 16

13.5K 316 29
                                    

Kabanata 16

A year have passed too fast and yet I haven't had any news about my wife. Isa lang ang alam ko, she flew out of the country. And about our baby, she miscarried it again, dahil na naman iyon sa akin. Sa ikalawang pagkakataon ay naging dahilan akong muli ng kaniyang pagkakasakit at pagkabigo.

Five months after she left me, may dumating sa aking papeles mula sa New York, galing sa isang café na ang pangalan ay Zen's Kitchen ngunit noong pina-suyod ko ang Time Square ay wala na ang naturang coffee shop doon. Ang sabi ay lumipat na raw ito ng branch sa ibang bansa kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung nasaan ang misis ko.

"Kayo po ba si Mr. Zhellion Archer Espiritu?" tanong ng delivery boy ng isang sikat na international shipping company.

"Yes, what can I do for you?" tanong ko.

"May delivery ho para sa inyo," wika niya sa akin saka inabot sa akin ang isang envelop. "Papirmahan na lang po dito," sabi niya pa saka inabot ang record book.

Pumirma ako doon bilang patunay na kumuha na ako ng parcel mula sa kanila.

Nang nakaalis na ito ay pumasok na ako sa loob at binuksan ang padala para sa akin. What is this?

Kabado man ako dahil nakita ko ang pangalan ni Pam Venice Espiritu sa labas ng plastic na lalagyan. Ang parcel ay mula sa Zen's Kitchen, Midtown Manhattan, New York City. Napakunot ang noo ko dahil sobrang tagal kong hinahanap ang lugar ni Pam ngunit nasa Time Square, New York lamang pala ito naglalagi. Inihanda ko na ang tauhan ko sa New York para ipaalam sa kanila ang lugar ni Pam ngunit bago ko iyon gawin ay minabuti kong buksan muna ang parcel ngunit pinagsisihan ko rin agad.

Isa iyong medical certificate mula sa isang hospital sa New York na nagkukumpirma sa natural abortion or miscarriage ng aking asawa. Nakasulat sa name of patient ang pangalan ni Pam at ang nakalagay na rason doon ay miscarriage due to stress and extreme sadness. Sa loob no'n ay isang selyadong plastic na may lamang blood clots, nakasulat sa labas ang pangalan ni Pam at ang mga katagang "Baby Espiritu".

Napaupo ako sa couch dahil sa nabasa, tila binambo ang dibdib ko dahil sa nabasa kong iyon. Namalayan ko na lamang na tumutulo na nang tuloy-tuloy ang luha sa mata ko. The pain starts to stab my heart, it breaks my soul, and most importantly, I'm getting weaker every second. We fucking lost our baby again!

Call me gay and weak ngunit ako ay umiiyak na. Isipin mo kung gaano kasakit para sa isang ama na mawalan ng asawa at anak, hindi lang isa, kung hindi dalawang beses. Nawawalan na ako ng pag-asa sa buhay. Gusto ko na lang malusaw at maging bato ngayon dahil sa mga nangyayari sa akin.

God knows how hard it is to know that I lost my son again. Hindi ko man lang nahawakan ang anak ko, hindi ko man lang nagawang halikan kahit ang noo at kamay. Higit sa lahat, hindi ko man lang nagawang yakapin ng mahigpit si Pam para i-comfort siya noong panahong nagdurusa ito. By just thinking of how hard it was for her to see blood clots kills me. I failed again as a husband.

I started my business as usual, nagbasa ng ilang reports at siyempre, nagbasa ng mga nobela ng misis ko. Ever since she left, I started buying all of her books in National Bookstores nationwide. Ilang daang libo rin ang nagastos ko to just to make sure na sold-out na lahat ng books niya sa lahat ng bookstores nationwide. I know that she will get the 25% of the price of the book per book sold.

"Good morning, Sir," sabi ni Honey, ang bago kong sekretarya na sobrang weird ng pangalan.

"What can I do for you?" tanong ko.

"You have a phone call, Sir," aniya sa akin.

"Thank you," sagot ko naman.

Kinuha ko ito saka itinapat sa aking tainga. Ngumiti sa akin si Honey bago ibaba ang cleavage area ng kaniyang blusa at kekembot-kembot na lumabas ng aking opisina.

Kung noon mo ginawa iyan, baka napagbigyan kita. Ngunit ngayon, sorry but I won't get affected by that anymore. Not unless, you are my wife.

"Hello," wika ko sa telepono.

"Zhel?" boses iyon ni Pam. Biglang nangilabot ang buong katawan ko kasabay ng panlalaki ng mata ko. How I missed her voice! Damn it!

"Pam!" I shouted in excitement.

"Are you free later? Can we meet somewhere?" tanong niya, I was about to answer but I heared someone talked at the background.

"Pam, who are you talking to?" boses iyon ng isang lalaki.

"I'm talking to Zhel, why?" tanong niya sa lalaki.

"Your ex-husband?" balik-tanong naman ng lalaki sa kaniya. Hindi naman sumagot si Pam sa sinabi niya. Nagtiim-bagang ako dahil sa sinabi nito. Kung naroon ako, malamang ay sinapak ko na ito hanggang lumipad ito palabas ng kung nasaan man silang dalawa ngayon. "Our baby is hungry, where is his milk?" tanong nito.

Mas lalo akong nainis. "What did I just heard? Our baby? Anak niyo?" tanong ko habang nakakuyom ang isang kamay. "May anak kayong dalawa?" tanong ko pa.

"We'll meet here in my office. Zen's Kitchen located in front of One Mall Valenzuela, I'll wait you," aniya saka ibinaba na ang linya. Sa sobrang inis ay naibato ko ang cellphone sa pader dahilan para magkabasag-basag ito.

Tang-ina! Ilang buwan pa lamang kaming hindi nagkikita at nababalitaan ko na may iba na ito? At ang mas malupit, may anak sa iba? Naglolokohan ba kaming dalawa dito? She's my property!

Pinindot ko ang button para tawagin na ang secretary ko. Ilang minuto lamang ay gano'n na naman ang hitsura nito. Nakababa ang cleavage area ng blouse nito, sobrang iksi ng skirt niya, pulang-pula ang lipstick nito, at higit sa lahat, tila sadya niyang ipinapakita ang tambok ng puwit nito. Napakunot ang aking noo dahil sa suot niya na sobrang revealing.

"Honey," wika ko sa kaniya. Bakit nga kasi gano'n ang pangalan niya, ang awkward ng dating.

"Yes, sir?" aniya na boses pabebe. Kulang na lang ay gawin niyang leter "e" lahat ng vowels na maibubulalas nito.

"Next time you enter my office, please fix yourself. Ayaw ko ng hitsura mo ngayon, you look like a shameless flirt which only aim to flirt your boss. Ayusin mo ang sarili mo dahil ganiyan ang rason kung bakit ko sinibak ang dati kong sekretarya," sabi ko saka dinampot ang susi sa drawer ng lamesa ko at lumabas na ng office.

Pagkababa ay nagsiyukuan silang lahat na nadaraanan ko. Hindi ko naman sila inuutusan na ganito ngunit hindi ko rin sila binabawal. Desisyon nilang igalang ako at wala akong pakialam do'n. Dumeretso ako sa nasabing mall. Nakita ko sa tapat ng Mall ang matayog na café, may pangalan itong Zen's Kitchen at maraming nakapila doon.

Pumasok ako only to see my beautiful wife on the counter, wearing a pink apron, a pink polo shirt and a cap. Nang tumama ang paningin niya sa akin ay sinenyasan niya ako na umakyat sa second floor.

Pagkarating naming doon ay nakita ko ang lalaki na naroon at ang baby na buhat-buhat nito habang pinapadede niya ito sa bote. "Zen, iwan mo na muna si Jheian sa crib, mag-uusap lang kami ni Zhel," aniya.

"Sige," sabi nito. Tumigin pa muna siya sa akin ng masama bago lumabas ng opisina ko.

"What is it?" tanong ko sa kaniya.

"Zhel, I'm filing a petition for our annulment," wika niya dahilan para matigilan ako.

What did she just said? Annulment?

Touch Of EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon