Kabanata 20

13.1K 243 46
                                    

Kabanata 20
HIS P.O.V.

Nakatitig ako ngayon sa aking asawa na kasalukuyang natutulog sa kama naming matagal nang hindi nahihigaan. Nag-iba na talaga siya mula noong una kaming nagkita ilang taon na ang nakalipas. Wala na 'yong Pam na takot sa akin, wala na 'yong asawa ko na t'wing uuwi ako ay reregaluhan ako ng yakap o halik sa pisngi at labi. Iba na ngayon- dahil sa kalokohan ko.

Sabi nga nila, saka mo lang marerealize yung worth ng isang tao kapag wala na sila sa tabi mo. Noong una hindi ako naniniwala dahil lahat naman ay nakukuha ko lalo na ang asawa ko dahil natatakot ito sa akin at takot itong umalis. Noong nawala si Isabelle sa akin ay may pumalit naman sa kaniya na si Pam, although hindi ko mahal si Pam noon, at least, may nagpaparamdam sa akin ng pagmamahal.

Oo, gago ako, pero hindi ako manhid. Alam ko na mahal ako ni Pam pero isinantabi ko lahat kasi umaasa ako na kaya niyang magstay hanggang kaya ko na siyang mahalin ng buo. Iyong uri ng pagmamahal na natural at kusang lumalabas sa akin. Isang pagmamahal na kahit kay Isabelle ay hindi ko ipinaramdam. Isnag uri ng pagmamahal na nararamdaman ko sa mga oras na ito habang nakatitig sa kaniya.

"Kung kailan naman natuto na ako kung paano kita mamahalin, saka ka naman napagod," saad ko saka unti-unting naupo sa tabi niya. "I was so damn stupid to choose guilt over love. Noong nawala ka, doon ko narealize na mahal pala talaga kita at guilty lang ako kaya akala ko mahal ko si Isaballe. Guilty lang pala ako sa mga kasalanang nagawa ko sa kaniya. Baby, if I could turn back time, ibabalik ko sa oras na ikinasal tayong dalawa. I want to see you again wearing the wedding gown and so happy. Only if I could," sabi ko pa saka bumuntong hininga.

Ilang minuto ko pa siyang tinitigan ngunit bigla itong nagmulat ng mata. Nagulat siya panigurado sa ginagawa ko pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na titigan siya. She's so beautiful and I am so fucking stupid to notice this when our relationship is on the brink of breaking. Sana nagawan ko iyon ng paraan noon para hindi siya nawala sa akin.

"Hi," sabi ko ng nakangiti. Napalunok muna siya kaya ibinaba ko ang labi ko sa kaniyang labi saka iyon marahang hinalikan. I want to curse so bad when I noticed that she's not responding to my kisses so I tried to kiss her more only to find out that she's not gonna respond.

Tangina, tapos na nga yata.

"Nasaan ang bag ko?" tanong niya sa akin nang iangat ko ang aking labi mula sa kaniya. Napahiya pa ako ng bahagya dahil ang labas ay ako lang ang may gusto noong halik na iginawad ko sa kaniya.

"Narito," sagot ko saka ibinigay sa kaniya ang bag niya. May kung ano siyang hinalungkat doon at saka inilabas ang cellphone. Tinititigan ko siya kung ano ang ginagawa niya sa cellphone niya. Noong tapos na siya sa pagtipa ay inilapit niya sa kaniyang tainga ang cellphone.

"Hello, baby," aniya kaya nagtiim ang akin bagang saka kumuyom ang palad. What a cheesy endearment, I mean, ako lang dapat tumatawag sa kaniya noon. "Miss mo na ba si mommy?" dagdag niya pa.

Gumaan ang pakiramdam ko nang mapagtanto na ang anak niya ang tinawag niyang baby at hindi kung sino lang. I am not referring to the asshole on her workplace, anyway. Here you are again, Zhel, being a jealous husband, or ex-husband, whatever.

"Zen, kamusta si Jheian?" tanong niya sa kausap nito. Tumango siya bago muling nagsalita. "Sige, uuwi na ako, magpapaalam lang ako kay Zhel." Tumawa ito at mukhang masaya siya sa kausap nito. "Opo, mag-iingat po ako, bye!" aniya saka ibinaba ang linya.

The fuck! Kahit saang aspeto naman, mas lamang ako do'n sa lalaking 'yon. I own a company which annual salary is ten or more times higher than his small café. I am way more handsome than him, I am way more luckier than him. I can actually help him grow pero hindi ko gagawin 'yon not unless my wife told me to do so.

Touch Of EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon