Alaga

11 1 0
                                    

Ps:Sariling hinanaing lang.

Ang hirap mamatayan ng magulang.

Pero mas mahirap makisama sa mga mag aaruga sa iyo.

Katulad ko na nanirahan sa puder ng tita ko mula ng mamatay ang ina ko,apat na taon na ang nakakaraan.

Wala na syang asawa at meron syang dalawang anak,may trabaho ang panganay habang nag aaral sa elementarya ang bunsong anak.

Bukod sa ibinibigay ng anak ay mayroon syang tindahan na tumutulong sa gastusin.

Sa ilang taon na pananatili ko dito ay ayos naman ang kalagayan ko,may dalawanhg problema lang.

Ang tita ko at ang bunso nyang anak.

Hindi naman sila masamang tao,may mga panahon lang na mahirap silang pakisamahan.

Ang anak nyang bunso ay nay matabil na dila,madalas ay nagagalit sya sakin ng walang dahilan.Kapag hindi sya nasusunod sa gusto nya ay nagwawala sya.May mga pagkakataon din na nasasaktan nya ko sa pamamagitan ng pananabunot nya o di kaya ay pambabato nya sakin ng gamit.

Malaki ang agwat ng edad namin pero hindi ko man lang sya mapagsabihan dahil sya ang madalas na kampihan ng nanay nya.

Sino nga ba naman ako?

Anak nya yun,at palamunin lang ako.

Hindi ko madalas damdamin ang pananakit nya dahil pinapatawad ko naman sya.Pero ang tumatak sakin ay ang mga salita nya.

Na palamunin lang daw ako sa bahay na yun.

Na sipsip ako sa ate nya.

Na demonyo ako,ay lahat ng pangit na pangalan na maitatawag nya sakin.

Na lumayas na ako sa kanila.

Na namatay ang nanay ko dahil sa ugali ko.

Akala nya siguro ay ayos lang yun pero dinaramdam ko ang lahay ng yun.Yung mga salita nyang masasakit.

Mga salitang nagiging dahilan ng ilang oras na pag iyak ko sa banyo.

Hindi ko akalain na sa edad nyang nwebe ay kaya nyang maapektuhan ang labing anim na taong gulang na ako.

Pero mali ako pag sinagot ko sya kasi sabi ng tita ko dapat hindi na ko pumapatol.

Di ko manlang maipag tanggol ang sarili ko,ang mama ko.

Ang tita ko naman ay may ugali na kapag nag aaway sila ng bunso nyang anak ay samin ng kuya ko ibinubunton nya ang galit nya.

Napaka higpit din nya at mahilig syang magsalita.

Pakiramdam ko ay wala akong kalayaan sa kanya.

Highschool na ako.Sana man lang ay nakakakain ako sa labas kasana ang mga kaibigan ko.Sana kahit once a week o month ay nakakagala ako.Sana nakakapaanyaya ako ng kaibigan ko sa bahay.

Pero hindi pwede yun dahil ayon sa kanya kaya sumasama ang ugali ko ay dahil sa mga kaibigan ko.Mga kaibigan ko na hindi umiinom,mga walang bisyo at tanging pagkain lang ang hilig.Nagmumura man sila ay sila naman ang dahilan ng mga tawa ko.

Katulad kanina,napagalitan ako dahil sa pag uwi ko galing eskwela ay nalate ako ng bente sincong minuto.Kumain lang naman kami ng saglit sa labas ng mga kaibigan ko dahil maayos ang kinalabasan ng pagsusulit namin.Pero pag uwi ko ay galit na tita ko ang sumalubong sakin.

Nang sinabi ko na kumain lang kami saglit ay kung pagsabihan nya ko ay yun na ang pinakamalalang kasalanan ko.

Alam ko na kailangan nya ng katuwang sa tindahan pero ang akin lang hindi naman ako palagala,lagi akong nasa bahay.Sana ay ibinigay nya na sakin ang 25 minutes na iyon.

Lagi na lang na sya ang tama.

Kapag pinagsasabihan nya ako ay lagi nyang pinananakot ang pag papaalis nya sakin sa bahay.

Masakit sakin dahil parang isang hampas sa mukha ko na palamunin lang ako sa bahay na iyon.

Na hindi nila alam ng gusto ko ng masasandalan kasi mula ng mamatay ang nanay ko ay hindi na mawala ang pasaglitsaglit na sakit na nararamdaman ko.

Pakiramdam ko ay walang nagmamahal sakin,na mag isa ko.

Naaawa ako sa sarili ko.

Wala bang mag tatanong kung kamusta ako sa paaralan.Kung kamusta ang araw ko.Kung may problema ba ako?

Gusto ko lang naman ng makikinig sakin.

Gusto kong maramdaman yung pag aalala sakin ng nanay ko.

Napapagod na ko sa dami ng ginagawa sa eskwelahan,sa mga gawain sa bahay,sa kakulangan na nararamdaman ko.

Gusto ko lang ng karamay pero hindi ata nila nararamdamn yun.

Wala akong pake kung sa tingin mo ay maarte lang ako pero hindi ko kasi kayang mabuhay ng ganto habang buhay.Yung maramdaman na nag iisa ako,na parang plastik na palutang lutang lang sa ere.

Walang pakiramdam kundi sakit,saglit na kasiyahan lang ang meron ako,ang palihim na umiyak gabi gabi.

Sana marinig nyo ko kahit minsan.Kahit saglit lang damayan nyo naman ako oh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Life is full of shitWhere stories live. Discover now