Chapter 2

0 0 0
                                    

InstaBride
Chapter 2: The First Day

"Good morning earthlings", masayang saad ni Miaka habang nag-iinat-inat pa siya.

"Ganyan ka ba gumising? Binabati ang imaginary friend mo?", natigilan si Miaka sa pag-iinat at dinilat ang mata.

Tumambad sa kanya ang bulto ng isang napakagwapong lalaki sa harap niya. Pansin-pansin ang magandang hubog ng katawan nito sa itim ba sando at sweat pants na suot habang may dalang kape at nakatingin sa kanya.

May kape na,tinapay nalang kulang. Siguro pagtinaas ang sando nito sa bandang tyan may anim na pandesal. Isip-isip niya.

"Ganyan ka ba talaga pag umaga? Lutang at parang di mo na naaalala ang asawa mo", saad nito habang si Miaka ay tila nagugulahan sa nangyayari.

"Asawa? Kelan?", nalilitong saad niya.

Asawa? Kinasal na-Fuck?!!!! At nanlaki ang mata niya sa gulat nang maalala niya na ang nangyari kahapon.

"Mukhang naalala mo na. By the way, you have clothes in the closet if you want to changed. Your necessities are all here. The table is ready, we'll wait you there, wife", natatawang saad niya tsaka  siya nilayasan.

Wife? For real? Parang kahapon, Miss pa ko ngayon Misis na?! Oh God?! What did I do to suffer like this!

NAPAPAILING si Miaka sa nakitang mga damit na nasa maleta. Alam niyang gamit niya ito, at sigurado siya sa sigurado na ang kaibigang si Ivy ang naghanda ng mga damit niya kaya't puro ganito ang dala niya.

Sexy lingerie. A very provacative sun dress. A black and red two piece. And a see through cover. And a couple of underwear. Shorts. And croptop.

I gonna rip your eye lashes and brows, Ivy. Swear?! Naloloko niyang saad.

Kaya imbes na wala siyang masuot. Eh yung yellow na sundress nalang na suot niya, na medyo see through at back less din.

Di niya na nilagyan ng make-up ang sarili niya tanging face powder at liptint lang ang nilagay niya sa mukha niya. Pagkatapos ay bumaba na siya.

Napansin niyang puro wood craft ang mga muebles sa bahay pero halata parin ang class nito at pagiging advance sa technology. Karangyaan. Iyon ang nasa isip niya.

Pero nasaan na ba kami? Maldives? Excited na ko!

Agad siyang lumapit sa veranda at bumati sa kanya ang napakagandang tanawin. Crystal clear water and white sand. Halos wala din siyang makitang tao. Perfect for unwinding. Presko din ang hangin.

"Love the scenery? Mas maganda yan sa labas. Kaya kumain kana sa baba at naghihintay na ang asawa mo", napalingon si Miaka sa nagsalita. At sumalubong sa kanya ang kaibigan ni Lyon na naka simpleng white v nevk shirt at cargo pants. Simple yet appealing.

Gwapo din ito, pang boy next door. At approachable din ito.

"Justine, kanina ka pa dyan?", tanong niya sa binata.

"Hindi naman. So shall we? The food is waiting, and your husband", aya nito at tumango siya dahil niilang siya sa sinabi nito at sabay silang pumunta sa kusina.

"ANG tagal niyo naman", saad ni Lyon habang nagbabasa ng newspaper pagdating nila sa hapagkainan.

"Bakit di ka pa kumain? Di naman namin dala ang pagkain", tanong ni Justine.

"Oo nga. Nasa amin ba ang kamay at bibig mo", inis na saad ni Miaka at tinignan siya nito ng seryoso.

"Do you already forget who am I?", saad ni Lyon sa kanya.

Insta BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon