Chapter 3

86 1 0
                                    

"SO ANONG nangyari?"tanong sakin ni Lupe. Penelopie kasi siya Lupe for short mabait siya di gaya ng iba nakilala ko siya sa History class ko pati sila Yanhi.

"Huh?"lutang na tanong ko.

"Anong nangyari?diba sabi mo inaya ka niya lumabas o tapos?"

"A-ano kasi...ahh late na pala ako sa math class ko sige una nako"pagsisinungaling ko.

Pero sa halip na sa classroom sa canteen ako pumunta nagugutom na kasi ako eh. Sya lang naman kasi tong nanghila sakin sa park eh.

Bumili ako ng sandwich tsaka milktea.

Habang papunta sa upuan ko may nabangga nanaman ako.

Buti nalang walang natapon kasi nakaseal yung milktea.

"Ayy sorry"sabi ko na nakayuko parin.

"Ok lang sige mauna nako"

"Sige sorry talaga ha"

Bakit kaya ganon lagi nalang sa tuwing pupunta ako ng canteen may nababangga ako.

Inumpisahan ko ng kainin yung sandwich tsaka binuksan yung cellphone ko para icheck yung instagram ko.

Nang mabored nako nilibot ko ang tingin ko sa buong canteen lahat sila may kasamang kumakain.

At habang inililibot ko ang mga mata ko merong nahagip ang mga mata ko.

Chierald....

Parang bigla akong nawalan ng gana kaya kinuha ko nalang yung sandwich at inilagay sa bag ko tsaka binitbit yung milktea ko.

Girlfriend pala ha...

Dumaan ako sa harap nila pero biglang may humawak sa pulsuhan ko.

"Hi. Ikaw yung kanina diba? By the way I'm Kenneth here"sabi niya sabay abot sakin nung hawak niyang donuts.

"Thank---"

"Hey Chierald!"biglang sigaw nung lalaki.

Tinignan ko si mokong at nakitang nakatingin siya samin.

"Ah ahh salamat ha..sige mauna nako"

"Sandali"sabi ni Chierald.

"Bakit?"

"Anong ginagawa mo dito at bakit magkasama kayo"

"Hindi ba dapat ako nagtatanong sayo niyan"sabi ko sabay tanggal nung pagkakahawak sa pulsuhan ko at tsaka umalis.

"Wait Val antayin moko I'm sorry"habol pa niya pero tumakbo na ako.

Hindi nako pumasok sa mga iba ko pang klase at umuwi nalang.

First time kong magcutting classes at alam kong hindi matutuwa si daddy sa ginawa ko.

"Oh Ma'am Sophia ang aga mo naman po"bati ni yaya.

"Wala ako sa mood---"

"Anong wala ka sa mood?"malamig na boses ang narinig ko kaya napatingin ako sa likod ko.

"D-dad..."

"Answer me Sophia kelan kapa natutong magcutting classes?"

"D-dad l-let me explain..."

"Follow me at my office"matigas na sabi ni Dad.

Kaya sumunod nalang ako sa kanya.

"Ano tong naririnig ko na lumalabas ka na may kasamang lalaki?"

"Dad ano kasi ehh..."

"Boyfriend mo ba?"

"Of course not!"

"Bakit kaylangan mo akong sigawan may nangyari na ba sa inyo are you pregnant?"

"Hindi po dad actually nitong nakaraan ko lang siya nakilala"

"Stop that Sophia. I want you to stay away from that man your too young to be played with"

"Dad---"

"Layuan mo siya Sophia and that's an order. Once na malaman kong lumalabas at naguusap pa kayong dalawa I'll make sure na hindi ka makakakuha ni sentimo mula sakin"sabi ni dad sakin.

"Now matulog kana. Grounded ka ng isang buwan at wala kang matatanggap na allowance"dagdag pa niya.

"Grabe naman dad one month?!"

"Tigilan moko Sophia kung alam ko lang na magiging ganyan ang ugali mo dahil dyan sa school ka na yan nag-aral mas mabuti pa dapat na sa london ka nalang"

Hindi nalang ako nagsalita at lumabas nalang sa office ni dad.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad kong ni-lock ang pinto at nagtititili na parang timang.

"Buwiset na lalaking yon! ng dahil sa kanya wala akong allowance! epal siya!!"sigaw ko.

Bigla namang nagring ang phone ko.

Epal na playboy

Pinalitan ko yung pangalan niya.

Bakit tama naman ahh playboy naman talaga napaglaruan na nga ako eh..

Pinatay ko nalang ang phone ko ayaw ko siyang makausap.

'Oh is that so well don't let any other man call you that way hmm?'

"Ha! wag ko daw hayaan yung ibang lalaki na tawagin akong Val hayy!!!"

Nagring ulit ang phone ko.

"Ano ba yan! hindi ba mauubusan ng load tong lalaking toh!"

Sinagot ko nalang para tumigil na

"Hello!"

"Hey baby I'm sorry.."

"Sorry mo mukha mo!"singhal ko.

"Teka ikaw ba talaga ang girlfriend ko?"

"Girlfriend. Girlfriend mo mukha mo tang*na ka!"

"Hindi nga ikaw si Val. Kasi alam ko yung girlfriend ko mabait eh tsaka di nagmumura"

"Tse. walang tayo! hindi kita boyfriend! ng dahil sayong g*go ka wala akong allowance ng isang buwan at dahil din sayo grounded ako!"

Singhal ko sabay baba ng phone. Hindi ba siya marunong maawa lahat ba ng babae sinasaktan niya?

G*g--

"Teka Sophia wake up"sabi ko sabay hampas hampas sa pisngi ko.

"Sophia hindi ikaw toh...teka p-posible kayang n-nababago nako nung Chierald na yon?"

"Hayy!!"

A/N: So ayun po guyzz thank you for reading and please follow me para ma-upadate kayo sa series na ito....

Wabūall!!!

¤¤♡♡♡¤¤


































-NCL❤

THE MESALONIA: Playboy's effectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon