Chapter 11

144 5 3
                                    

Hanggang kailan mo kayang manatili
Sa lungkot na dating pag-ibig
Na kailanman ay hindi ka pinili
Dahil mayroon laging kahati

Hanggang kailan mo patuloy
Susubukan na sya'y balikan?
Kahit ilang beses ka nang pinagtabuyan
At sinabing, "Hindi na kita mahal"

Hanggang kailan mo planong magpakatanga
Sa taong hindi marunong magpahalaga
At iniwan ka nalang na nag-iisa
Iyan ba ang sinasabi mong mahal ka?

Kung mahal ka, mananatili sya
Kung mahal ka, pinili ka sana
Kung mahal ka, babalikan ka niya
Kung mahal ka, di sana sya naghanap ng iba

Ikaw palang sana sapat na
Kung hindi sya tumingin sa iba
Pero sana ngayon tumigil kana
Sa pantasyang kayo'y nakatadhana talaga

Awat na, ito'y tapos na
Ika'y iniwan at sinukuan talaga
Huwag kana sanang magpakatanga
Para sa taong pinagpalit ka.

Nakakainis naman itong tula nato!

Hindi naman ako tanga ahh..

Oo na tanga na pero slight lang...pero yung sa dulo parang ako nga yung mangiiwan eh...haysst..

Naiinis ako sa sarili ko kasi alam ko naman talaga na mahal ko sya eh kayalang kasi iniisip ko na baka masaktan lang ako...

Hayyy...

Tinago ko nalang yung libro saka nagheadsdown at natulog.

Mamaya nako magseseryoso...

Nang makapasok ako sa classroom hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti nang makita ko sya...

Ang ganda nya talaga...

Tawagin nyo man akong baliw...well I admit nababaliw nako sa kanya kasi di ko alam gagawin ko kapag malayo ako sa kanya...

Tumabi nalang ako sa kanya.

Ilang sandali lang ay nagising na sya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Chierald sa tabi ko.

At nakatitig ito sakin.

"Ahh..."hala bakit ganon!

Parang umurong yung dila ko di na ako nakapagsalita.

Niligpit ko nalang yung mga gamit ko tsaka lumabas na ng room...

Ano ba yan!

"Bakit ba umuurong yung dila mo kapag nakikita mo sya?!"

"Buwiset!!"

NANG MAKAUWI na ako ay sinalubong ako ni daddy.

"Hey sweetheart"

"Hi dad"sabi ko sabay lapit sa kanya para halikan ito sa pisngi.

"How's your day?"

"Tiring"sagot ko.

"Pupunta nako ng states bukas at gusto kong sumama kana. Invite your friends here para makapagpaalam ka okay?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE MESALONIA: Playboy's effectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon