Chapter 8

76 2 0
                                    

Pumasok parin ako sa school kasi sabi ni dad may 1 week pa raw ako bago umalis.

At si Chierald?

Blinock ko na siya sa facebook at pati number nya blinock ko na rin pero walang paawat pumupunta parin sa bahay.

Di ko nalang pinapansin kasi sino ba naman kasing tanga ang kakausap sa kanya.

Ang galing nga eh nagpaloko nanaman ako....

"Ang layo ng iniisip ahh"napaigtad ako ng may magsalita sa tabi ko.

"Hi! Ikaw si Sophia diba?"tanong pa nito.

Teka parang nakita ko na tong babaeng to..ahh..

"Teka Yanhi?"tanong ko.

"Yup. So ikaw nga si Sophia...tabi na tayo ha"sabi pa niya sabay bigay sakin ng matamis na ngiti.

"Bakit ang layo ng tingin mo kanina?"usisa pa ni Yanhi sakin.

"Ahh yun ba? wala may problema lang..."I said then smile as assurance.

"Sigurado ka?"

"Oo naman"

"Then mind sharing me what is it?"sabi pa ni Yanhi.

"Ahh..Eto nalang anong gagawin mo kapag yung lalaking gusto mo sinabing mahal ka dahil lang sinabihan sya ng daddy mo na iparamdam sayo kung paano magkaroon ng boyfriend?"

"Huh?"

"Ahh mali sabihin na nating may lalaking dumating sa buhay mo tapos sabi niya mahal ka niya then dahil doon nahulog ka narin sa kanya kayalang hindi pala totoo lahat ng sinabi niya sayo...anong gagawin mo?"

"Ahh yun pala yung problema mo?"tanong nya tumango nalang ako.

"Mahirap yan kasi sabi mo nga nahulog kana tas tsaka mo lang nalaman na niloloko ka lang pala..."

"Siguro lalayo nalang ako kasi marami pa naman akong makikilala eh..pero ang advice ko sayo uhh hayaan mo muna syang magexplain sayo then kapag narinig mo na tsaka ka mag-alsabalutan"sabi pa niya.

"Thank you ha..alam mo ngayon lang ako may nakausap ng ganito dito sa school na toh haha ang gaan pala sa pakiramdam"sabi ko sabay ngiti.

"Paano na yan? paano ako mageexplain sa kanya?"tanong ko kay Lester.

"Alam mo bud...kahit kasi ilang beses mong sabihin sa kanya hangga't di nya nararamdaman di yan makikinig sayo..kasi alam mo na actions speaks louder than words.."

Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"Wow nagsalita yung lalaking hindi makaamin sa crush nya"pangaasar ko sa kanya.

"Ikaw talaga akala ko ba nanghihingi ka ng advice? tapos ngayon aasarin mo ako?"

"Ikaw naman hindi na mabiro..haha"sakto namang tumunog yung cellphone ko.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Traylord Brigoña

Traylord:Hey man nakabalik na si Ethan ikaw nalang magsabi sa group busy ako eh haha..

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Sus lagi namang busy tong lalaking to ehh..

Sa mga Brigoña si Travis lang ang laging nagpakita samin eh..hayy

Hindi ko pa talaga nakita ang mukha nitong si Traylord pero one thing for sure eh kamukha rin sya ni Travis.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

LATRINIDAD 15 HAKDOG SQUAD

Chierald the handsome😉:Ayy wazup Ethan my man nakabalik kana daw?

Lester the cutie😄:Oh nakabalik na nga ang mokong hoyy wag kang seener

Ethan the Goodboy😇: At pano niyo nanaman nalaman?

Travis the rich kid💸: Ano ba dude may mata kami nakita ka kaya namin na bumaba ng bus and guess what si Goodboy may kasamang chicks! haha..pasalamat ka may gusto nako kaya diko aagawin sayo yung babaeng yon.

Ethan the Goodboy😇:Tang*na mo talagang g*go ka eh noh.

Lester the cutie😄:So ano my man gusto mo yung girl ano?

Ethan the Goodboy😇:Of course not!

Kenneth the s*x addict💏:Pabayaan niyo na yan si Loverboy sge bro kitakitss nalang mamaya I'm sure naman parehas tayo ng klase eh haha..

Chierald the handsome😉:Sge Mr. s*x addict haha..

Kenneth the s*x addict💏:G*go.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Natawa nalang ako kay Kenneth haha pikunin kung makasabi ng loverboy kala mo naman hindi nya kinuha ang virginity ng mga babae dito haha..

"Bro alis nako ahhh hanap nako eh.."

"Yan ha di pa nga kayo eh under ka na..."sabi ko sa kanya sabay tawa.

"Ewan ko sayo"

Bago pa ako makasagot eh tumunog ulit yung cellphone ko.

Val❤

"Hello Val? I miss you buti tumawag ka bakit anong kaylangan mo?"dirediretso kong tanong hi ikaw ba naman tawagan ng babaeng mahal mo.

"Chierald let's meet I just need an explanation from you and nothing more"sabi nito.

Bakit ganon parang hindi na ito yung Sophia na nakilala ko..

"O-okay isend mo nalang sakin yung place kung saan tayo magmemeet"sabi ko.

Hindi naman ito sumagot at basta nalang pinatay yung tawag.

Sophia bakit ba di mo ako pinapansin?!

Ahh f*ck!!!

A/N: Ayos lang ba yung ganyang attitude?
Yung tipong ang gaslaw mo pagtropa kasama mo pero di ka makalaban pag yung taong mahal mo na..haha makasabi ka pa ng under ha...haha...







































-NCL❤

THE MESALONIA: Playboy's effectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon