1

12 0 0
                                    


KWON EUNBI
— narrative.

"KWON EUNBI" napatayo ako saaking inuupuan nang tawagin ako ng aming guro. Ngayong araw na ito kasi makukuha ang resulta ng midterm exam namin sa subject niya.

"Congratulations," nakangiting bati ni Miss pagkalapit ko sakanyang mesa. Nginitian ko siya pabalik at nagpasalamat.

Nang makuha ko ang aking test paper ay bahagya akong napangiti. Once again, I aced the test.

Worth it ang puyat.

"Ehhhh anong klaseng score 'to" napalingon ako ng umalingawngaw ang boses ng kaklase kong si Choi Yena. Nakanguso, at halos pagbali-baliktarin pa ang kanyang papel na akala mo'y may mababago pa ron.

"Final na ba talaga 'to, Miss?" mangiyak ngiyak na boses na tanong nito. "Alam mo miss, blooming ka ngayon, pero mas b-blooming ka pag magpapa bonus points ka po," dagdag pa nito.

Agad namang naghiyawan ang klase ng "bonus! bonus! bonus!" sa pangunguna ni Yujin. Tropa ni Yena. Nauwi sa pagtatawanan ang buongklase at kahit si miss ay natawa sakanilang lahat.

Mga kalokohan talaga nila.


"HOY, Hoy teka lang! Kwon Eunbi!" napatigil ako sa paglalakad ng narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Si Yena.

"Bakit ang bilis bilis mong maglakad!? Hinahabol ka ba ng aso!?" naiinis at hinihingal na singhal niya. "Hindi, pero ng bibe oo," nakangiwi kong sagot at halos batukan na ako nito.

"Corny mo talaga kahit kailan! Kaya ka friendless eh!"

Ay wow. Agad ko siyang tinaasan ng kilay, nagtataray, "So hindi tayo friends?"

"Pinagshashabu mo bading? Malamang hindi kasi best friends tayo! Hehe!" bungisngis nito at hinila na ako papuntang canteen.

Nasabi ko na bang tropa kami kami nh madaldal na ito? Oo, magkaibigan kami. Kami nila Yujin, actually. Hindi ko rin alam papanong nangyari, dala ng himala siguro? Basta alam ko nalang ilang taon na rin kaming magt-tropa.

NANG makarating kami sa canteen ay agad naman naming nakita ang mga kaibigan naming nakapwesto na sa mahabang table. Kumaway-kaway pa sa'min si Chaeyeon na akala mo'y hindi namin sila nakikita.

"Hi!" Masiglang bati nito ng naglapag kami ng gamit sa mesa. Napabaling ako sa mesa at halos kompleto naman na ang tropa. Si Yujin at Yuri ay naglalaro yata, na siya namang agad sinalihan ni Yena. Si Minju na nagrereview kahit maingay ang paligid, at si Chaeyeon na tumatawa sa harap ng cellphone niya.

"Si Nako?" tanong ko ng napansin kong wala ito. "Nasa office yata, sinamahan yung transferee namin. Parehas kasi silang arigatou" sabat ni Yuri.

Malakas na tumawa ang tatlong maiingay rito. "Shuta ka, Joyul! Arigatou amp!" at may hampasan pang naganap kakatawa nila.

Nakakahiya. Agaw atensyon ang ingay sa table namin at napapatingin na rin yung mga kumakain na malapit sa'min. 'Di matigil kakaputak si Yena at isama mo pa ang wirdong tawa ni Chaeyeon.

Bakit ba ako nasa tropahang 'to? Lord, save me.

Sasawayin ko na sana sila kasi naaawa na rin ako kay Minju dahil hindi ito makapagreview ng maayos ng bigla silang natahimik.

Hindi lang sila. Pati ang buong canteen.

Pag-angat ko ng tingin ay hindi na ako nagtaka kung bakit.

Kaya naman pala.

Pumasok pala ang sikat na sikat hindi lang sa batch namin kundi sa buong school.

Si Kang Hyewon.




Chapter End.

RUMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon