KWON EUNBI
— narrativeTILA ba nahati sa gitna ang canteen ng pumasok ang grupo nila Kang Hyewon. Marami pang natahimik at napatulala— mapababae man o lalaki. Well, sino bang hindi? E kulang na nga lang ay lightning sa likuran nila at instrumental music at aakalain nang may mga anghel na bumaba sa langit kung makaasta ang mga nakakita sakanila.
Kang Hyewon. Miyawaki Sakura. Kim Chaewon. Jang Wonyoung. Mas kilala silang apat bilang f4 ng university, babae version raw.
Pak. Lakas maka Meteor Garden ng mga ate mo.
Matunog talaga ang pangalan nilang apat pero hindi lang naman dahil sa ganda nila pero dahil na rin sa talino and positions sa school.
Si Sakura, president ng school publication. Kilalang advocate rin ito at talaga namang mas lalong naging competent ang university namin pagdating sa journalism nung siya ang nagtake-over sa posisyon.
Sporty naman si Kim Chaewon. All-rounder yata siya pagdating rito. Kasi naman, nakita ko siya nung intramurals namin na kasali sa volleyball team ng college nila tapos kinahapunan ay nakita ko na naman siyang nakikipagcompete sa table tennis. Sana all hindi napapagod.
Si Jang Wonyoung naman ang "living barbie" ng campus. Pinakabata sakanilang apat pero pinakamatangkad. Inch lang yata ang gap nila ni Yujin namin. Paborito si Wonyoung ng buong school kasi bukod sa maganda na ito, mabait pa.
And syempre, last but not the least, si Kang Hyewon. She has these black doe eyes na para bang parating nangungusap. Mas maingay pa yata yung mata niya kesa sa bibig niya. Tapos yung buhok niyang shiny at kahit anong hairstyle ang gawin niya rito ay babagay sakanya. Isama mo pa yung pisngi at labi niyang natural na namumula dahil sa kaputian niya.
Ay teka lang.
Bakit physical features niya ang pinupuna ko?
Hindi ko namalayang nakatitig na rin pala ako sakanila hanggang sa nagtama ang paningin namin ni Hyewon.
Ayan na naman yung nangungusap niyang mata.
Mga magl-limang segundo rin yata kaming nagtitigan at hindi ko nakayanan, ako na ang nag iwas ng tingin. Bakit ba nakatingin siya rito?
Tahimik akong kumakain ng umugong na naman ang mumunting tawanan sa mesa namin.
"Hoy Yujin! humihinga ka pa ba!? huminga ka naman, pulang-pula ka hoy!" tawang-tawa na asar ni Yena rito. Totoo nga't nagkulay kamatis na siya at nakatitig sa kawalan, kung saan nakapwesto ang apat kanina.
"Grabe ang ganda ganda ganda niya talaga..." bubulong-bulong niya pa at hindi nadadala sa yugyog ni Yena! Si Chaeyeon naman ay nakahawak sa cellphone niya at vinivideo pa ito habang tumatawa rin.
Napabaling naman agad si Yujin sa direksyon ko. Sa akin. "Eonnie," nagpapaawa nitong sabi.
"Hmm?" tanging sagot ko lang dahil kumakain ako.
Alam ko na agad kung ano ang pinaparating niya, pero hindi mawala saakin ang kagustuhan na tuksuhin muna siya.
"Sige na eonnie please, please" at nakapuppy eyes pa nga! Tamad ko siyang nginisihan at nakita ko naman agad ang pagtulis ng nguso nito.
"Daya-daya talaga ni eonnie... hmp!" at nagtampo na nga agad! Hindi ko na napigilan at natawa nalang ako habang umiiling.
Chapter End.

BINABASA MO ANG
RUMOR
Fiksi PenggemarKwon Eunbi, a typical student has been rumored to be the girlfriend of the school's queen bee, the one and only, Kang Hyewon. A KangBi TagLish (Tagalog-English) fanfiction. ©️ 2023. Date Started: April 7, 2023. Status: ON-GOING