Lagi akong masaya
Lagi lang tumatawa
Kahit may problema
Tuloy pa rin ang labanNoong ako'y bata pa
Laro't pahinga lang ang alam
Akala ko dati'y
Ako ang pinakamasayaAt noong ako'y pumasok na
Wala pa ring problema
May natututunan na
Nakakapaglaro paNgunit nung ako'y tumanda na
Ang dami ko nang problema
Walang tigil ang pinapagawa
'Di na 'ko masayaSana tulad na lang ng dati
Walang problemang iniisip
'Di tulad ngayon, walang pahinga
'Di na ata ako magiging ganong kasayaPero nag-iba noong nakilala kita
Ako'y may bagong nadama
Ikaw na yata ang magpapasaya
Sa buhay kong puno ng paghihirap
BINABASA MO ANG
2020 Poems
PoesíaAs a new decade enters our lives, we expect to to do new things we have never tried before. So, for 2020, I am going to be writing poems daily. Enjoy reading my compilation of poems this 2020.