(v) Gaano kalalim ang sugat

19 0 0
                                    

Pinagmasdang mabuti ni Rosa ang hawak na bulaklak. Isang piraso ng pulang rosas ang maigi niyang tinignan.

Muli niyang naalala ang sinabi ng nagbigay sa kanya ng bulaklak.

"Para ka palang rosas, maganda pero nakakasugat mahalin"

Hinawakan niya ang matutulis na tinik ng pulang rosas. Idinian niya ang pagkakahawak. Nakaramdam siya ng kirot, ng kaunting sakit.

"Nakakasugat akong mahalin? Hindi ko lang siya hinayaang manligaw, iyon na ba ang depinisyon niya ng nakakasugat? "

Napangiwi siya. Gusto niyang matawa. Inisip niya, kaunti ang karanasan ng binata dahil sa kababawan ng panghuhusga nito sa kanya.

Binitawan niya ang hawak na rosas at tinapon sa basurahan. Naglakad na siya papunta sa silid aralan.

Agaran siyang binati ng ilang kaklase. Napansin niyang nakangiwi ang ilan.

"Ikaw talaga Rosa! Nakakailang pangbasbasted na ang ginawa mo? eh, napakailap mo sa mga lalaki ah!"

"Hay naku, tatanda ka niyang matandang dalaga!"

"Oo nga Rosa!"

Ngumuso siya at hindi pinansin ang ilang kaibigang nang aasar sa kanya. Sa halip ay kinuha niya ang kwaderno at ang libro, hinanda para sa susunod na asignatura.

Sa kabila ng pagtitimpi niya biglang napahinto siya sa tanong ng isa niyang kaklase.

"Bakit nga ba Rosa?"

Natigilan siya. Muli niyang naalala ang nakaraan. Ang mga bangungot niya. Hindi siya nakasagot.

Maya maya pa'y dumating na ang guro sa klase.

Napatingin si Rosa dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa isa sa pahina ng kwaderno. Nagusot ito at nabahidan ng dugo dahil sa maliliit na sugat sa kamay niya. Napatitig siya roon pansamantala.

Bumugtong hininga, saka tinuun ang sarili sa pakikinig sa guro.

Hapon na ng makauwi siya sa bahay. Inilapag niya ang gamit na dala at saka nagmano sa kanyang ina. Deretso siya sa kwarto.

Napahiga siya sa kama at napatitig sa kisame. Unti unti niyang nararamdaman inaantok na siya...

Bigla siyang nagising dahil sa biglaang tunog ng pagbukas ng pinto sa kwarto. Idinilat niya ang kanyang mga mata pero patay ang ilaw. Kinabahan siya. Nakiramdam siya sa paligid. Maya maya pa'y nakaramdam siya ng biglaang paghaplos sa kanang paa niya. Napabalikwas siya.

"Sssssh... Sssssh... "

Nanlaki ang mata niya. Pamilyar sa kanya ang boses. Nanggigilid ang luha niyang pinakiramdaman ang pagdako ng kamay sa mga hita niya. May humaplos din sa tiyan niya.
Napaatras siya ng mabilis. Bago sa kanya ang ganoong pakiramdam.

"Bakit po... Bakit kayo nandito... ama... " nanginginig ang boses na sambit niya.

"Sssssh!"

"Ama...." naluluha niyang sinabi at patuloy ang pag iwas niya sa mga haplos nito.

Narinig niya ang pagbukas ng kabilang kwarto. Agarang lumabas ang kanyang ama.

Nanginginig siyang bumangon, binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto at agad isinara ang pinto.

Nakatulala siya't naluluhang naupo sa kwarto. Naguguluhan siya't natatakot...

Agarang napabalikwas si Rosa. Mabilis ang pahabol niya ng hininga. Napapikit siya ng mariin. Nanaginip na naman pala siya.

Hanggang sa panaginip hindi siya tinitigilan ng mga alaala ng nakaraan.

Napaupo siya't niyakap ang unan. Umiyak siya. Muli niyang naramdaman ang sakit na pinakatago tago niya ng ilang taon.

Muli niyang naalala ang nakaraan. Ang pangilan ngilan niyang paggising dahil sa paghaplos ng mga taksil na mga kamay. Ang kakaibang pagyakap sa kanya at sa ilang pagbabanta ng kanyang ama.

Hindi niya maintindihan, bakit ang ama niya pa ang sumira ng tiwala niya at ang sumira sa konsepto na pinahahalagahan niyang pamilya. Hindi niya maintindahan magpahanggang ngayon....

Pinunasan niya ang luha sa pisngi. Napapikit siya ng mariin, naramdaman niya ang hapdi ng sugat sa kanang kamay habang pinagmamasdan niya ang ilang maliliit na sugat...

x

ANG SALAMIN NG BAYANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon