Chapter 3

263 13 1
                                    

WARNING: Please read at your own risk.

Author's Note: Update na po today kasi baka di ko na maharap bukas. Salamat po sa magbabasa. :)


DINALA ni Jonathan si Estrie sa isang mamahaling restaurant. Hindi naman niya first time sa mga ganoong lugar ngunit ang makasama si Jonathan sa isang lugar kung saan madalas ang mga magsing-irog ay nakakataba ng puso. Halos lumabas na ang puso niya sa sobrang kilig na nararamdaman.

"Hulaan ko. Madalas mong dalhin dito ang mga girlfriend mo, 'no?" kulang nalang ay kutusan niya ang sarili niya dahil sa sinabi. Dapat ay hindi na niya binabanggit pa ang mga ganoon.

"I already have a fianceé," tiningnan niya sa mga mata si Jonathan. Seryoso ito at hindi niya makikitaan ng kung anong pagbibiro. Dati pa, alam na niyang may nakatakda ng ipakasal dito pero naniniwala siyang hindi papayag si Jonathan doon. Pero ngayon, mukhang mali siya ng akala.

Huminga muna siya ng malalim bago siya tumango at pekeng ngumiti sa kaniya. "So, kailan ang kasal?" analang niya ngunit bago pa man ito makasagot ay dumating na ang waiter na may dala ng kanilang order.

Natahimik na sila kahit ng makaalis na ang waiter. Ibinunton na lamang niya ang nararamdamang tila pagkahungkag ng kalooban sa pagkain. Masarap ang pagkain pero parang hindi niya ito ma-enjoy dahil sa dami ng mga tanong sa kaniyang isip. Kung magpapatuloy pa ba siya sa kahibangan niya at aasa pa na mamahalin din siya ni Jonathan sa huli? Sinasabi lang ba ni Jonathan sa kaniya na may fianceé na ito para tumigil na siya sa pagsasabing mahal niya ito? O sinasabi ito ni Jonathan dahil gusto nitong sabihin sa kaniya na pigilan mo ang kasal namin?

"Hindi ako sanay," bahagya siyang nagulat nang magsalita si Jonathan. Binalingan niya ito at nakita niyang nakatingin ito sa kaniya nang nakangiti.

"Saan? Na magkaroon ng seryosong relasyon? Masanay ka na, saka, 'yong invitation huwag mo kaming kalimutan na padalhan, ah."

"Na tahimik ka,"

Napalunok siya ng ilang beses. Para saan 'yon? Ah, doon sa una niyang tanong. Peke siyang tumawa. "Sira, busy ako sa pagkain, eh. Ang sarap kaya." Palusot niya sabay sumubo ulit ngunit sa malas niya ay nagkamali siya ng lunok kaya naman sunod-sunod siyang napaubo. Agad namang lumapit sa kaniya si Jonathan at binigyan siya ng tubig. Mabilis niya iyong ininom. Halos maubos niya ang laman ng baso.

Nang ibaba niya ang baso sa mesa ay biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil doon lang niya napansing sobrang lapit pala ni Jonathan sa kaniya. Napatingin siya dito upang sana ay magpasalamat ngunit saktong pagdapo ng kaniyang paningin sa mga mata nito ay siya namang paglapat ng labi nito sa mga labi niya.

Nag-init ng husto ang kaniyang pisngi. Magkahalong kilig, tuwa at kaba ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Muli na naman niyang natikman ang halik nito ngunit pakiramdam niya ay unang beses pa lang siya nitong nahalikan dahil kakaiba ang dulot nito ngayon sa kaniya. Pakiramdam niya ay buong pagmamahal siya nitong hinahalikan. Sukat doon ay bigla siyang nagising sa katotohanan na baka nate-tempt lang ito dahil sa sitwasyon. Kusa siyang bumitaw sa halikan. Nakita niya ang pagkalito sa mukha ni Jonathan. Upang mawala ang tensyon sa pagitan nila ay matamis siyang ngumiti.

"Ah, salamat sa pag-aalala. Sabi ko na nga ba at hindi mo rin ako matitiis, eh." Aniya na ang tinutukoy ay ang kaninang mabilis nitong pag-alalay sa kaniya upang mabigyan siya ng tubig. Dumistansya siya ng bahagya dito at muli siyang uminom. Inubos na niya ng tuluyan ang laman ng baso niya. Nakahalata naman yata ito at bumalik na ito sa upuan nito. Nang balingan niya ito ay titig na titig ito sa kaniya. Ewan niya pero may something ngayon kay Jonathan.

When I Say I Love You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon