Chapter 1

538 21 5
                                    

*Nancy's POV*

Napatingin ako kaharap ko ng tumikhim ito

"How old are you?" tanong niya

"Uhh 22" sagot ko at umiwas ng tingin. Nakakahiya kasi tumingin sakanya, ang ganda kasi niya samantalang ako'y....

Panget

"Kailan birthday mo?"

"April 13"

"Full name?"

"Nancy Jewel Mcdonie"

Hindi na siya nagsalita at nakatitig lang sakin. Nailang naman ako kaya umiwas ako ng tingin at uminom ng tubig

Bakit ba siya nakatingin?

Tumingin ulit ako sakanya at ang babaita nakatitig parin sakin!

"M-may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko

Mukha namang natauhan na siya kasi bigla nalang siyang umiling

"Wala, parang familiar kasi yung mukha mo" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya

"Bakit? Nakita mo na ba tong panget kong mukha?"

"Huh? Hindi. Wag mo nalang ako pansinin" sabi niya at kumain

Pinanliitan ko siya ng mata habang nakain siya

"Oh, bat di ka pa kumakain?" tanong niya

"Kain ka na" sabi niya at tinuro ang plato ko

Di nalang ako sumagot at sinunod siya. Habang nakain ako ay napapansin ko ang pagtingin-tingin niya sakin

Huminga ako ng malalim at tinignan siya 

"Ma'am yeonwoo-"

"Just yeonwoo"

"Okay yeonwoo, alam kong napipilitan ka lang-"

"Hindi ako napipilita-"

"-magpakasal sakin dahil sa kumpanya niyo. Don't worry, isang taon lang naman eh. Pagkatapos nun pwede na tayo mag-annul, kung gusto mo sa america nalang tayo magpakasal para mabilis ang pagdi-divorce natin" 

"Divorce?" kunot-noong tanong niya

Tumango ako "Yeah, okay lang ba?" 

Ilang segundo siyang nakatitig sakin pero tumango rin naman "Okay"

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako kasi napansin ko ang paglungkot niya

Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain 

"Sa bahay pala ako titira" sabi ko at uminom

"Huh?"

"After ng kasal natin, sa bahay ako titira. Magpapakasal lang tayo pero hanggang sa papel lang" kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko

"What?"

Ano ba naman to. Ang bingi

Di na ako sumagot at tumayo na para umuwi "Where are you going?" rinig kong tanong niya

"Going home" sagot ko at lumabas na ng restaurant

Papara na sana ako ng taxi ng biglang may nagsalita sa likuran ko

"Hatid na kita" napalingon ako at bumungad sakin si yeonwoo na seryosong nakatingin sakin

"Hindi na, kaya ko umuwi mag-isa" sabi ko at nag-abang ulit ng taxi

Sila mommy kasi eh! Iniwan ako dito tch

"No i insist" 

"HIndi na nga sab-" hindi ko na na tuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hilain papunta sa kung saan man

Marrying Yeonwoo LeeWhere stories live. Discover now