Last Chapter

346 13 8
                                    

*Dabin's POV*

Kasalukuyan kaming nasa lamay ni yeonwoo, pina-cremate nila mama yung bangkay niya. Marami nakiramay dahil kilala si yeonwoo bilang CEO ng Lee Corporation, isa na don si hazel na kanina pa iyak ng iyak

Naiintindihan ko siya dahil alam kong napalapit na siya kay yeonwoo. Napatingin ako kay aenan na nakaupo sa pinaka-harap hababang nakatitig sa kabaong

Kumuha ako ng tubig at lumapit sakanya, binuksan ko yun at inabot kay aenan. Tinignan niya lang yun at tumulo nanaman ang luha niya kaya yumuko siya at pinunasan yun

Napabuntong hininga ako at naupo sa tabi niya "Inumin mo na to aenan" sabi ko pero umiling siya

"Please?" umiling ulit siya at nagsalita "Ayoko"

"Look, hindi magugustuhan ni yeonwoo tong ginagawa mo eh, hindi ka nakain, tapos nagkukulong ka lang sa kwarto mo. Baka magkasakit ka...please aenan...kahit eto lang inumin m-"

"Ayoko nga sabi! Ayoko! Bakit ba pinipilit mo ako na inumin yan? Paulit-ulit ka!" sigaw niya na ikinabigla ko, pati yung mga tao na nakikiramay din ay napatingin samin

Mukhang nagulat din siya sa ginawa niya dahil tumulo ulit yung luha niya at lumabas ng walang paalam. Tumayo ako at sinundan siya

Agad ko naman siyang nakita na nakaupo sa isang bench, tumataas-baba ang balikat niya kaya alam kong naiyak nanaman siya

Lumapit ako sakanya at naupo sa tabi niya

"Sabi sakin ni yeonwoo nung nag-usap kami...aalagaan ka daw niya hanggang sa pagtanda niyo. Pero ngayong wala na siya, ako nalang ang mag-aalaga sayo. Sabi rin niya na pag nauna siyang nawala sainyo, wag ka daw umiyak...tumingin ka lang daw sa langit dahil nandon daw siya, tinitignan ka" sabi ko habang nakatingin sa langit

Nakita ko sa peripheral view ko na tumigil siya sa pag-iyak at tumingin sakin, kaya tumingin din ako sakanya at nginitian siya

Inakbayan ko siya dahilan para makasandal siya sa dibdib ko "Alam mo...matutuwa si yeonwoo kapag tinuloy mo yung plano niyo na naudlot" sabi ko

Tinignan naman niya ako na parang nagtatanong kung ano yun "Nabanggit niya sakin na plano niyong magka-baby noon pa. Kaso dumating ako kaya naudlot, sorry ah" sabi ko sabay himas sa likod niya

Natawa naman siya ng mahina "Ayos lang" sabi niya

"Anong ayos dun? Alam mo ang mabuti pa, magpa-IVF ka na, para magka-baby na kayo ni yeonwoo, at para may aalagaan na ako" masayang sabi ko

"Gagawin ko naman talaga yun eh...hindi nga lang ngayon"

"Sabihin mo lang ako" sabi ko at ngumiti

Naging tahimik na ang paligid ng bigla siyang magsalita "Sorry dabin ah..." 

"Para saan?" 

"Kanina. Sorry..." napangiti naman ako at ginulo at buhok niya

"Ayos lang, naiindintihan ko" sabi ko

Humiwalay siya mula sa pagkaka-akbay ko at tumingin sakin "Hindi ka galit sakin?" napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya

"Bakit naman ako magagalit?"

"Syempre yung nangyari satin" nanlaki naman yung mata ko at tinuro siya saka bahagyang umatras

"M-may nangyari satin?! Wahh-aray!" hinimas ko ang ulo ko na binatukan niya

"Gag*!" sigaw niya na ikinatawa ko

"Hahahaha-aray! T-tama na-aray! Joke lang! Joke lang!" natatawang sabi ko habang hinaharangan ang mukha ko dahil pinagpapalo niya ako

Marrying Yeonwoo LeeWhere stories live. Discover now