Chapter 10

290 15 2
                                    

*Nancy's POV*

2 days later

"Hi aenan" bati ni dabin sakin pagkabukas ko ng pinto, ngumiti lang ako at sinara ang pinto

"Kumain ka na?" tanong niya

Umiling ako "Busog pa ako eh" sabi ko at naupo sa couch

"Anyway kamusta na si papa?" tanong ko

Nabalitaan ko kasi yung nangyari sakanya two days ago

"Ayos naman. Hindi muna siya pinapapunta ni mama sa company, kailangan daw niya kasi magpahinga sabi ng doktor" tumango nalang ako at kinuha ang cellphone ko

Napatitig ako sa wallpaper ng phone ko. Picture namin ni yeonwoo, panget ko pa dito 

Hindi naman kasi sa ano pero pumuti na ako, nagco-contact lens na rin ako. Yung pilat nalang talaga yung sagabal

"Aenan gus-" napatingin ako kay dabin ng bigla itong tumigil sa pagsasalita. Nakatayo siya sa likuran ko habang nakatingin din sa phone ko. Agad kong pinatay ang cellphone ko at tinignan ulit siya

"Ano yan?" tanong ko at tinuro ang hawak niya

Hindi siya sumagot at naupo sa tabi ko "Aenan..."

"Hmm?"

"Mahal mo ba si yeonwoo?" napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya

"Huh?"

"Mahal mo ba siya?" ulit niya

"B-bakit mo naman natanong?"

"Just answer my question" sabi niya at hinawakan ang kamay ko

Nakatingin lang ako sa kamay kong hawak niya. Mahal ko ba talaga si yeonwoo?

Tumingin ako sakanya at ngumiti saka umiling "Hindi, ikaw yung mahal ko dabin" sabi ko

Napangiti naman siya at niyakap ako "I love you too aenan" agad akong kumalas sa yakap at tinignan siya

"T-talaga?"

Tumango siya at hinalikan ang kamay ko "Bata palang tayo. Mahal na kita" sabi niya at ngumiti

"So pano ba yan? Mahal natin ang isa't isa, so...." sabi niya at tinuro ako at ang sarili niya

Nawala ang ngiti ko ng mapansin ko ang suot kong wedding ring, tumingin ako kay dabin at pinakita ang singsing "Kasal pa ako kay yeonwoo dabin" sabi ko

Sumeryoso ang mukha niya at binitawan ang kamay ko "Saan kayo nagpakasal?" tanong niya

"Sa san francisco" bigla naman siyang ngumisi na ikinataka ko

"That's good. You can file a divorce"

***

*ding*dong*

Napakunot ang noo ng biglang may nag-doorbell. Kakaalis lang ni dabin ah, may nakalimutan ba siya?

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Saktong pagbukas ko ng pinto ay ang pagbagsak ng isang tao sa sahig na ikinagulat ko

Umupo ako at hinawi ang buhok niya "Yeonwoo?!" gulat kong tanong

Dumilat siya at tinignan ako "S-sorry" sabi niya at tumayo

"Oh!" agad ko siyang sinalo, nawalan kasi siya ng balanse pagkatayo niya

"I-i'm okay..." sabi niya at pinilit na tumayo

Bakit ang init niya? May sakit ba siya?

Hahawakan ko na sana ang noo niya para i-check kung may lagnat siya pero iniwas niya yun

Marrying Yeonwoo LeeWhere stories live. Discover now