Sienna's P.O.V.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa mukha ko nang tignan ko ang mga katabi ko napagtanto ko na ako nalang pala ang naiwan sa kwarto, kaya nag ayos ako ng sarili ko tsaka ako lumabas
Paglabas ko ay na abutan ko silang lahat na nag aayos ng mga armas nila.
"What time is it?" pag agaw ko ng atensyon sa kanila pero parang hangin lang ang sinabi ko dahil hindi nila ako pinansin at nag patuloy lang sa ginagawa nila
Okay bahala sila kung ayaw nila akong pansinin, tumayo ako sa harap nila nang nakasimangot ngunit wala paring epekto
"Ate Sien" sabay na tawag sa akin ni Emersyn at Lauren kaya napatingin ako sa gawi nila, ngumiti naman sa akin si ate Irene at Sweet na ngayon ay kasama ng mga bata na kakalabas lang ng banyo
"Hi babies, buti pa kayo pinapansin ako, sila kasi hindi" humagikhik naman ang mga bata sa sinabi ko
"Para kang bata eh, pinagtitripan ka lang ng mga yan" natatawang saad ni ate Irene sa akin
"Huh" nagtaka naman ako sa sinabi nya kaya nginuso nya yung mga tao sa likod ko kaya napalingon ako dun, ngayon ko lang napagtanto yung sinabi sa akin ni ate Irene
Yung kaninang seryosong nag hahanda ng mga armas ay puro nakangisi ngayon habang nakatingin sakin, ang bobo ko naman kasi panu ko hindi nalaman na pinagtitripan lang pala nila ako eh obvious naman kasi lahat ng babae may hawak na baril at tila eni examine ito, at alam ko naman na hindi sila marunong humawak no
" Ah" binalewala ko nalang sila atsaka ko binalik ang tingin sa mga bata
"Tara bibihisan ko kayo sa kwarto nyo" aya ko sakanila sa loob ng kwarto nila, tumango naman sila sa akin
"Kumain ka muna sien" tinignan ko lang si kuya ng sabihin nya yun at tsaka ko sya inisnob at nag patuloy sa paglalakad hmp nakisabwat din sya sa pang aasar sakin
"Patay ka pare ikaw may pasimuno nito"
"Oo nga, yan tuloy d ako binati ni Sienna"
"Gago mo pare"
"Hahaha pabayaan nyo yang kapatid ko tinutopak lang yan"
"Epic fail, akala ko ba iiyak si Sienna tsaka mo aaluin"
"Hoy ang gago nyong lahat pumayag din naman kayo ah"
Narinig kong usapan nila sa likuran ko, at teka si Matthew yung huling nag salita ah so sya may pasimuno ng lahat tsk nakakainis sya kung di ko lang talaga sya crush baka nabatukan ko na yun hmp
Nasa loob na ako ng kwarto ng mga bata at binihisan na sila, matapos ko silang ayusan ay inaya ko na silang lumabas pero pinigilan nila akong dalawa kaya nag taka ako sa kinilos nila
" Can we talk to you po" tumango ako sa tanong nilang dalawa
" Ate you've been good to us, you took care of us like your own daughters and we are very thankful that we get to meet you in this kind of situation, kung wala po kayo dun ni kuya matthew baka po naging zombies narin kami, alam nyo po na magiging pabigat kami pag kasama nyo kami dahil mga bata po kami at hindi marunong makipag laban pero sinama nyo parin po kami thank you po talaga" mahabang saad ni Emersyn na ngayon ay umiiyak na, ngayon ko lang sya nasaksihan na magsalita ng napakahaba. Umiiyak na din si Lauren kaya inalo ko silang dalawa kahit naiiyak narin ako
"Oh baby hindi kayo pabigat sa amin okay, blessing in disguise nga kayo sa amin eh, don't think like that baby okay you, lauren, terrix and jorden are important to us" pag papagaan ko ng loob sakanila
"A-ate c-can we a-ask one f-favor?" nauutal na tanong sakin ni lauren, umiiyak kasi sya kaya sya na uutal
"What is it baby?" tanong ko sakanya habang hinahaplos ang maliit nyang mukha
"Can we call you Mommy?" At tuluyan na ngang nag unahan ang mga luha ko ng tanungin nya ako ng ganun
"Please" umiiyak na saad ni Emersyn habang nakatingin sa akin na para bang nagmamakaawa
"Nasaksihan po namin ang pagkamatay ng mommy namin, kaya kung sana okay lang sayo na ikaw nalang mommy namin" napangiti ako sa sinasabi ni lauren, ang gaan ng pakiramdam ko ngayon
"Of course babies, It's such an honor to be your mommy" sabi ko sakanila sabay haplos ng mga mukha nila, napa "YEY" naman sila atsaka ako niyakap
---------------
Nandito na kami sa tapat ng mall ngunit wala pa ni isang lumabas sa amin dahil pinagpaplanuhan pa namin kung anu-ano ang kukunin namin sa loob
Hanggang ngayon ay hindi ko parin sila pinapansin at tumatango lang ako sa mga sinasabi nila since hindi nila ako makausap. Alam ko napakababaw ng rason ko pero alam naman kasi ni kuya kung gano ako ka warfreak pag bagong gising, pero hindi nya parin pinigilan ang nga ungas
"Mommy can we come" napangiti ako sa tinawag sa akin ni Lauren, napatingin naman silang lahat sa akin na parang nag tataka kung bakit ako tinawag ni Lauren na mommy
"Oo nga po mommy, at wait bakit kayo nakatingin sa mommy ko" dinuro naman ni Emersyn ang nga nakatingin sa akin kaya ayun sabay sabay sila sa pag iwas ng tingin sa akin
"Babies hindi pwede okay, delikado dun tsaka mas mapapanatag ako kung nandito kayo" pagpapaliwanag ko sakanila, mukhang na intindihan naman nila ang sinabi ko kaya tumango nalang sila
"Terrix, Jorden since kayo ang nakakatanda dito bantayan nyo ng maigi tong dalawa okay, remember if may tao sa labas na hindi infected at na hindi nyo kilala bumusina lang kayo ng tatlong beses okay" pag papa alala ko kay terrix at jorden
"Aalis na kami, girls remember what I said okay pag lumabas kayo dito magagalit talaga ako sa inyo at hindi ko kayo papansinin" pananakot ko sa mga bata, tumango naman sila as a sign of defeat
"Mommy mag iingat ka, we don't want you to get hurt again" sabay na pa alala nila sa akin, nginitian ko lang silang dalawa
"Of course, I love you girls"
BINABASA MO ANG
After LIFE (the zombie apocalypse)
Mistero / ThrillerBloods all over the place Wrecked cars Fire eating houses and buildings Intestines are scattered Loud groans and moans Helpless screams Cries Horns of cars What happened to my most precious country? What happened to the world? Is this the payment f...