Sienna's P.O.V.
patuloy parin kami sa pag lalakbay at sa pag kaka alam namin ay nasa batangas na kami, tulad ng ibang bayan na na daanan namin mistulang ghost town narin ang Batangas. Nagkalat ang mga lamang loob ng tao at mga dugo sa highway, marami ding Zombies na pakalat kalat at pilit kaming hinahabol
Nagulat kaming lahat ng biglang tumigil ang sasakyan
"wala ng gas at wala naring stock ng gas kaya kailangan nating maghanap ng pwedeng pagkuhanan ng gas" bulaslas ni Michael na nakaupo parin sa driver seat
"What!?" okay medyo o.a. rin tong si Eunice noh
"Bingi kaba?" at medyo mayabang din tong si Jino, halata sa mukha ni Eunice ang galit kaya nung bubulyawan na sana sya ni Eunice eh pinutol na ni ate Irene
"This is not the perfect time for you to quarrel" seryosong saad ni ate Irene sa dalawa. Sa totoo lang nakakatakot talaga si ate Irene pag seryoso sya kaya ayun natahimik ang dalawa
Tumingin ako sa bintana, at sa tingin koy tinatahak namin ang daan papuntang bukid dahil sa mga nagtataasang kahoy sa labas. Walang nag kalat na zombie na nakakapagtaka. Kung patungo na itong bukid ay kailangan naming mag lakad pabalik para makakuha ng gas
"Guys, I think papuntang bukid to kaya kailangan nating bumalik para maghanap ng gas, hindi rin naman mahirap yun dahil nung papunta tayo dito may nadaanan tayong gas station kanina, medyo malayo na ngalang yun" suhestiyon ni sage
"Mas mabuti kung dalawa nalang ang pupunta" sinang ayunan naman nilang lahat ang sinabi ko
"Sino ang pupunta?" tanong ni Joy
"Kami nalang" suggest ko, napatingin naman silang lahat sa amin
"Mas mabuti kung mga lalaki nalang" pagtutol ni Sweet sa sinabi
"Kami nalang kasi, kaya namin to promise" pamimilit ko sakanila
"Kung yan ang gusto mo edi sge basta bumalik kayo dito ng buo" seryosong sambit ni ate Irene sa akin, tumango lang ako atsaka ngumiti sakanya
-------------fast forward-------------
nag simula na kaming maglakad ni Matthew pabalik, para kumuha ng gas, at kanina ko pa rin napapansin ang hindi pag imik ni Matthew. Ano kayang problema ng lalaking to
"Matthew bilisan natin maglakad para makabalik tayo agad" tumingin lang ito sakin atsaka tumango, pagkatapos ay inalis nya agad ang tingin kaya napanguso ako
Kanina pa kami nag lalakad at pagod na pagod na ako, idagdag mo pa ang boring na atmosphere dahil ayaw akong kausapin ni Matthew. Kunti nalang maiiyak na ako sa sakit ng paa ko, pinipigilan ko lang talaga ang mga luha ko, sa tingin ko riy hapon na dahil sa tirik ng araw, kailangan na naming mag madali at baka gabihin kami
Tila isang anghel ang nakarinig sa mga hinanaing ko dahil nakikita ko ngayon ang isang bisekleta hindi kalayuan
Tumakbo ako papunta dun naramdaman ko namang sumunod si Matthew kaya hindi ko na sya nilingon pa, ng nasa tapat na ako ng bisekleta agad akong sumampa rito
"Ako na magmamaneho" saad nya sakin, kaya umalis ako sa pagkakasampa iminuwestra nya naman ang harapan nya tila sinasabing doon ako maupo
Nagsimula na naming baybayin ang daan gamit ang bisekleta, hindi nagtagal ay nakarating kami sa gas station ni Matthew
Nag simula na kaming punuin ang mga gallon na nakikita namin, ngayon ang problema namin ay kung paano namin ito dadalhin, hindi naman namin kayang bitbitin ang sampung galon ng gas
Nag palinga linga ako sa paligid ang saka nahagilap ng mata ko ang isang pickup na nakapark sa harap ng convenience store dito
Pinuntahan ko ang pickup at namangha ako dahil walang gas gas ang pickup at subrang linis, nasaan kaya ang may ari nito siguro ay tumakbo na iyon ng magkaroon ng apocalypse
Tinignan ko ang loob at laking pasalamat ko ng makita ko ang susi sa loob nito, dali dali ko itong binuksan at kinuha ang susi, nakita ko naman si Matthew na kinakarga na ang mga gallon sa likod ng pick up sa katunayan ay nakarga na nga nya ang anim na gallon at ngayon ay bitbit nya ang dalawa pa
"MATTHEW!!" tawag ko sakanya habang minumuwestra ang susing hawak ko, nakita ko naman dali dali syang naglakad papunta dito
"Shit sienna hindi kaba nag iisip, sigurado akong naka attract ka ng zombies sa pag sigaw mo" pagalit na sabi nya sakin, nanlilisik na ang mga mata nya nakatingin sakin, natahimik naman ako dahil totoo ang sinabi nya napaka bobo ko naman
"Wag kanang tumunganga dyan, pumasok kana at ilalagay ko na ang mga ito sa loob. Subukan mo naring pa andarin ang sasakyan habang nilalagay ko ito, bilis" napatingin kami sa mga zombing papunta dito marami sila, tila nasa dalawang daang Zombies.
Pumasok na ako sa loob at pilit na pinapaandar ang sasakyan ngunit ayaw talaga, napansin kong papunta na dito si Matthew kaya pilit ko talagang pinapa andar
"Hindi mo napa andar?" may pagka iritadong tanong nya sakin, umiling naman ako at yumuko
"Putang ina naman sienna ang dali dali lang ng gagawin mo hindi mo pa magawa ng maayos, kung hindi mo naman pala kaya bakit kapa nag prisinta" nagulat at napaiyak ako dahil sa pag mumura nya, pina andar nya naman ang sasakyan ngunit ayaw talaga
Tumingin ako sa labas at na abutan na kami ng mga Zombie pinagkukumpulan nila ang sasakyan at pilit binabasag ang salamin, wala akong ibang magawa kundi ang umiyak. Siguro katapusan ko na to, parusa siguro to dahil sa pagiging mayabang ko
Tila nabuhay muli ang pag asa ng umandar na ang sasakyan, pilit sinasagasaan ni Matthew ang mga zombie, kinakabahan ako sa ginagawa nya dahil pag nawalan kami ng balanse dito tiyak na tatagilid ang sasakyan at matutumba to, pinkit ko ang mata ko at pilit na nanalangin na sana ay makalabas kami ng buhay dito
Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong wala ng tumutulak sa sasakyan, nakita ko namang nakalabas kami sa kumpulan na iyon ngunit pilit naman kaming hinahabol nito
Napansin kong hindi sa dinaanan namin kanina dumaan si Matthew, siguroy nililigaw nya ang mga zombing nasa likod namin
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong wala ng naka sunod sa amin, ngunit naplitan ito ng sunod sunod na masasakit na salit
"YAN ANG NAPAPALA SA SUBRANG KAYABANGAN"
"PALIBHASA'Y SPOILED SIGURO"
"PINAHAMAK MO PA AKO"
"WAG KASING MAGYABANG KUNG HINDI NAMAN PALA KAYA"
"NAPAKA PUTANG INA SAYANG DIN YUNG DALAWANG GALLON, KUNG HINDI BANAMAN KASI BOBO ANG KASAMA"
"PANO KABA PINAKALI NG MAGULANG MO?"
"HAYS"
alam kong ako ang pinariringgan nya, hindi ako bingi at bulag para hindi malaman yun
"Alam kong tanga, bobo at sabihin narin nating mayabang, pero hindi naman siguro tamang kwestyunin mo kung pano ako napalaki ng magulang ko. Wala kang karapatan na sabihin iyon dahil sa ating dalawa ako ang mas may alam sa katangian ng magulang ko, sige pumapayag akong pa ulit ulit mo kong murahin, pero sana ay wag mong madamay damay ang mga magulang ko sa galit mo" mahabang lintaya ko sakanya, nakita ko naman syang nagulat atsaka tumungin sa akin na may nag sisising mukha
"Sienna I-" pinutol ko na ang sasabihin nya baga kami mag bangayan dito, alam ko naman kasi na mumurahin at ipapahiya niya nanaman ako
"Matutulog lang ako, gisingin mo nalang ako pag nakarating na tayo"
BINABASA MO ANG
After LIFE (the zombie apocalypse)
Mystery / ThrillerBloods all over the place Wrecked cars Fire eating houses and buildings Intestines are scattered Loud groans and moans Helpless screams Cries Horns of cars What happened to my most precious country? What happened to the world? Is this the payment f...