Sienna's P.O.V.
nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, nasaan ako?
tumingin ako sa paligid at napansin kong nasa sasakyan ako andaming nagkalat ng zombie sa labas,
nasaan ang kasama ko?
Iniwan naba ako ni Matthew?
Hindi ko natapos ang iniisip ko ng makarinig ako ng kalabog kaya napalingon ako dun, kinabahan naman ako ng makita ko ang isang zombing nanlilisik ang mata at nakangiti pa sakin nagulat naman ako ng may ibinulaslas ang zombie
"MAYABANG"
"WALANG KWENTA"
"NAPAKA BOBO"
"TANGA"
napapikit ako dahil sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nito
"tama na"
"lubayan mo ako"
"please lang"
"Ayoko na"
Tanging sambit koUnti unting nawawala ang boses ng Zombie kaya napamulat ako, sa pagmulat ko ay isang mukha ng anghel ang sumalubong sa akin
"Nasaan ang zombie?" Tanong ko rito, kumunot naman ang mukha nya
"Anong zombie? Kanina kapa nananaginip at umuungol, gigisingin na sana kita kasi tanaw ko na ang rv mula rito pero bigla ka nalang nag mulat ng mata" napatango naman ako sa sinabi nya, so it was all just a dream no it's a nightmare, not daymare pala hahahaha
" Bakit ka nakangiting mag isa jan, nababaliw kana ba?" tanong nito sakin ngunit tinaasan ko lang ito ng kilay, galit parin ako sakanya pero parang wala lang sakanya iyon. Ano kaya ang nangyari dito, bigla kasing nag baga kanikaninalang ay ayaw ako nitong kausapin
Mula dito ay tanaw ko na ang mga kaibigan naming isa isang nag labasan sa rv, huminto na ang pickup sa harapan nila at lumabas na kami, hindi ko parin iniimik si Matthew, hindi nya rin naman ako kinakausap
"Andito na kami" bulaslas ni Matthew, duh obvious naman ng sinasabi nya
"Obviously, nakikita ka kasi namin tsaka si Sienna kaya obvious na nandito kayo" pabarang sagot ni Sandro, nilagpasan nya lang ang mga kaibigan atsaka pumasok sa loob, narinig ko naman ang sinabi nyang "Where's my babies" kaya napangiti ako
Tumingin namana ako sa mga kasama kong hanggang ngayon ay nakatitig parin sakin, Ang weird nila
"Maka tingin kayo ha, gasolinahan nyo na ang rv nang maka alis na tago dito" saad ko sakanila bago pumasok sa loob ng rv
Maliligo muna ako tsaka matutulog, nagugutom narin ako pero wala talaga akong gana, na aalala ko parin ang bangayan namin ni Matthew kanina
Matapos kong maligo at mag bihis ay pumasok na ako sa kwarto pero sa tingin koy hindi tama ang pumasok sa silid dahil nadatnan ko rin si Matthew na natutulog at bagong paligo
Bahala na nga inaantok na ako tsaka kuwarto naman namin to
--------
Nagising ako dahil sa mga putok ng baril sa labas, sunod-sunod iyon at walang tigil kaya bumangon na ako at kinuha ang katana ko
Paglabas ko ay nagulantang ako sa nasaksihan ko, nasa labas ngayon ang mga kasama ko at nag papa ulan ng bala sa kalaban, tinignan ko ang ang mga bata sa kwarto nila at nakikita kong takot na takot sila sa ingay sa labas
"Wag kayong lalabas at dito lang kayo, maliwanag? Terrix at Jorden kayo ang matatanda bantayan nyo ang mga babae naiintindihan nyo?" tumango lang ang dalawang bubwit sa sinabi ko
Tuluyan na akong lumabas at nakakagulat na natunton kami ng mga Zombie dito hindi lang pala zombie kundi Zombies, masyado silang marami kung tyatyansahin ay nasa limang daan sila at hindi namin sila kakayanin
Kinuha ko ang bow ang arrow ko saka ko sila pinatamaan sa ulo, laking pasalamat ko at bawat taga ko ay natatamaan talaga sila, mabuti nalang at marami akong arrow, sinigurado kasi namin na kapag ginagamit namin ang arrow ay papalitan namin ito at nag cucustomize kami ng arrow
Parami ng parami ang mga zombies at hindi na sila ma ubos ubos at dumoble pa ang dami nila siguro ay dahil na attract sila sa putok ng baril, at sigurado akong hindi namin to kaya
"Kuya at Michael pa andarin nyo na ang dalawang sasakyan, hindi tayo pwedeng manatili dito hindi natin sila kakayanin" tumango naman silang dalawa at lahat kaming na iwan ay patuloy parin sa pakikipaglaban
Kinuha ko ang katana ko dahil tuluyan ng nakalapit ang iba sakanila, ako at si Ulysses ang pumatay sa mga nakalapit habang ang iba nama'y pinapana at pinapaputokan ang mga hindi pa nakalapit
Nag hihiwahiwalay ang mga ulo ng zombies sa katawan nila dulot ng pag putol ko rito gamit ang katana ko, napansin kong dumarami narin ang nakalapit kaya tumulong narin si Sweet sa amin ni Ulysses
Puro dugo na ang damit ko nangangamoy narin ako dahil dito, Sinubukan patayin ni yesha ang nakalapit sakanya ngunit huli na sya ng dambahan na sya ng zombie
"YESHA" sigaw ko, alam kong mali ang ginawa ko dahil makakapag attract ako ng zombie lalo pero bahala na
Pinuntahan ko si Yesha at pinutol ang ulo ng zombie na nakalapit sakanya, napansin kong nanginginig na ito sa takot
"Tumakbo ka papunta kila Royce, subukan mong panain ang mga zombing hindi pa nakalapit" tumakbo naman sya papunta kila Royce
Ng lumingon ako ay nagulat ako ng tumambad sa akin ang mukha ng zombie na pilit ako kinakagat, kaya na out of balance ako at na daganan ng zombie, pilit parin ako nitong inaabot pero pinipigilan ko ang kamay nya, tinaas ko ang isang kamay ko para saksakin sa ulo ang zombie, narinig ko ang pag andar ng sasakyan kaya bumangon na ako pero huli na ang lahat dahil napapalibutan na ako ng mga zombie, pilit kong hinahagilap sila uly pero wala talaga.
Napapalibutan na ako ng mga zombie at hindi ako maka alis, nanlalabo na ang mata ko siguro ay nagbabadya nang lumabas ng mga luha ko
Tinatagan ko ang sarili ko at pinuputol ang mga ulo ng zombing naka palibot sakin, nagtalsikan ang mga ulo at dugo nito, gumawa ako ng daan para makalabas ako, bawat zombie na haharang sa dadaanan ko at pilit akong inaabot ay pinuputol ko ang ulo, hanggang ngayon ay nakakarinig parin ako ng putok ng baril, napansin kaya nilang nawawala na ako
Ng sa tingin ko ay malapit na akong makalabas sa kumpulan ng zombie, pinkit ko ang mata ko at pumaikot ako habang dala ko ang katana ko, pagmulat ko ay tumambad saakinn ang nag kalat na ulo ng zombie na napatay ko
BINABASA MO ANG
After LIFE (the zombie apocalypse)
Mystery / ThrillerBloods all over the place Wrecked cars Fire eating houses and buildings Intestines are scattered Loud groans and moans Helpless screams Cries Horns of cars What happened to my most precious country? What happened to the world? Is this the payment f...