Blackie - Chapter 7

1.3K 62 1
                                    

Ang nangyari kay Winston ay nasundan pa ulit kinabukasan.

Ang sumunod na namatay ay isa ulit sa mga tropa ni Byron, si Trolls.

Kung ano ang sinapit ni Winston ay ganun din ang sinapit nito.

Ang kaibahan lang, sa ibang lugar naman ito pinatay.

Hindi talaga tumigil si Blackie sa paghihiganti para kay Apple.

Uubusin nya talaga ang grupo ni Byron.

...

Lalo namang nanggalaiti si Byron dahil pagkatapos mamatay si Trolls ay sumunod agad si Tyrone kinabukasan.

Kahapon ay si Cedric naman.

Ngayon ay si Jeck-Jeck naman ang pinagpipiyestahan ng mga langaw.

Kagaya ni Winston, ganun din ang ikinamatay ng mga ito, nilapa din ng aso ang mga parte ng katawan ng mga ito.

Pero ang ipinagtataka nila, bakit sila lang ang pinupuntirya?

Ang dami namang tao sa lugar nila pero bakit parang yung grupo lang nila ang target nung aso?

Nung una akala ni Byron ay aksidente lang yung pagkamatay nila Winston at Tyrone, na nataymingan lang ang mga ito nung asong ulol na sinasabi ng mga pulis.

Pero nung magsunud-sunod na, nakadama na sya ng hindi maipaliwanag na takot.

Dumating na sya sa puntong hindi na aso ang pinagbibintangan nyang pumapatay kundi tao na.

Lalo't wala pa namang nakakasaksi sa aktuwal na pagpatay ng aso.

At sa dami ng nagawan nila ng kasalanan, hindi nya matukoy kung sino ang taong nasa likod nito.

At lalo syang kinabahan dahil sila na lang dalawa ni Nico ang natitira ngayon.

Natatakot sya na baka isa na sa kanila ang susunod na mamamatay.

Kaya naman nag-doble ingat sila.

Si Byron ay palagi ng may nakasukbit na baril sa bewang.

Napagpasyahan naman ni Nico na wag munang lumabas ng bahay.

Maging sa school ay hindi na rin muna sya papasok.

Ayos lang sa kanya ang bumagsak, basta buhay lang sya.

Marami pa kasi syang pangarap.

Iaahon pa nya ang pamilya sa kahirapan.

At ora-mismo kukumbinsihin nya ang mga magulang na lisanin na ang lugar na iyon.

...

Samantala sa bahay nila Apple...

"Ma pwede po ba akong lumabas? Dadalawin ko lang po si Jommel sa ospital." Paalam ni Apple sa ina.

Ikinagulat naman iyon ni Barbarra.

Hindi ang pangalang Jommel kundi ang inaakto mismo ni Apple.

Ngayon lang ulit kasi ito nagsalita ng ganun kahaba.

At base sa nakikita nyang itsura nito ay mukang okay na ito, na mukang naghilom na ang sugat nito mula sa malupit na karanasang sinapit sa lalaking lapastangan.

Labis nya iyong ikinatuwa.

Dahil sa wakas makakausap na nila ng matino ang anak.

Sa wakas ay matatanong na rin nila ito kung sino ba ang dapat panagutin sa nangyari dito.

Pero hindi nya binigla ang anak.

Kukuha muna sya ng tamang tiyempo saka sya mag-uusisa.

"Sino si Jommel anak?" Tanong nya kunwari.

ESMERALDA Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon