Chapter 1: Ayoko Nga

41 1 0
                                    

' Phire, gising ka na ba? Bumababa ka na daw sabi ni mama nandyan si Lime sabay daw kayong pumasok!'

Nagising ako sa malakas na katok ni Kuya. Grabe lang, gigibain na ata yung pinto ng kwarto ko eh. -.-

Ayokong pumasok.. -_-

Huhu. Aasarin lang ako ng mga classmate ko pag pumasok ako. Center of Attention nanaman ako nito. Kasi naman ih! Bakit ba nauso pa yung Intrams intrams na yun. Tapos may kakanta pa sa stage.

'Hoy! Phire, tatlong araw ka ng absent! Anong balak mo sa buhay mo!? Tumayo ka na jan! Tara papasok na tayo! Luh. Isa pa 'to, kung hindi ko lang kaibigan 'to matagal ko na 'tong jinombag eh.

'Lime naman eh, inaantok pa ko. Bukas na ko papasok. Teka! Pano ka napunta dito? Nakalock yung kwarto ko ah! Sino nagpapasok sayo?!' kunyare nagulat ako. Wala lang, pang distract lang.

'Mukha mo! Sino kaya nagsabi sakin na nasa likod ng eklabu mo dun na nakasabit sa pinto yung susi?! Gosh! Halos maipit kamay ko kakaabot dun! Trap yata yun eh! tumalon pa sya sa kamay ko pagkatapos nyang sabihin yun. Gumulong gulong at wala syang paki kahit magusot yung uniform nya.

'Oh, tapos? Bakit kailangan mo'ng gumulong dito? Kala ko ba papasok ka na?' mataray kong sagot sa kanya habang nag uunat.

Woooaaahh~~~ Watta nice morning!! Ang daming nambulabog.. Tssh.

'Oo nga, bakit bawal ba makihiga? Bumangon ka na kasi! Maligo ka na! Pumasok na tayo, ang lungkot lungkot sa room kapag wala ka. Wala ako'ng kasabay kumain at wala akong kasama sa kalokohan.. Huhuhuhu!! Bilisan mo na nandyan din si Lay sa baba. Inunahan na tayong kumain.' at gumulong sya ng walang humpay.

'Anoooo!!? Nandyan si Lay? Afsjksj! Bat mo sinama? Sinabi mo sa kanya noh!? Kainis ka naman ih! Ang sama sama mo talaga! Hindi mo na iniisip yung buong pagkatao ko! Ajujuju! hinampas hampas ko sya. Kasi naman ih, alam kong pagtatawanan ako nung kapag nalaman nya yung kababalaghang ginawa ko nung Intrams. Habang buhay nya na kong pagtatawanan.. Huhu T^T

'Aray! Ano ba! Gaga! Wala kong sinasabi sa kanya. Absent din kaya yun 3 days na. Akala nga ni Ma'am nag usap kayo eh. Tsaka, pwede ba! Kahit naman anong sabihin mo dun makakalimutan nya na agad un, kanina nga lang papunta kami dito sa inyo nagulat ako kasi biglang sumigaw at di nya raw matandaan yung daan. Like srsly, isang kanto lang naman layo ng bahay nila dito.' kinumpas kumpas nya pa yung kamay nya akala mo naman may dinedemong pangyayari.

'Pero ayoko talagang pumasok..'  ( _ _)

' At bakit, Aber?' speaking of the unicorn..

' The devil is here..' sabat naman ni Lime.. Bigla kaming nagkatinginan at tumawa ng malakas. Ganyan talaga ang magkakaibigan, naiisip mo ang naiisip nya.

'Huluh! Anong nakakatawa? Bakit di ka pa nagbibihis? Tapos na kong kumain lahat lahat hindi ka parin Ok?' Woah~ hindi ko alam na may mga kaibigan akong mas masahol pa mag sermon kay mama.. Wala na kong nagawa kaya bumangon na ko at dumiretso sa banyo para maligo. Huhu. End of the world na kapag pumasok ako.. Uwaaahh~~ T^T

Pagkatapos maligo bumaba na kaming tatlo para kumain, si Lay kumain na lang sya ng leche plan sa Ref. dahil nauna na sya kanina pa.

Iniisip ko parin kung anong palusot ang gagawin ko para di pumasok.

'Ma, pwede ba kong lumipat ulit ng ibang school?' bigla namang inihit ng ubo si Lime habang kumaikain, si Lay mejo nasamid at napahinto si mama sa pagsubo. Duh.

'ANO? AT BAKET?' sabay sabay nilang sabi. (O.O)

'ANO? KALA MO BA GANON GANON LANG LUMIPAT NG IBANG SCHOOL? MAGPAPALIT KA NANAMAN NG BAGONG UNIFORM, BOOKS AT NOTEBOOKS. KUKUHA NANAMAN AKO NG PANIBAGONG FORM 137 AT 138 SA MGA TEACHER MO? PANG APAT NA BESES MO NG LUMIPAT NG SCHOOL TAPOS LILIPAT KA NANAMAN. ANO BA TALAGANG GINAGAWA MO SA SCHOOL , HA, BATA KA? NUNG UNA SABI MO KASI INAHITAN MO NG BUHOK YUNG CLASSMATE MO. PANGALAWA, SINUNTOK MO YUNG TINDERA SA CANTEEN. PANGATLO, NILAGYAN MO NG 'FVCK YOU' YUNG TEST QUESTIONAIRE NA BINIGAY NG TEACHER NYO? ANO NAMAN NGAYON ANG KALOKOHANG GINAWA MO , ALEJANDRIA?'

(⊙﹏⊙)

(◑▂◑)

Nagsisipaan kaming tatlo ng paa sa ilalim ng la mesa pagkatapos sabihin ni mama yun. Pagtingin ko kay Lime binigyan nya ko ng kupal-ka-talaga-sasaksakin-kita look habang inaamba nya saken yung tinidor nya.

'Ahm.. Ano Ma.. Kasi, joke lang yun. Practice lang, ganon kasi yung line ko sa role play namin sa English. Relax Ma.. Practice lang.. ' Juthko! Halos pinagpawisan ako ng malagkit kasi may hawak pa palang sandok si mama.. (⊙o⊙)?

'Ah, ganon ba? Ok sige, mauuna na ko sa inyo at aalis pa ko. Ito baon mo, umuwi ka kagad mamaya pagtapos ng klase nyo. Lime, Lay.. Pakisabay si Phire mamaya ha? Bye~' at umalis na si mama na parang walang nangyari..

Pagharap ko naman dun sa dalawa, binigyan nila ko ng tig iisang kotong..

'Aray~~~~~ Huhu.. Ayokong pumasok! Anong gagawin ko?!!'

I'm dead.. T_T

My Story [ EXO D.O Fan Fiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon