Card
I.D.
Ballpen
PictureAno pa bang kailangan ko?
'Anak, nandyan na si Kyung Soo sa baba..' narinig kong sabi ni mama..
'Opo, susunod na ko sa baba, Ma. Pakisabi na lang kay Kyung Soo, sandali hinahanap ko pa yung 1x1 picture ko..' tumango lang si Mama at tsaka na lumabas ng kwarto..
Enrollment na ulit namin, 4th year na kami!! ^^ Akalain mo yun, ang bilis ng panahon..
'Ayun!' pagkahanap ko sa picture ko bumaba na din ako agad.. Nakita ko sa sala si Kyung Soo, nanonood ng TV as usual ang pinakapaborito nya nanaman at walang kamatayang Pororo.. \m/
'Joheun Achim!' bati nya sakin at nag good morning din ako sa kanya.
'Kumain ka na ba?' tanong ko sa kanya..
'Ne..' sagot naman nya sakin ng hindi lumilingon.
Ngumiti na lang ako at sinabi sa kanya na kakain muna ko..
Close na kami ngayon. As in close.. After nung pagkahulog namin sa hagdan last year, dun nag umpisa lahat..
Lagi nya ko nun pinupuntahan sa room para kumustahin. Madalas din syang sumama samin nila Lay at Lime kumain sa canteen.. Hanggang sa naging routine na namin yun araw araw at mas nakilala pa namin sya ng lubusan..
Welcome na din sya dito sa bahay, dahil part na sya ng barkada. Masyadong naging mabilis ang pagiging close namin sa kanya. Nung una nga nagkailangan pa sila ni Lay, kahit naman kami ni Lime.. Hindi lang pala sya basta basta tranferee student sa school dahil relatives nila yung principal.. Kaya pala, marami rin kaming mga ka schoolmates at mga classmate na Korean yung iba half Korean. Tulad nga nung sinabi nya samin dati lumipat daw sya dito dahil sa mga kaibigan nyang sila BaekHyun at Jong Dae..
'Kyung, tapos na ko.. Tara na! kaming dalawa na lang ang sabay mag eenroll ngayon, nauna na last week sila Lime at Lay. Nagpahintay kasi sya dahil dun sya nag vacation sa kanila sa South Korea.. Sabi ko nga sa kanya kahit naman hindi nya na ko kasabay makakapag enroll pa rin sya, hindi nya na kailangan mag aksaya ng oras sa pag paparegiter at pumila.. Lagi naman nyang sinasabi na wala daw VIP sa kanya or Realatives pagdating sa gantong sitwasyon..Bilib nga ko sa kanya eh, kasi hindi nya pinapasok sa pagkakaibigan namin yung pagkakaiba ng buhay namin.. Mayaman sila, sobra..
Mabilis man kaming naging magkakaibigan, hindi naman kami nakaligtas sa mga mata at matatabil na bibig ng iba naming classmate.. Isa ang school namin sa pinakakilalang Private School dahil pang International ito.. Dati wala naman akong paki sa ganto basta nag aaral ako ng normal at matiwasay, ni hindi ko nga alam na anak mayayaman pala lahat ng classmate ko. Hindi naman kami mahirap, hindi rin kami mayaman nasa middle class lang yung buhay namin. Narealize ko lang lahat ng 'to nung maging kaibigan namin sya..
Lagi kaming inaasar ng mga classmate namin na inuuto lang daw namin sila Kyung Soo at Baekhyun para maging close kami..Hindi na lang namin pinapansin yun dahil laging sinasabi nila Baekhyun na wala lang daw magawa sa buhay yung mga un at hindi sila naniniwala..
'Sige, tapusin ko lang 'to.. Isang commercial na lang' natawa na lang ako sa sinabi nya.. Habang tumatagal, mas lalo ko syang nakikilala. Mahiyain pala talaga sya at hindi masyadong palasalita, kaya nga nagtataka ko nung nasa clinic kami nun ang daldal nya. Sabi nyan, depende naman daw yun sa taong kaharap nya oh kaya kung ka close man nya oh hindi.
'Panoorin mo na lang yan mamaya sa youtube, di ba may cd ka naman nyan?' kinuha ko na yung dala nyang gamit at nilagay sa bag ko.. Parehas lang naman kami ng dala, yun nga lang wala syang bag.. Pssh..
'Ayoko, nandito na eh.. Matatapos na 'to' Hayst.. You wouldn't believe what I'm gonna say.. Kalalaking tao nyan, pagdating sa cartoons weakness nya si Pororo.. Adik sya kay Pororo. No.1 Fan sya ni Pororo.. -_- Naalala ko nun, pumunta kami sa isang covinience store para bumili ng drinks, kumuha ako ng Sunny 10 grapes flavor at sya kumuha ng Pororo juice.. -_- Ako yung nahiya sa kanya nung ngumiti yung cashier dahil sa pagkakaiba ng drinks namin. Ngumiti lang sya nun, tapos sabi nya pa dun sa cashier natural lang naman daw sa isang tao na may Favorite na cartoon character.. Pinagpipilitan nya pa nun na hindi lang naman daw si Pororo ang gusto nya pati daw si Ryoma Echizen ng Prince of Tennis.. Umoo na lang ako nun dahil hahaba lang yung usapan namin..
'Ok na! Tara na~~! tumayo na sya at pinatay yung TV.. Pagkatapos nun nagpaalam na kami kay mama na aalis na.. Naglakad lang kami papunta sa school..
Tahimik kaming naglalakad ng magsalita sya..
'Pag kagraduate san mo balak mag aral ng College?' napatingin naman ako sa kanya at tumawa..
'Pfft~! Excited? Mag eenroll pa lang tayo ng 4th year, College na agad? Haha.. xD' sumeryoso naman yung mukha nya at tiningnan ako ng masama..
' Nagtatanong lang eh..' death glare kung death glare.. haha, kung anong nilaki ng mata nya sya namang niliit kapag tumingin ng masama..
'Uy, nawawala yung malaking mata ni Pororo~~~!!' pang aasar ko sa kanya.. Pororo na minsan tawag ko sa kanya. Magkamukha na kasi sila eh, lalo na sa mata.. Niloko ko pa nga sya nung nakaraan, sabi ko siguro si Pororo yung nawawala nilang kapatid. Hindi nya ko nun pinansin maghapon.. T^T Nag sorry naman ako sa kanya kaso hindi nya parin ako pinansin.. Tapos nung sinundo sya nun ni Oppa Seung Soo akala ko talaga hindi nya na ko papansinin yun pala nag sumbong sya kay Oppa kaya ang ending pinagtulungan nila kong patayin sa kiliti.. -_-
'Hindi nga, san ka mag aaral? Anong kukunin mong Course?' seryoso na talaga yung tanong nya kaya umayos na ko ng sagot. Mahirap na, kakaiba pa naman umisip ng plano 'to.. •﹏•
'Hindi pa ko sure kung saan eh, baka Culinary Arts kunin ko.. Bahala na siguro..Ikaw, bat mo natanong?' seryoso parin sya habang naglalakad..
'Tumawag kagabe si Papa..' huminto sya saglit tapos sinipa nya yung bato na natapakan nya..
'Pagka graduate natin, pinapabalik nya na ko sa Korea.. Dun na daw ako mag aaral ng College.. Actually, hindi lang ako..' nawala yung ngitin ko nung sinabi nya yun.. ̄ˍ ̄
'Sabay sabay na kaming babalik nila Baekhyun at Jong Dae sa Korea..' napahinto na din ako sa paglalakad at napaupo sa gilid ng batuhan.. Hindi ko alam ang sasabihin ko, parang may bumara sa lalamunan ko.. ╯▂╰
' Hala! 5minutes before 8 na.. Tara na Sapphire mag uumpisa na yung enrollment!' pagkasabin nya nun, hinila nya yung kamay ko at tumakbo. Hinayaan ko lang na dalin nya ko, parang nawalan ako ng lakas sa sinabi nya..
BINABASA MO ANG
My Story [ EXO D.O Fan Fiction ]
Fanfiction'Ako! Ako yun! You don't have to wait 'coz I'm already here! I'm here now.. Will you be my Everyday PeterPan Kyung Soo yah? because I'm your Long Lost Tinkerbell'.. - Alejandria Sapphire Samaniego