Chapter 4: First Aid Kit

25 1 0
                                    

'Ganda ng ngiti naten, ah?'

Pag angat ko ng tingin sila Lime at Lay lang pala. Breaktime na kaya nandito kaming tatlo sa canteen, routine na namin 'to araw araw.

Umupo na si Lime sa tabi ko habang si Lay umorder ng pagkain nila.

' So, what happened?' sa sobrang pagkakakilala sakin ni Lime alam nya na bawat kilos ko, kahit expression ng mukha ko alam nya kung nasa good or bad mood ako. Kinwento ko naman sa kanya yung nangyari samin kanina ni Kyung Soo, di ko mapigilang matawa talaga kapag naalala ko yun.. xD

' Kaya pala, wapakels kana kanina kahit inaasar ka ng mga classmate mo. Tssh'..

Haha. Totoo yun, nung pagpasok ko sinalubong ako ng isang barangay na asar ng mga classmate ko pero di ko sila pinansin. Lutang na lutang ako kanina kasi hindi ko din alam eh. Di ko talaga mapigilang mapangiti oh kaya matawa. ' Tinkerbell ' na nga tawag nila saken.

Pagkatapos naming kumain hinintay lang namin mag bell at bumalik na rin kami sa kanya kanya naming room. Nagmamadali akong umakyat sa hagdan dahil sa 4th flr pa ang last subject namin, ayaw ko pa namang ma late sa Math subject namin dahil pinapatayo ni Sir sa harap hanggang sa matapos ang klase nia.. >_<

Hakbang dito, hakbang doon..

*Boooggssshh!!*

' waaaaahhh!!!' hindi ako agad napakapit sa raillings kaya napatakip nalang ako sa aking mukha at hinintay na lang ang paggulong ko sa hagdan.. Pero imbis na matigas na semento ang kinabagsakan ko, isang malapad at mainit na katawan ang naramdaman ko..

'Ouch..' narinig kong daig nung sumalo sakin. Napaupo ako agad at tiningnan kung sino ito.

' Do Kyung Sooo!!!!' Napatingin naman sya sakin, nataranta ko nung nakita kong may dugo malapit sa ulunan nya. Sumigaw ako agad para humingi ng tulong, maraming estudyante ang nagsilapitan para buhatin si Kyung Soo. Nakaramdam naman ako ng konting pagkahilo ng sinabayan ko silang maglakad papuntang clinic.

'Miss, kaya mo pa ba?' nagulat ako nung bigla akong hawakan nung isang babae, nagtataka naman akong tiningnan sya.

'Nagdudugo din yung braso at ulo mo, sumama ka na din samin sa clinic..' pagtingin ko sa braso ko may dugo nga ito at gasgas, lalong tumindi ang pagkahilo ko ng humawak ako sa ulo ko bago tuluyan ng mawalan ng malay..

@ Clinic

'Tumigil ka na nga Lay! Pag di ka tumahimik sasaksakan na kita ng papel sa bibig!' nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko.. Pagtingin ko sa gilid ng kama nakita ko si Lime na nakaupo habang si Lay may sinasabi, hindi ko naman maintindihan.

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko yung nangyari kanina. Si Kyung Soo! nasan kaya sya? Ok na ba sya?

'Huy! Halah! Phire, dahan dahan lang.. Baka magdugo ulit yung sugat mo! Baka mabinat ka..'

'Si Kyung Soo, nasan sya? Ok na ba sya?'

'Nandun sya sa kabilang kwarto..' pagkasabi nya nun, bumababa ako agad sa kama para pumunta sa kabilang kwarto hindi ko na pinansin yung pagtawag nila sakin.

Tinanong ko agad yung Nurse kung nandun pa si Kyung Soo, sabi nya nandun pa daw nagpapahinga. Nagpaalam ako sa kanya kung pwedeng pumasok, tumango naman sya bilang pagsagot. Kumatok ako ng mahina bago tuluyang pumasok.

Isang Kyung Soo na nakangiti at may benda sa ulo ang bumungad sakin.

'Oh, ikaw pala Sapphire!Ok ka na din ba? Kumusta pakiramdam mo? Masakit pa ba yang sugat mo?' na guilty naman ako ng makita ko sya. Di kasi ako nag iingat eh, kawawa naman sya imbes na ako lang ang may sugat at nasa clinic ngayon nadamay pa tuloy sya. Tahimik lang akong lumapit sa kanya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Kung pano ako mag sosorry.. :(

My Story [ EXO D.O Fan Fiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon