LAKAS NG AMATS
"Bakit kaya pag nakagat natin labi natin,masakit.Pero pag iba ang kakagat,masarap."Bulong ko sa sarili ko
Nandito na ako ngayon sa tree house,ako lang mag isa.Hindi sumunod yung tatlo,dahil may practice din sila ng sayaw nila.
Kanina kasi habang papuntaako dito,aksidente kong nakagat ang labi ko.Ewan ko ba,wala naman akong kinakain kanina pero nakagat ko nalang talaga bigla.Buti talaga di dumugo.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Gabrielle sa akin kanina.Grabe lang,ni look down ako ng gaga.
"Pag yun talaga pinatulan ko,naku!Depress yun!"Napapikit ako ng mariin,sumasakit ang ulo ko pag naalala ko ko ang mukha ng babaeng yun.
"Tsk!Ibang klase."
"Oo nga!Ibang klase talaga!Lumelevel up ang pagiging pabibo nong babaeng yun."Sagot ko habang naka pikit pa rin
"Ano bang ginawa sayo nong babaeng yun?"
"Ipinahiya ako!"sigaw ko
"Marunong ka rin palang mahiya?"
"Aba't!Sino bang kakampi mo dito ha--ahhhhhhhhh!!" Napasigaw ako ng maka kita ako ng taong naka upo sa harapan kong upuan ko
"Tsk"
"Narinig ko yun!"sigaw ko habang dinuduro siya
"Oh tapos?"bored niyang tanong
"Aba't!Sino kaba?!"sigaw ko
Nakatayo na ako ngayon at mariin siyang dinuro ng maliit kong hintuturo.Tiningnan lang niya ako na para bang isa lang akong walang kwentang bagay.
"May gusto kaba sa akin?"Nag cross arm siya at sumandal sa sandalan ng upuan
"Ayy wow!Lakas ng amats mo ah."sarkastikong wika ko.
"Eh,ba't mo tinatanong pangalan ko?"tanong rin nito sa akin.
"Exjuice me!Tinatanong kita kong sino ka,hindi pangalan mo ang tinatanong ko!"bulyaw ko rito,lakas kasi ng amats
"Ganon na rin yun,tinanong mo kung sino ako.Kaya malamang sa malamang kailangan kong ipakilala ang sarili ko sayo."may point siya
Ibinaba ko ang kamay na naka turo sa kanya,at umupo sa upuan ko at bumuntong hininga.
Walang sino man sa aming dalawa ang nagtankang bumasag ng katahimikan.Nanatili akong naka sandal sa sandalan ng upuan at naka pikit.
Gusto kong matulog,dahil inaantok na ako.Late na kasi akong naka tulog kagabi.Dahil tinapos ko ang project ko subrang dami at bumabaha na.
"Sino ba kasi yung kinagalitan mong babae?" Tanong niya
"Di ko alam na chismoso ka rin pala."sagot ko rito
"Bakit ganyan ka?Inaano kita ha?" Natatawang tanong nito
"Bakit ganyan ka?May nakakatawa ba sa sinabi ko?"Ginaya ko ang sinabi niya kanina.
Seryoso akong tumingin sa kanya,umiling naman siya pero naka ngiti pa rin.
"Marnog Avilla nga pala.Ikaw? Dito ka rin ba nag aaral?"Jusko feeling close,ang dami kaagad tanong.
"At ngayon interesado kana sa akin?"walang emosyong sagot ko
"Grabe! Ang weurd ng school na ito."bulong niya pero narinig ko pa rin.
"Oo,sing weird mo.Sumasabat kahit di kinakausap."inirapan ko siya
"Sorry, wala kasi akong makausap dito eh."
--CONTINUE

YOU ARE READING
HER SEXY IMAGINATION
Teen FictionI don't have a dirty mind,I have a sexy imagination.