'JAYNEL'S POV'
"Okay lang yan Jay.Tutulungan ka naming mag move on."sinserong sabi ni Fahada na hinagod pa ako sa likod
"Gaga!At sinong tanga ang mag momove on kahit hindi nagung sila?"sigaw ni Jamaika sa mismong mukha niya
"Jay,kung maisipan mo ng mag bigti sabihan mo lang ako.Sasamahan kita,gusto ko na rin kasing mamatay eh."ganon din si Rachel na subrang sinsero ang pagkakasabi
"Gusto mo nang mamatay?E ba't umiiwas ka sa mga truck pag tumatawid?"sarkastikong tanong ni Jamaika
"Ang gusto ko pag namatay ako,maganda parin ako!"taas noong sagot ni Rachel
"Pero Jay,seryoso?Wala ka bang naramdamang kakaiba nung malaman mo ang balitang may kabit ang asawa mo?"tanong ni Jamaika
"Wala."deretsong sagot ko
"Wala?!"sabay nilang tanong na may nabibiglang tanong
"Wala."ulit kong sagot
"Wala talaga?Seryoso?"nagtatakang tanong ni Fahada
"Bakit? Required ba?"nagtatakang tanong ko
Nasapo nila pareho ang kani kanilang noo sa sagot ko.
"Ano bang klase ang puso meron ka?"naka ngiwing ani Jamaika
"Guys,alam niyo kasi.Wala talaga akong pakialam kung ano man ang gawin niya.Kung may iba man siya,edi mag pakasaya siya.Dyosa ako hindi sundalo para ipaglalaban siya."hinarap ko sila at isa-isang tiningnan
Nakanganga silang pareho habang nakatitig sa akin.Unti-unti silang nagpalakpakan na para bang nakakamangha ang sinabi ko.
Biglang lumambitin si Rachel sa braso ko habang ngiying ngiti.
"Sorry,nakalimutan naming dyosa ka nga pala."
Nagtawanan kami sa mga pinagsasasabi namin habang patuloy pa rin sa paglalakad patungo sa tree house sa likod ng building namin.
Tapos na ang morning class namin kaya heto at bumili lang kami ng snacks at deretso na sa likod kung saan ang tambayan namin.
"Kunting ulan baha agad,kunting landi mahal agad " sabi ni Fahada
"PHILIPPINES!"sabay naming sigaw
So heto at narating din namin ang aming tambayan.Busy ako sa paglamotak ng pagkain ko Habang sila naman ay busy kaka chismis sa pagiging mag jowa nina Charlotte at Jurheil.Noong isang araw lang daw kasi nila itong nakitang magkasama.Tapos bigla nalang nilang nabalitaan na mag jowa na ang dalawa.
"Grabe!Di man lang niya naisipang mag pabebe?"tanong ni Rachel

YOU ARE READING
HER SEXY IMAGINATION
Teen FictionI don't have a dirty mind,I have a sexy imagination.