Chapter One: Unexpected

37 1 0
                                    

                                                                  CHAPTER ONE

ANDRE’

Nagdadalawang isip si Andre kung aalokin niya bang ihatid si Xandra sa kanila, na halos kalahating oras na’ng naghihintay sa driver nito sa harap ng Main building ng Raymundo Villasis University, kung saan nag-aaral ito ng kolehiyo para sa kursong Business Administration.

Umiling siya. Hindi. Hindi pwede.

Mananagot siya sa ama niya kapag nalaman nito na inihatid niya ang bunsong anak ni Armand Samaniego. The Samaniegos were well and kind people, but their families were business rivals, which was apparently taken seriously by his father and considered them not just enemies in business but in life, as well.

Andre didn’t get it. What’s the point? Alam niya na halos apat na dekada na ang pag-aaway na iyon at hanggang ngayon ay seryoso pa rin ito, he was not even born at that time na nagsimula ang away.

But, he was sure that he had crossed the line.

Simula nang kinilala niya lalo si Xandra nang hindi inaasahang magkita sila sa Tagaytay, Xandra was there for a vacation, and he was there for a very important business deal. Sa iisang hotel sila nagstay, nag-extend siya for a few days and took the coincidence as an opportunity to get to know Xandra more. But, days turned to weeks…three weeks to be exact, and he made up lots of excuses to his dad para mapatagal pa ang pananatili niya roon. Gumana naman ito, dahil matagal na siyang kinukumbinsi nang kanyang ama na magbakasyon.  

Hanggang isang gabi, ay niyaya siya ni Xandra na magpunta sa bar at uminom, it turns out, nakipaghiwalay pala ito sa boyfriend niya, pagod na raw kasi ito sa isang lalaking walang direksyon sa buhay, at ang tanging layunin lamang ay magpakasasa sa yaman at mga bisyo tulad ng pambababae.

Aminado si Andre na he was a playboy at certified babaero kaya medyo na-guilty rin siya sa pinagsasabi ni Xandra.  

Tumuloy ang gabi at uminom sila nang uminom hanggang sa tuluyan na silang malasing. At di inaasahan ay may nangyari sa kanila, kaya sa sumunod na araw ay nagising na lang siya na wala na si Xandra sa tabi niya at nakalimutan na niya ang pangyayari sa sumunod na araw ngunit dahan-dahang naalala niya rin ito. Ilang beses niyang binalak mag-sorry kay Xandra, but he just can’t. Siguro, dahil nahihiya na siya sa nangyari. At sigurado rin na gago na ang tingin sa kanya ni Xandra simula nang gabing iyon. Hindi man niya sinamantala ang kalagayan nilang dalawa, ay ganun ang naging pakiramdam niya. Sobrang nahihiya siya sa nangyari, because he had slept with his bestfriend’s younger sister who also happens to be one of their family’s most coveted enemies.

That was unforgiveable. Pero kahit anong sorry ang gawin niya, ay hindi nito mababago ang nakaraan.

                                                       * * *

XANDRA

       Halos kalahating oras na nag-aantay si Xandra sa driver niya. Gusto niya kasi na umuwi na at magpahinga, isang bagay na nakakahinala sa kanya dahil hindi naman talaga siya ganito.

      Ang pakiramdam niya ay hindi mapaliwanag. Tuwing umaga, ay madalas siyang nagiging antukin at pagod, at minsan ay sumusuka pa siya o di kaya, biglang nahihilo ng walang rason. May mga araw rin na gusto niya lang kumain nang kumain, kahit busog na siya ay pakiramdam niya hindi pa rin.

        Pero ngayon, iba ang nararamdaman niya, parang pinagsama ang lahat nang nararamdaman niya, magkahalong pagod, antok, sakit ng ulo at gutom at parang masusuka rin siya. At bigla-bigla, ay parang may gumalaw sa loob  ng tiyan niya. Napakapit siya ng mahigpit rito.

Ano ba itong nararamdaman ko?, tanong niya sa sarili.

Parang matutumba ata siya…

 “ Miss! Miss! Okey ka lang ba? Miss! Tulong! Tulungan niyo kami!” sigaw ng babaeng lumapit sa kanya.

Mamaya-maya ay nagdilim ang mga paningin niya at wala na siyang marinig kundi ang maingay at malakas na pagka-untog ng ulo niya sa semento.

****

XANDRA

Dumilat si Xandra, and she realized na nasa school clinic pala siya.

“ Doc! Gising na ho siya! “ deklara ng nurse sa doctor. Dali-dali naming lumapit si Doctor Agustin.

“ Miss Samaniego…ano ang pakiramdam mo?” tanong ng doktor.

“ Ayos naman po, doc.” , sagot niya, nakangiti. Mukhang seryoso si Doctor Agustin.

“ If you don’t mind, hija…I ran different tests for you para malaman natin ang iyong kondisyon.” Pahayag ni Doctor Agustin.

“ Po?”

“ I am sure you are aware na nawalan ka ng malay sa harap ng main building kanina…Well, at first I thought it was just over-fatigue…But, no, Miss Samaniego…” pahayag ng doktora.

Kinabahan si Xandra.

“ You’re pregnant, Miss Samaniego.” Pagpapatuloy ng doktora.

Parang mahihilo siya. Buntis? Buntis siya…? Hindi. Hindi dapat…at hindi rin pwede. No! Paano ang mga pangarap niya? Paano ang kanyang Mama at Papa? Anong sasabihin nila? She’s only nineteen, nasa kolehiyo pa at walang alam sa buhay at mas lalo na sa pagiging ina.

Isa siyang kahihiyan…disgrasyada. Parang gusto niyang magwala. Xandra felt the color drain out of her cheeks.

Ano ang gagawin niya? Paano si Andre na siyang ama nang dinadala niya? Sasabihan niya ba ito tungkol sa kalagayan niya? Ang papa niya? Paano?

“ Miss Samaniego?” tawag ng doktora sa kanya…

“ I’m okay. Medyo nahihilo lang, doc.” Sagot niya.

“ Sige, humiga at magpahinga ka muna. Okay. You are one month pregnant, Miss Samaniego. And, since, first time mo and bata ka pa…I advise you to take a break from school kasi medyo maselan ang iyong pagbubuntis, you need utmost care and please, avoid stress. “ abiso sa kanya.

Take a break from school? Aba, hindi pwede yon! No way!

“ Doc, please…ayoko po huminto sa pag-aaral…third year college na po ako. “ rason naman niya.

“ I’m sorry, Miss Samaniego. You have no choice but to stop. Bawal sa iyo ang ma-stress. Baka maka-apekto ito sa dinadala mo. “

“ Doc, wag niyo po muna sabihin ito kahit kanino. I need time para masabihan ang Mama at Papa ko.”

“ Okay, hija. Eto, mga pamphlets at leaflets na makakatulong sa iyong pagbubuntis, basahin mo ito…I advise you to rest and like I said, avoid stress, Huwag mong hayaan na mapagod ka o di kaya magutom. At, Miss Samaniego…no alcohol. Ingatan mo ang iyong sarili at wag mo kalilimutan na dalawa na kayo ngayon. Think about your child.” Bilin sa kanya ng doctor.

Tumayo si Xandra at lumakad patungo sa pintuan.

Huminga siya ng malalim.

Magiging maayos ang lahat, anak. Wag kang mag-alala, Mommy’s here. , untag niya sa kanyang anak na nasa sinapupunan niya.

Mommy? Mommy na nga pala siya…

At sa mga sandaling iyon ay alam na niya ang dapat gawin. She was going to tell Andre about her pregnancy and then…her Mama and Papa. Magiging OKAY ang lahat, she knew it.

***

ANDRE’

Andre’ was in the middle of a meeting when his assistant called.

“ Sir, may naghahanap po sa inyo dito sa office niyo.” Sabi ni Trish, ang assistant niya.

“ Cassandra Eloise Samaniego daw po.” Dugtong niya.

Natigil siya. 

Cassandra? She’s here? Why? Ano ang pakay niya? 

One Way or AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon