Chapter Two: Confession

15 1 0
                                    

                                                                  CHAPTER TWO

ANDRE

Nakaupo si Xandra sa lounging chair ng kanyang opisina nang pumasok siya.

God, ang ganda niya.

“ Hi.” Bati ni Xandra sa kanyang pagpasok. Tumayo ito upang ipahiwatig ang kanyang presensya.

“ Hey.” Sagot naman niya. Ngumiti at umupo ulit ito. Tensyonado ang atmosphere ng kwarto parang may kakaiba rin ay Xandra at sa pagkikilos nito.

“ Sige, sir. Mauna na po ako.” Pahiwatig ni Trish na nasa kabilang sulok ng kinauupuan ni Xandra.

“Okay. Thanks, trish.” Sagot niya rito.

“I didn’t expect to see you here.” Panimula ni Andre’.  Ngumiti ulit si Xandra.

“ I know you didn’t. Maybe because, De Legaspi ka at Samaniego naman ako. Two sworn enemies na hinding-hindi magkakalapitan.” Sagot nito.

Ay, oo, nga pala…Ibig sabihin, kailangan na naman niyang ipalabas ang pagiging matigas at walang-pusong tao niya.

He hated pretending to be someone he’s not especially to Xandra.

“ What brings you here, Xandra?” tanong niya.

Ikaw. “

Huh? Siya? Talaga? Hmmmm.

“ Okay. Ano iyon? “

“ Andre’…” panimula nito. Lalong tumaas ang tensyon sa pagitan nila.

“ Well?” mainip na tanong niya.

“Um…kasi…Andre’…” paliwanag ulit nito.

“ Kasi ano?!” naiinip na pagpapanggap niya.

“ Andre’! Buntis ako!” matapang na sagot nito.

Shit! What?! Buntis?! Nabuntis niya si Xandra Samaniego?!

“ Sigurado ka?”

“ Oo, nung isang araw ko nalaman nang himatayin ako sa University, sinabi ng school doctor ang dahilan. At kahapon, bumili ako ng test. At tama nga ang hinala ko, buntis ako. It was positive. “ paliwanag nito.

“ Damn it, Xandra! Paano nangyari iyon?!” naiinis niyang sigaw.

Paano na ito ngayon? Paano niya ito ipapaliwanag sa Papa niya? Ano ang sasabihin nito kapag nalaman nito na nabuntis niya si Xandra Samaniego! Samaniego! Isang 19-year old Samaniego! Ayos na sa kanya ang pagbubuntis ni Xandra, pero ang Papa niya at mga magulang nito, for sure ay aapaw ang galit sa nangyari.

“ Ano’ng paano nangyari yon?! Ha?! Ewan ko! Well, nung pinatulan ng isang gagong 27 year old businessman at de Legaspi ang inosenteng kolehiyalang nalasing habang nakikipaginuman sa Tagaytay tulad ko! Yun ang nangyari! ” sigaw rin nito.

“ Buisit!” pagdadabog nito. Palabas na sana ito sa pintuan ng hinarang siya ni Andre’.

“ Saan ka pupunta?” tanong niya, umaapoy ang mga mata nito sa galit.

“ Aalis na. Magpapalaglag! “

“ Hindi! Hindi mo gagawin iyan! Huwag! “ , mabilis na sagot niya rito.

“ At bakit hindi? What do you suggest I do? Maghanap ng ibang lalakeng aangkin sa anak ko at ipaglalaban ito? Yung hindi kaaway ng pamilya ko…” magkahalong tapang, pagka-dismaya at kalungkutan ang nasa mukha nito.

“ Aangkinin ko ang bata at ang responsibilidad sa pagiging ama nito. “ sabi niya.

“ Ang mga magulang ko at magulang mo? Ano ang sasabihin nila? “ natatakot na bulong ni Xandra.

“ We’ll find a way.” He reassured her.

And with that, he promised to find a way. Kahit mahirap ay susubukin niyang kayanin para kay Xandra at sa magiging anak nila. Kahit ano, kahit buhay pa niya ang magiging kapalit nito.

One Way or AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon