CHAPTER FOUR
ANDRE’
Alas singko na nang hapon ng makarating si Andre’ sa mansion ng mga Samaniego, nanggaling kasi siya sa isang importanteng business meeting kasama ang mga prospective clients ng kompanya nila at pagkatapos ay nakipagkita siya sa kanyang sariling mga magulang at sinabi ang tungkol sa sitwasyon nila ni Xandra, sobrang nagalit ang kanyang ama pagkatapos ay pumayag rin na makipag-usap siya sa mga Samaniego.
Huminga siya ng malalim habang nasa sasakyan.
Kaya mo ito, Andre’. Magtiis ka.
Pagbukas niya ng pintuan ay naroon na ang Pamilya Samaniego. Si Xandra, kasama ang Mama niya na si Elisa Ingrid dela Cerna – Samaniego at ama na si Armand Luis Samaniego.
Bakas sa mukha ni Armand ang galit at pagkadismaya.
“ Good Evening, Xandra…Mrs. Samaniego…Mr. Samaniego, sir.” Bati niya.
“ Good evening rin, hijo. Tuloy ka.” Yaya ni Ingrid sa kanya.
“ Thank you, Maam. “ sagot niya. At tumuloy na sila sa malawak na dining area.
Kumain sila ng tamihik at pagkatapos ay lumipat na sila sa sala ng mga Samaniego.
“ Mr. Samaniego, nagpunta po ako rito upang ipaalam sa inyo na…” simula niya.
“I’m pregnant, Papa. At si Andre’ ang ama.” Pagpapatuloy ni Xandra. Napatayo si Armand Samaniego at bigla siyang sinugod, inawat naman ito ni Ingrid Samaniego habang pinrotektahan siya ni Xandra.
“Gago ka!” sigaw ni Mr. Samaniego habang napaiyak naman si Xandra.
“ Armand! “ saway ni Ingrid Samaniego sa asawa.
“ Papa, I’m sorry. I am so sorry, Papa. Patawarin niyo ako.” Pagmamakaawa ni Xandra sa galit na galit na ama.
“ Gago ka, Andre’ de Legaspi! Binuntis mo ang anak ko! At ikaw, Xandra…isa kang kahihiyan, disgrasyada nagpa-uto ka sa gago na ito!” sigaw nito kay Andre’ at sa anak habang pilit na nilalabanan ang kapit ng asawa.
“ Armand! Tama na! Hijo, umalis ka na. Please.” umiiyak na pagmamakaawa ni Mrs. Samaniego.
“ Sa susunod na natin ito pag-uusapan kapag mahinahon na ang Papa mo, Xandra. Anak, umakyat ka na muna sa kwarto mo.” Utos ng ina nito.
Umalis na si Andre’. Habang dali-dali naming umakyat patungo sa kanyang kwarto si Xandra.
Pagkapasok niya sa sasakyan ay napaisip siya. Galit na galit si Armand Samaniego sa kanya at mukhang handa siyang patayin kahit kailan. Pero paano na kaya si Xandra ngayon na nalaman na ng mga magulang nito ang katotohanan? Baka masaktan ito ng kanyang ama. Awang awa na siya kay Xandra, siya pa itong buntis at siya pang nagdurusa sa isang bagay na hindi naman niya kasalanan.
Kailangan ulit niyang makaisip ng paraan at solusyon sa problema na ito, dahil siguradong hindi papaya si Armand Samaniego na hindi niya pagbayaran ang nangyari. He would surely make a revenge, at dahil doon ay mas naging ganado si Andre’ na harapin ng buong tapang ang problema.
![](https://img.wattpad.com/cover/2460666-288-k935652.jpg)