12

434 21 3
                                    

Your POV

Ilang araw na rin ang nalipas, medyo gumagaling sa rin si Yoongi.

Ngayon, nasa hospital parin kami para mabilis siyang maka-recover, sabi daw kasi ng doctor na hindi pa masyadong maayos ang kaniyang puso at baka atakihin na naman.

Nasa bahay ako ngayon at balak kong pumunta sa hospital para dalawin si Yoongi. Para rin makatulong ako sa kanya dahil matagal na siyang hindi nakaka-attend ng klase. Bibigyan ko siya ng notes para mabasa niya at para na rin makatuto siya kahit kaunti.

4:25 pm, nagbihis ako para bumisita kay Yoongi. Nilakad ko lang dahil medyo malapit naman yung hospital sa bahay, syempre dala ko yung lectures at books.

Nang makapasok ako sa hospital pumunta kaagad ako sa room ni Yoongi at kumatok bago ako pumasok. Nakita ko sila Yoonmi at Jimin na nasa sofa at si Yoongi naman ay kumakain, his chees was full of food.

Tumingin sila sa direksyon ko at nakita ako ni Yoongi, namula ang pisngi niya at agad iniluwa ang pagkain niya. I smiled, cute.

"Unnie! Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka?" Pumunta sakin si Yoonmi at niyakap ako. "Uhm, may ibibigay lang sana ako kay Yoongi. Mga books at lecture natin kasi hindi na siya nakaka-attend sa mga klase natin. B-baka makatulong ako." Nilapitan ko si Yoongi at binuksan ang bag ko tsaka inilabas ang mga books at lectures ma nasa malaking notebook.

Napangiti si Jimin at Yoonmi, si Yoongi naman ay mas lalong pumula ang pisngi at inayos ang salamin niya. "H-hindi na kailangan, magpapatutor nalang ako kay Yoonmi o kaya kay Jimin. Nakakahiya k-kasi, pero s-salamat." Saad niya at bumaba ang tingin.

Parang kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Did he rejected my help?

Pinilit kong ngumiti at ibinalik ang mga iyon sa bag ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Jimin at Yoonmi sa sinabi nito.

"Ganon ba, s-sorry hindi ko alam. P-pero pag kailangan mo iiwan ko nalang kay Yoonmi." I smiled, halata ng dalawa na nalulungkot ako pero hindi ko ipinahalata.

• 6:30 pm •

"Y/N? napadalaw ka? Hindi ka man lang nagsabi." Sabi ni tita (Yoongi's mother) at tinabihan ako sa sofa. Natutulog ngayon si Yoongi at kaming dalawa nalang andito sa room. Gusto ko pang magstay dahil wala naman akong ginagawa sa bahay at walang tao.

"Ahm, wala po kasing tao sa bahay. Kaya nagstay po muna ako ng ilang oras. Aalis na rin naman po ako." Sabi ko at umayos ng upo.

"Hay, Y/N. Madilim na, umuwi ka na. Bukas ay madi-discharge na si Yoongi." Bigla akong nabuhayan ng lakas at tumingin kay tita, na nakatingin kay Yoongi. "Pero, napagpasyahan na din naming bumalik sa London. Mas magiging mabuti ang kalagayan niya doon at magiging mas magaling ang pakiramdam niya."

Biglang gumuho ang mundo ko, b-babalik sa London?

"P-pero tita, diba ayaw niya na doon?" Tanong ko habang pinipigil ang pagluha.

"Nag-usap kami kahapon, siya mismo ang nagsabi na gusto niya nang bumalik doon. Hindi ko rin alam ang dahilan. Kaya, pwede ikaw ang mag-tanong?".

 Soft // m.y.g ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon