Chapter 23: Jealousy

9.7K 196 43
                                    

Burn~

Ilang araw na ang lumipas when she decided na layuan ako, iwasan ako at di ako pansinin.

Kung yun ang magpapatahimik sakanya, sige magtitiis ako. Mag aantay ako pag ready na ulit siyang harapin ako.

Sa lumipas na araw ay ni hindi ko siya nakikita o nakakabangga manlang kahit pa nasa iisang school kami. Ginawa kong busy ang sarili ko, pero kada magpapahinga ako ay siya padin ang naaalala ko.

Kaya pinapagod ko ang sarili ko, para makatulog na agad sa gabi para wala na akong oras na maisip pa siya,

Pero not until dumating ang araw na magkatagpo ulit kami.

Sa Cafeteria lang pala mangyayari,

.

.

.

"Grabe ka, balak mo bang magpaka huwarang estudyante Pare?" pagbibiro ni Gian sa akin ng puntahan nila akong tatlo dito sa office.

Nagaaral ako.

"May exam ako, at may ipapasa pa akong for approvals. Kailangan ko matapos." simpleng sagot ko. Nasa ginagawa padin nakatuon.

"Di pa naman due date, sumabay ka na sa amin mag lunch ngayon Burn." gatong ni Lyra.

"Tigilan niyo ko. Mauna na kayo."

"Sus, pupunta lang yan don pag wala ng estudyante don." dagdag pa ni Victoria

Iiling iling akong tinawanan lang sila,

"Sige una na kami, asahan mong wala kami sa bday mo. Magpagutom ka jan." ani Gian. Seryoso ang mukha. Pero nambablack mail lang yang ugok na yan.

Nagtayuan sila at akmang palabas na,

"Mga bwisit kayo. Oo na!" inis na sabi ko at tumayo. Bigla silang nagtawanan at naunang lumabas.

Ng makapasok sa cafeteria, ay nakita ko si Cons na kagagaling lang sa pila at may dalang tray ng inorder niya.

Sinundan ko ito ng tingin habang naglalakad at nakita kong naupo siya sa isang mesa
.
.
.
.
Kasama si Ryle, at si Eunique.

And worst, masayang naguusap at nagtatawanan ang dalawa.

Biglang kumabog ang dibdib ko.

'Eunique, kumakabog padin to. Ibig sabihin mahal kita. Mahal padin kita'

Gusto ko nalang maghapong titigan o panuorin siya sa pagtawa at pag ngiti. Pero di ko gusto na ibang tao ang dahilan ng mga yon.

Nagiwas ako ng tingin at naglakad sa pwesto nina Gian.

"Ang tagal mo naman? Eto binili ka ni Gian. Para di ka na pumila." ani Vicky at inilahad ang tabi niyang upuan.

Umupo ako don, wala naman akong choice. Eto lang ang bakante. Dahil apatan lang naman ang upuan ng mesa dito.

Kinuha ko ito, at susubo na sana pero napatingin nanaman ako sa pwesto nila.

Naiinggit ako sa kinaroroon ni Ryle.
Buti pa siya nakikita kang tumatawa ng malapitan. Buti pa siya pwedeng pwede kang lapitan.

Gustong gusto kitang ipagdamot Eunique,
may karapatan pa ba ako?

'YOU ARE SO NEAR, YET SO FAR'

Yun tipong abot kamay na kita, pero parang ang layo layo padin natin sa isa't isa?

Halos mapisat ko ang bote ng tubig na hawak ko ng makita kong pinunasan pa ni Ryle sa bibig si Eunique. Natawa pa siya dahil parang di niya ata alam na may kalat sa bibig niya.

THE CERTIFIED SLUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon