"Ang Past Ko"
Isinulat ni: Vainjessel
-Pumatay, nakapatay, o pinatay, parehong salita at paraan nang paggawa. Sa ilang taon kong paninirahan dito sa mundo, ngayon lang ako minalas ng sobra. Bakit?...
Dahil nakapatay ako!.
Nakapatay ako, dahil sa pinatay ang taong pumatay sa pamilya ko. Ang gulo diba? Dahil magulo naman talaga!.
Ako'y isang hamak lamang na magsasaka sa bukirin ni Donya Amanda. Pero parang ako'y pinaglalaruan ng tadhana!. Wala akong kasalanan! WALA!"HOY! DAMIAN!...GISING!...DAMIAN!"
Malakas na pagsigaw kasabay ang pagyugyog ng asawa ko sa aking tabi. Kaya napabalikwas kaagad ako sa paulit-ulit na bangungot!.
"Ha?." Wala pa ako sa sarili na napatanong kay Lordes.
"Anong ha?...Binabangungot ka na naman!, ilang taon na ang nakalipas Damian. Pwede ba kalimutan mo na iyong nangyari sa iyo. Dahil kahit anong gawin mo, di na maibabalik pa ang kahapon. Malaya ka na! Napagbayaran mo na ang nagawa mo noon. Kaya please lang, ikampanti mo na ang sarili mo." Mahabang pagpapaliwanag sa akin ni Lordes.
Umiiling ako, "Di madaling kalimutan iyon Lordes, ilang taon lang akong nakalaya, di pa rin madaling mawala ang mga durog na alaala. Kung may magagawa lang ako para maitama ang pagkakamali ko noon ay gagawin ko. Pati na rin ito, pati na rin ika-!" Pagputol niya sa aking sasabihin gamit ang kanyang daliri na itinabon sa aking bibig.
"H'wag mo ng ipangalandakan sa akin Damian, alam ko naman e! Kaya please. Respeto nalang para sa mararamdaman ko." Kasabay noon ang pagtalikod niya sa palayo sa akin.
"Sinabi ko lang, baka kase nakalimutan mo. Kung paanong ikaw ang naging...Asawa ko. Imbes na si Rowena." Katamtamang nilakasan ko ang boses ko para marinig niya kahit na malayo na siya.
Ilang taon na ba ako ngayon? Trenta e sais!.
Ilang taon akong nakulong? Bente nuebe!Pitong taon akong nakakulong, dahil aksidente akong nawala sa sarili dahil na rin sa sobrang galit ko, ang mga mahal ko sa buhay ay pinatay! At ang tanging suspek ay pinatay rin ng ibang tao! Ang nag iisang paraan na makuha ang hustisya ay di ko nakamtan dahil nga ang suspetsado ay pinatay rin!. Kaya sa panahong iyon! Ang dugo ko'y kumulo at ang paningin ko'y nagdilim sa galit.
Kaya ang ginawa ko noon...PINATAY KO ANG TAONG PUMATAY SA MGA MAHAL KO SA BUHAY! KASAMA NA SI ROWENA!
FLASHBACK
Umuwi ako sa bahay na may dalang pang Noche Buena para sa pagsapit na alas dose ngayong gabi. Pagsasalohan namin ito habang naghihintay ng Pasko. Kaysaya ng pakiramdam ko ngayon dahil makakasama ko na ulit ang aking pamilya...lalo na si Rowena.
Stay in ako sa pagsasaka at kasambahay nila Donya Amanda kaya kada buwan lang ako nakakauwi, at dahil Pasko, pinauwi ako ng amo ko.
Sabik na sabik akong naglalakad papalapit sa aming munting tirahan. Malapad ang ngiti ko ng andito na ako sa mismong pinto ng bahay. Kakatok na sana ako habang nakangiti parin ng malapad nang may narinig akong tatlong putok ng baril.
BANG! BANG! BANG!
Ang malapad na ngiti ko kanina ay napalitan ng pagkahabag, di ko maihakbang ang paa ko sa sobrang pagkagulat. Pero di nagtagal ay nakabalik ako sa aking sarili kaya nabitawan ko ang dalang bag pati ang pagkaing pagsasalohan sana namin ngayong gabi.
"INA!...AMANG!!" Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang pagkakita ko sa nakahandusay na katawan nila mama at papa sa may sahig. Inalo ko sila at iniyugyog.
"A-AMANG!...I-INANG!...SINONG M-MAY GAWA NITO!?" Niyakap ko si Mama at Papa, habang umiiyak ako ay may nahulog na kung anong bagay sa may kusina namin. At nakita ko ang isang nakaitim na lalaki na may hawak na baril. Dahan dahan itong lumapit sa akin. Napatingin ako sa likuran niya...nanlaki ang mata ko at nagsiunahan ang mga luha sa pagbagsak. Dahil nakita ko ng malinaw si Rowena. Duguan at ang pang ibabang kasuotan ay nakababa na.