TITLE: KALDERO
WRITER: VAINJESSELOnce upon a time in a far away land of Yuvavolandia, there was a boy who lived alone in a native hut. He's young with a blue eyes, thin and pinkish lips, while his height is not far from his age. And his body is kinda skinny with a skin complexion black as in black!.
"Wait! what!?.....BLACK?! AS IN? NO......WAY DUDE!" I bursted out so loud when I am at the first page of this book I am reading right now.
"This is kinda bothering....Ayoko ng ipagpatuloy ang pagbabasa nito! tsk!" Nawalan ako ng gana na basahin pa ang kwento. Di ko kayang ipamukha sa sarili ko na may ganoong mga kwentong nakakababa ng self esteem! Bakit pa kailangang isali pa ang ganoong pagbibigay description sa isang tauhan sa kwento! di ba pwedeng yung mga magagandang katangian nalang?
Itinapon ko sa kung saan ang libro na binasa ko kanina. Tsaka nagsimula ng magbihis at lumabas ng bahay.
...........
AT THE COMPUTER SHOP"Dre! and'yan na si Kelly oh! Ayie!"
"Kelly! tawag ka ni Andre oh!"
Ako naman si Kelly'ng tanga! lumapit rin sa kung saan nandoon sila. Di na ako nadala!
"Ha-....Hi....Andz!" Nauutal kong bati sa kanya.
Kilala si Andre Salmonte dito sa lugar namin dahil sa taglay na karisma at kagwapohan. Maraming nagkakandarapang mga kababaehan sa kanya. At di ko itatangging isa na ako sa mga kababaehang baliw kay Andre!
"Hello!" Nabigla ako at nanlaki ang mata ko tsaka napa nganga ng bonggang bongga! sabihan niyo na akong Oa, pero iyon ang naging reaksiyon ko.
Makalaglag panty ang ngiting iginawad niya sa akin.
WAIT! SIYA? NAG HELLO? ....SA AKIN BA TALAGA? BAKIT PARANG SA LIKOD KO SIYA NAKATINGIN?
Kaya tumalikod ako at dahan dahang napalingon sa likoran ko. At doon ko nga nakompirma! DI NGA AKO ANG BINATI NI ANDY! KUNDI SI RYLA!.
Di ka na talaga nagtino Kelly!
"HOY KELLY! SAAN KA NA PUPUNTA! DITO KA MUNA!" Pagtawag na pasigaw sa akin ni Lawrence ang pinakagago sa magkakaibigan.
"TSE!" Tanging nasabi ko nalang without even looking back. Habang dahan dahan na akong naglalakad ay narinig ko ang usapan nila. Lalo na ni Ryla!
"Bakit n'yo ba kinakausap ang kulay kalderong babaeng iyan?" Ang pananalita niya na parang nandidiri pa! Naku! Ryla! Iisa isahin ko talagang paputukin iyang mga tigyawat mo sa mukha....makikita mo!
Lalo pang umusbong ang inis ko at napahinto na dahil sa narinig na sinabi ni Andre patungkol sa akin.
"Kalma Ryla! Kailangan natin si Kelly para makapasa sa college! Bakit ayaw mo bang grumaduate ha?" Sabay tawa ni Andre kasabay ang tawanan ng lahat. "SYEMPRE NOH! GUSTO KONG GRUMADUATE! KAYA NGA TINITIIS KO ANG MAITIM NA IYAN EH!...KUNG DI LANG MATALINO! DI KO NA IYAN PAPANSININ! NEVER!" Pag iinarte ni Ryla.
Di na bago sa akin ang mga ganyang bulungan nila. Pero kapag nanggaling na sa bibig mismo ng lalaking gusto ko ay doon na ako naiinis sa sarili ko!
"Di ko nga alam kay Lawrence kung bakit naaatim niyang kausapin si Kelly!....hoy pre! May gusto ka kay KELLY NOH!?" kantyaw ni Andre kay Lawrence.
Humagalpak ng tawa si Lawrence. Naiinis na naman ako sa gago!
"AKO? MAY GUSTO KAY KELLY! BRO! BAKIT SELOS KA?" At doon na nga mas lalong lumakas ang tawanan nila.
"SELOS? NAKU! IN HER DREAMS! DI KO UGALING PUMATOL SA KAPAMILYA ANG PWETAN NG KALDERO!!" Dahil sa di ko na kinaya pa ang kanilang pagbibitaw ng mga masasakit na salita ay pinili ko nalang umuwi. Pagkapasok ko ng bahay ay sumalubong sa akin si Mama.