"PANG BESTFRIEND LANG KASI AKO"
BY : VAINJESSEL ✍️I thought the feeling for both of us were mutual. But I was wrong, I expected much...but I was wrong. I am hoping much...but it was misunderstanding.
The feeling where I thought na magiging kami, pero hindi pala talaga pwede. Hindi pwede dahil may iba siyang minimithi.Ako? Pang bestfriend lang daw kasi. Isang hamak na bestfriend na kung may kailangan ka, andyan ka nagpapakatanga. Isang tawag lang ni bestfriend, kaagad ka namang pumupunta. Kinocomfort mo, para maging okay siya.
Pero ikaw, walang kokomfort sa'yo kapag bumalik na siya sa dahilan kung bakit siya nasasaktan.
Nagbalikan sila, kahit grabe na ang niluha niya. Todo advice pa, para marealize niya.Pero ano 'to? Gagohan? Kapagod naman maging bestfriend.
"Dale! I have something to tell you! Oh my god! Ang saya saya ko!" maligayang bungad niya sa aking harapan. Magkasama kami sa iisang apartment dahil pareho kami nang pinagtatrabahoang kompanya. Call center kaming dalawa, siya night shift, ako ay pang-umaga.
Nasa banyo pa ako't nanghihilamos nang bumungad siya ng sigaw. "Pwede ba Xianna! Hinaan mo naman boses mo! Maaga pa!" kahit anong gawin kong paglakas ng boses ko ay hindi ko magawa dahil namamaos pa ako. Ganito talaga ako tuwing umaga.
"Ano ba kasi 'yang isinisigaw mo r'yan at parang wala nang bukas!" pagpapatuloy ko sa pagsasalita habang nakaharap na ako sa parihabang salamin at hinahanda na ang toothbrush at toothpaste para makapagsepilyo.
"Eh kasi!-"
"Ano nga!!"
"Patapusin mo ako Dale!"
"Ay sorry! Sige ano na?" nagsimula naman ako sa pagsesipilyo.
Nagtikhim siya. "Baka...this month, ano...ahm..." pagbibitin niya.
"Ano? Mapropromote ka?" panghuhula ko sa kanyang sasabihin.
"Hindi!!"
"Eh ano kasi!! Magiging mayaman kana? O magiging isang ina ka na? Magiging misis ka na? Ano?" natatawa naman ako sa mga pinagsasabi ko dahil napaka imposible nang mga panghuhula ko.
Napatakip siya sa kanyang bibig. "Bakit?"
"Anong bakit?" patuloy ko sa pagtawa at ngisi habang nagsisipilyo.
"Bakit mo alam? Oh my! Binubuksan mo cellphone ko no? Ahhh!!! Ikaw talaga Dale!" pagsuntok niya sa balikat ko kaya tinapos ko kaagad ang pagsisipilyo ko para masangga ko ang mga suntok niya. "Sabi ko na nga ba e! Nang-oopen ka nang cellphone ko." tatawa tawa naman siya.
"Wait nga muna, sabing w-wait nga e. Xianna! Isa! Ahh!!" ang kulit talaga ng babaeng ito.
Pero kahit makulit ito! Mahal na mahal ko 'yan! Higit pa sa inaakala niya.
"Can you tell me what's going on? Kasi nalilito ako sa paganyan ganyan mo sa'kin!" usal ko sa kanya habang ginagaya ko ang pagtatalon talon niya kanina at suntoksuntok pa.
"Kasi! Wait? Hindi mo pa alam? I thought you invade my phone?"
"No way! That's not my business."
"So,"
"So?" I hissed.
"Lilipat na ako ng bahay." She said in rejoice. At ako nama'y nalilito.
"Wait, you are leaving this apartment?"
"Yes?"
"So you mean, you are leaving me? Alone?" parang may pumipiga sa aking puso.
"No, not like that Dale. Lilipat lang ako, pero I will still visit you here. I promise." she said with assurance.
"It's the same Xianna! Iiwanan mo pa rin ako ritong mag-isa! My goodness!" tumalikod ako sa kanya at hindi mapakaling palakad lakad. At napahinto ako sa naalala. "Nagkabalikan kayo?" I asked.
Nanginginig ako sa inis. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis!
"Sumagot ka Xianna!" hindi ko na napigilang nasigawan ko ang bestfriend ko. Nasigawan ko ang babaeng mahal ko.
"Oo, Oo Dale! Nagkabalikan kami ni Andrew! Sinabi niya sa aking magsama na kami. Nangako siya sa aking magbabago na siya. Nangako siya sa aking, papakasalan niya ako. At nangako siya sa aking pananagutan niya ang batang nasa sinapupunan ko." naiiyak na rin si Xianna dahil sa sobrang intense ng aming sagutan.
"Ha! Nangako? Teka nga muna Xianna! Ilang beses ka na bang pinangakoan nang lalaking 'yan? Isa? Dalawa? Tatlo?" pabalang kong pananalita sa kanya. Gusto kong maisip niya ang mga hinanakit niya noon. Oo alam kong mali ang magsalita ng masama sa kapwa. Pero hindi iyon magiging mali kung ito'y pawang katotonanan lamang!
"Teka nga dale! bakit ba ganyan ka makapagreact? Kaano ano ba kita? Ay! Oo nga pala! Bestfriend lang pala kita! At alam mo Dale! Kung ganyan ka rin lang naman makapanira kay Andrew! Mabuti pa! Umalis na lang talaga ako rito!" at nagsimula na siyang magligpit ng kanyang mga gamit at pinaglalagay sa kanyang bag.
Nang natapos naman siya ay may sinabi pa siya sa akin. "Bestfriend ka lang Dale! H'wag kang umaktong boyfriend ko!" Inis akong kinukuyom ang aking mga kamao. Ang kaninang mga luhang umaagos. Ay parang nagsipagtuyuan dahil sa kanyang mga pinagsasabi.
"Oo Xianna! Bestfriend mo nga lang ako. Bestfriend na handa kang ilayo sa sakit. Bestfriend na handa kang pasayahin. Bestfriend na minahal ka. Pero ano na ngayon? Maiiwan na lang akong nganga! Ang maipapabaon ko lang sa'yong mga salita Xianna. Sana kapag naiwanan ka ulit ni Andrew! H'wag mo na akong tangkaing lapitan at hingian nang tulong dahil baka ang maibigay ko lang sa'yo! Itong gitnang daliri ko!"
At buong lakas niyang sinara ang pintoan. Naupo ako sa aking kama at hawak hawak ang ulo ko.
Sana hindi ka magsisisi sa pinili mong landas Xianna!
THE END! (NO TO PLAGIARISM! NASA WATTPAD KO NA ITO UNDER ONE SHOT COMPILATION!)
THANK YOU FOR READING.... BIGLA LANG PUMASOK IYAN SA ISIP KO E AHHAHAHA.