Kabanata 1: Ikalawang Pinto

34 1 0
                                    

Ikalawang Pinto

17 Years Later after the prophecy

Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan upang puntahan si Ina. Masyado akong excited na ipakita sa kanya ang aking natanggap na scholarship. Pangarap ko ang maging isang nurse ngunit ayaw ito ni Ina. Hindi ko alam kung bakit pero nakakalungkot lamang at hindi niya ako masuportahan sa bagay na iyon. Sa bagay na gustong-gusto ko.

"Anak, kumain ka na." Nakangiting anyaya ni Ina nang matanaw akong kabababa lang sa hagdanan.

Naabutan ko siyang nag-aayos ng lamesa upang maghanda ng almusal namin. Nangingiti akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Ma, may ipapakita po sana ako sa inyo." excited ko pang sabi.

Napanguso ako nang matigilan siya.

"Mamaya na, anak at kumain na muna tayo. Gutom ka na hindi ba?"

Suminghap ako at bahagyang bumagsak ang magkabilang balikat.

Alam kong alam na niya kung ano man ang sasabihin ko sapagkat ilang ulit na siyang kinausap ng dean namin tungkol doon. Grade 12 student na ako at graduating na rin. Pinadalhan ako ng isang sikat na Medical School ng scholarship na labis kong ikinatuwa. That's a big ipportunity! Bilang lamang sa daliri ang nakakatanggap ng scholarship galing sa kanila! At sa wakas, matutupad na rin ang pangarap ko!

Ngunit gaano ko man kagusto ang paulit-ulit na alok sa akin, hindi ko magawang suwayin si ina. Ayokong saktan ang damdamin niya at ayokong magkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kahit na hindi ko lubos maintindihan kung bakit ayaw niya. Kung bakit hindi pwede? Gayong ito'y para na rin sa kanya.

Nakanguso akong umupo sa aking upuan. Bakit ba ayaw mo Ina? Gusto ko lang naman matutukan ang kalusugan mo dahil kahit hindi mo sabihin ay alam kong may nararamdaman ka na ayaw mong ipaalam sakin.

Lagi kong nakikita ang panyo niya na may dugo. I even heard her at night silently coughing just so, I won't hear... o di kaya'y para hindi ako magising. I confront her everytime. Itatanggi niya lang at magdadahilan.

"Bakit po..."

I watched her putting some rice in my plate. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya hangga't hindi niya ako nililingon.

"Bakit po hindi pwede?"

Natigil siya sa paglalagay ng adobo sa plato ko. Kalmado niyang inilapag ang kutsara at tinitigan ako sa mata.

"Kain ka na,"

I was snapped at my thoughts. Lahat ng katanungan na gusto kong itanong ay hindi ko na itinuloy pa. Bakit pa? Ganoon at ganoon pa rin naman ang makukuha kong sagot o di kaya'y wala.

Tumango ako at ngumiti bago nangsimulang kumain.

She always say na makontento na lamang ako sa simpleng pamumuhay namin dito. That I shouldn't aim higher at manatili sa low profile. I don't know what's her reason at bakit ganoon. Ang sakit lang sa part ko kasi siya ang mama ko tapos hindi niya ako kayang suportahan sa gusto ko. Gusto ko rin naman ng simpleng buhay. But if having a simple life means powerless and voiceless, then I'm sorry, I don't want a simple life.

I know she only wants to have a better life. But I know what's the best for us. Mahirap mamuhay ng mahirap ka lamang. Lagi kang malalamangan at walang karapatan sa buhay at iyon ang ayaw ko. I want to become a nurse to help her and others. Kahit iyon lang ang maitulong ko. Gamutin ang walang kakayahan at gamitin ang kakayahan ko. I know I am born to heal. I am born to have mercy and I am born to help those who are in need. Kaya para saan pa ang buhay ko kung hindi ko tutulungan ang ibang mabuhay? Para saan pa ang buhay ko kung mismong si mama ay hindi ko maililigtas? Ayokong balang araw panoorin na lang siyang nag-aagaw buhay. Ayokong wala akong magagawa... kahit na dapat meron.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thorns Of The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon