Mavi“Lapit-lapit,
ako'y lalapit,
layo-layo,
ba’t ka lumalayo?” kanta ng janitor sa loob ng building habang sumasayaw ng tsa-tsa.Napahagikhik si Mavi. “Eh kasi amoy putok…” salo niya kaya napatigil si Mang Teban sa pagkanta.
Lalong lumakas ang tawa niya at halos mapuno pa noon ang buong lobby.
“Ikaw talagang bata ka.” kakamot-kamot ito sa ulo. “Binubuska mo na naman ako.” Duro nito pero nakangiti naman.
Hawak ni Mavi ang lunch box niya at papunta na sana siya sa canteen nang maabutan ang pinakamatandang janitor na walang ibang hawak kung hindi mop. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, parati na lang itong kumukuskos ng sahig.
Natural.
Alangan naman na kuskusin nito ang mga mukha ng anim na gwardiya sa anim na sulok ng lobby?
Oo, anim ang sulok ng lobby ng Cibrian Pillar. Doon siya nag-o-OJT, nagpa-partime, nagsa-sideline.
She’s a college student, graduating student of Business Administration. Nagkataon na sponsor ng lahat ng scholars ng FWU ang may-ari ng Cibrian Pillar kaya napakaswerte nila na lahat sila ay doon nabigyan ng pagkakataon na makapag-training.
Isandaan sila lahat doon. Kapag sinuwerte sila ay magbibigay ng crystal blue cards ang kumpanya. Isa iyong passes kumbaga. Kahit anong oras sila bumalik, matapos ang graduation, may trabahong naghihintay sa kanila. Kapag naman pinabayaan nila ang trabaho sa oras na matanggap sila, wala na silang babalikan kahit kailan.
It’s a rare opportunity and if she’s lucky enough to have one, she’ll never waste it. Ang pinakamababang sweldo sa loob ng kumpanya ay twenty-seven thousand, that’s the basic salary, twenty thousand almost once deducted.
Siya na nagpa-partime roon bilang janitress ay nakakatanggap ng sampung libo. Tatlong oras lang iyon na pagma-mop o paglilinis sa designated area na dapat niyang linisin.
Maayos na iyon dahil pambili na niya iyon ng gatas ng baby niyang asul ang mga mata, tulad ng mala-kristal na salamin ng buong building ng Cibrian Pillar.
Si Edward Byron.
Byron is her son. He’s four years old, turning five. Kinse lang siya nang mabuntis ni Vander, her very first and very last boyfriend. Masaklap man aminin pero iniwan siya ng lalaki matapos na may mangyari sa kanila.
It was the most painful thing that happened to her but her father’s demise surpassed the level of pain, same month she found out that she’s pregnant. Tatlong buwan na iyon nang malaman niya dahil wala siyang alam sa pagbubuntis. Kung hindi pa lumaki nang kaunti ang tiyan niya at hinimatay siya dahil masyado na siyang low blood, hindi pa madidiskubre ang katotohanan.
Kamuntik siyang matanggal sa Catholic school kung saan siya nag-aaral, mabuti ay napakiusapan ng Mama niya ang Principal na Madre kaya lang, natanggal siya sa pagiging scholar.
That’s the bitter consequence of falling in love too early. That’s the consequence of falling in love with the wrong man.
But Vander was her first love and she still loves him, but she’s no longer that fifteen year-old Mavi, blind and fool, martyr. Kahit na babaero si Vander, isinuko pa rin niya ang sarili niya pero napahiya pa siya sa huli, at naiwan na luhaan.
“Kain tayo, Mang Teban.” Alok niya sa matanda na tumango.
“Susunod ako, Marianne. Mauna na kayo nina Emy. Kita tayo sa kantina.”
Sumaludo ang dalaga saka tumalikod.
She walked gracefully. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng blouse niyang suot at nag-scroll ng number ng Mama niya.
BINABASA MO ANG
When Love Strikes
General FictionHindi madali ang maging isang single parent. Hindi madali na ipanganak na mahirap at dahil sa pinaghalong kapusukan at kainosentehan ay magbuntis nang maaga. Hindi madali na maloko at iwan na mag-isa, na magpapalaki sa isang batang ipinagbuntis niya...