Mavi
Aray ko!
Parang nabali ang leeg ni Mavi nang bigla na lamang may humila sa buhok niya kaya agad siyang napalingon.
Si Emy pala iyon at tumitili nang walang sound. Para itong gaga habang hawak ang mahabang buhok niya.
“Sasabunutan kita. Pasira ka ng moment sa gwapong empleyado.” Aniya sa kaibigan sa boses na halos di rin naman lumalabas.
Napatitig siya sa mukha ng lalaki. He has the same eyes with that man she saw at FWU.
Hinding hindi niya makakalimutan ang mga ganoong mata dahil ganoon din ang mga mata ng anak niya.“Bruha, sushunga-shunga ka talaga. Hindi iyon empleyado. Boss mo ‘yon, gaga ka talaga. Nagkakalat ka.” Ani Emy na parang mas ninenerbyos pa sa kanya.
Ha?Kung ninenerbyos man siya, dahil iyon sa ngiti na walang kasing mahal. Nginitian siya ng…boss niya? Inilibre pa siya no'n kung hindi siya nananaginip.
Napatingin siya sa dako ng lalaki. Naupo na iyon sa mesa kung saan may isang magandang babae at sosyalin ang dating, mas sosyal pa sa mga executives ng kumpanya. The woman is very beautiful, so confident in her attire, bold, daring, seductive…anything that concerns about sexiness. Parang dyosa ang babae sa tingin niya. Puting-puti iyon na parang si Nicole Kidman noong kagandahan pa ng artistang iyon.
Inialis niya ang atensyon sa babae at inilipat sa boss daw niya.
He’s facing Mavi's direction and looked her way.
Agad niyang nahawakan ang palda dahil baka malaglag. “Bruha, may garter ka ba?”
“Ha? Bakit”
“Kasi kailangan ko ng garter para sa skirt ko.” Parang wala sa sariling sabi niya.
“Shunga. Kailangan mo rin sa panty kasi kanina ka pa nakatulala, bruha.
Susmiyo.
Sino bang hindi mapapatulala? Iyon na yata ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa tanan ng buhay niya bukod kay Vander at sa anak niya.
Nakatingin pa rin siya sa lalaki. Kung iyon ang boss niya, iyon yata si Señor Tyron Cibrian. Parang ang bata naman nito para maging Señor. Kung tatanungin naman niya si Emy, sasabihin nito na tanga talaga siya. Wala siyang alam sa boss nila. Wala talaga kasi wala naman siyang pakialam sa mundo kung hindi magtrabaho lang.
Baka nagpaparetoke si Señor Tyron kaya mukhang bata.
“Marianne, ito na ‘yong mga pagkain. Nakaswerte kang bata ka, unang araw ni Chairman sa trabaho, nailibre ka kaagad, times three pa.” anang ate Batsoy nila na may-ari ng kantina at serbidora pa.
Paminsan kapag kulang ito sa tao ay nakiki-side line siya kahit tanghali lang. Ganoon siya, mukhang pera. Wala kasi, kailangan niyang kumayod nang kumayod para sa lahat ng gastusin. Tulong sila ng Mama niya pero hindi naman niya iyon inaasahan na matutustusan ang karamihan sa pangangailangan nila dahil hindi naman malaki ang kita no'n. Karamihan sa mga tao sa Maynila ay sa Salon ang punta para sa manicure at pedicure pero dahil libangan na rin ng Mama niya ang pagkutkot ng kuko, hinahayaan niya. May mangilan-ngilan naman na nagtityga dahil siguro naaawa.
“Salamat, ate Batsoy.” Nakangiting sagot naman niya sa babae pero si Emy ay mabilis pa sa alas kwatrong kinuha ang tray.
“Ayee, nilibre siya ni Chairman.” Ani pa ng kaibigan niya saka iyon umalis, bitbit ang tray.
Alanganin na tuloy na lumingon si Mavi sa kinauupuan ng boss niyang may asul na mga mata, may pink na labi, may makakapal na brown na mga kilay, mahabang buhok na maruming tingnan pero nakakagwapo pa rin, may mga tumutubong balbas, may malalapad na dibdib…
BINABASA MO ANG
When Love Strikes
General FictionHindi madali ang maging isang single parent. Hindi madali na ipanganak na mahirap at dahil sa pinaghalong kapusukan at kainosentehan ay magbuntis nang maaga. Hindi madali na maloko at iwan na mag-isa, na magpapalaki sa isang batang ipinagbuntis niya...