3

7.9K 529 59
                                    

Mavi



Dumiretso silang mag-ina sa SM para bumili ng t-shirt ni Byron. May event kasi ang anak niya sa Valentines Day kaya lang ay Mama niya ang sasama dahil may pasok siya at may schedule siyang linis sa Cibrian Pillar. Hindi papasok ang isang Janitress kaya siya ang magkukuskos. Ganoon ang side line niya. Isa siya sa tagasalo ng mga trabaho kapag may lakad ang gagawa no'n. Magla-log-in lang siya tapos magla-log-out, bibilangin ang oras niya sa loob ng isang buwan, suswelduhan.

“Mom, what do women and men do who go out on a d-date?” biglang tanong ng bata kay Mavi habang pumipili siya kamiseta.

Napatingin siya  rito at hindi niya alam kung paano sasagutin.

“A-Ahm, kumakain yata, bossing, nagkukwentuhan, gano'n.”

“Bakit ka niyayaya ni Teacher Nix na lumabas? Crush ka ba niya? Crush mo ba siya? Paano na ang Papa ko?”

Diyos ko pong mahabagin. Nandito na naman ang topic.

Possessive kasi si Byron at ayaw na may lalapit-lapit sa kanyang lalaki. Hihintayin daw nito ang Papa nito na dumating para magkaroon na ng baby sister.  Ang galing lang. Nakaplano na ito samantalang siya ay tulog naman sa pansitan. Wala na nga siyang alam kung saang lupalop naroon si Vander.

Sa totoo naman kasi, hindi pa rin niya nasasabi kay Byron ang totoo. Natatakot siya na masyado itong masaktan dahil umaasa ito na mahal ng ama nito. Sabi lang niya, nasa Iraq ang Papa nito at nagpapaputok ng kanyon. Siguro ay ibang kanyon na ang pinapuputok ng letsugas na iyon; kanyon na nakatago sa pantalon at briefs.

“Hindi ko siya crush, okay. Huwag ka ng mag-alala dahil hindi naman ako sasama sa kanya. Pero huwag mong babastusin si teacher Nixon. He’s  still your teacher.” Paalala niya rito na agad naman nitong tinanguan.

“At least it’s clear, Mama. You only crushes my Papa.”

Yeah.

Ka-crush-in talaga niya si Vander kapag nagkita sila. Pero mali, dapat hindi niya ipakita na bitter siya. Masaya na siya sa buhay niya kahit na sila lang dalawa na mag-ina at ang nanay niya. Hindi niya kailangan ng lalaki.

Aw.

Naramdaman ni Mavi na tumapal siya sa kung anong malapad na bagay kaya agad siyang napatingala.

Humahagikhik ang anak niya dahil nabangga niya ang isang taong karton.

Pastilyas naman o!

Bakit ba humahara-hara sa daan ang isang lalaking karton?

Litrato iyon ng isang lalaking nakatalikod, nakaposing at nagmo-model yata ng kung ano. She scanned it from head to toe and never expected that she’ll drool like a freak. Matangkad ang taong karton, parang abot lang siya sa kili-kili. May hawak itong helmet tapos ay nakasando, nakasabit ang isang leather jacket sa balikat, nakaposing ang pwet, suot ang isang racing pants, with matching boots.

Parang ganito iyong nakita niyang lalaki kanina pero sa dami naman ng mga motorista na ganoon ang hitsura, sino ba ang sino talaga?

Sinilip niya ang kabila ng display, umaasa na may mukha ang model pero wala. Nganga.

Tanga talaga siya. Syempre ay stand and nakakabit sa likod ng taong karton.

“Excuse me, Ma'am. Pasensya na po kayo at nakaharang dito.” Anang isa sa dalawang lalaki na lumapit.

Binitbit ng mga iyon papaalis ang bagay na ‘yon kaya nanganga pa siyang napasunod ng tingin.

Sayang.

She’s  hoping to see the man’s face. She bets that the model is gorgeous, too. Mahilig talaga  siya sa gwapo pero hanggang doon na lang ‘yon.

When Love StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon